Clean’s POV
“Stella.” Mahinang tawag ko sabay tapik sa pisngi nya. Di ko alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon na ito eh!
Si Ashley nag-aalala na samantalang yung mga babae sa paligid namin ay gulat na gulat. May pagka-famous kasi si Ashley, bukod sa mukha syang foreigner ay magaling din syang estudyante kaya di na ako nagtaka ng madaming nagreact sa broadcast confession nya!
At ito namang si Stella na to! May pahimatay himatay talaga!? “Pasaway ka talaga Tela!” pabulong na sigaw ko sabay akay sa kaliwang kamay nya at inakbay sakin at dahan dahan ko syang tinayo.
Napatingin naman ako kay Xandra ng pumunta sya sa kanan ni Stella. “Let me help you.” Ngumiti naman ako at sabay naming inakay si Stella palabas ng room.
“Miss Clean, okay lang po ba sya?” tanong ni Ashley na nag-aalala. “Oo naman! Masamang d**o to, kaya yan hahaha!” sagot ko naman ng nakangiti sa kanya.
“Ashley, I think its better that you should go back to your room.” Sabi ni Xandra na ikinahinto nya. Mukha pa syang nagdadalawang isip pero maya maya din ay nagpaalam na sya ng makalabas kami ng room.
“Clean! Puta hahaha! Nahimatay talaga sa confession!?” tawang tawang sabi ni Janina kaya wala din akong nagawa kundi sumabay. “Ang babait nyo talagang mga kaibigan noh? Nahimatay na tinatawanan pa tsk.”
“Weh! Ang kj ni Kyla oh! Unique kasi eh! Yung iba nagugulat lang samantalang si Stella may pahimatay pa hahaha!” tawa pa din ng tawa si Janina habang si Kyla ay napapailing na lang.
“Miss Xandra ako na ang tutulong kay Clean baka nakaka-istorbo pa kami sayo.” Malumanay na sabi ni Kyla pero bago pa sya makalapit ay binatukan sya ni Janina sabay takbo sa side ko.
“Gago ka Janina! Para san yon!?”
“Kasi naman Kyla! Ikaw tutulong kay Clean eh mas maliit ka pa kay Clean. Mahihirapan lang sya kung ikaw yung aakay noh! Hayaan na natin na tulungan tayo ni Miss Xandra! Salamat!” masayang sabi ni Janina.
Agad namang nagbago ang masamang mukha ni Kyla at napabuntong hininga na lang. “Sabagay.”
“It’s okay, let’s go.” Sabi naman ni Xandra. “Tara na sa daanan natin!” sigaw naman ni Janina. When we say daanan namin.. ibig sabihin sa emergency exit.
“Okay tara – “ naputol ang sasabihin ko ng lumakad ako papuntang emergency exit sunod kila Kyla ng parang may humila din sa kabilang side ni Stella which is kung nasan si Xandra kaya ang ending..
Nahila kami sa gitna dahil sa magkabilang direksyon na nilakaran namin.
Napalunok ako ng magkatitigan kami tapos sya ay nakatitig lang din sakin. Dapat ko bang gayahin si Ashley at sumigaw din ng.. MAHAL KITA ALEXANDRA??
Badness! Syempre hindi! “Ano na? Kailan kayo lalakad na dalawa?” naiinip na tanong ni Kyla samantalang nauunang maglakad si Janina na hindi manlang kami napansin.
“Hahaha! Miss Xandra, doon tayo sa emergency exit kasi maraming tao dyan eh.” Sabi ko na lang kay Xandra. Tumango naman sya at lumakad na kami.
Pag pasok namin sa emergency exit ay nagtaka ako ng biglang pumunta si Janina sa harap namin tapos binuhat nya yung mga paa ni Stella pataas hanggang sa magkabilaang bewang nya kaya nagmukhang nakabukaka ng konti si Stella.
“Hahaha! Bwiset ka Janina! Anong trip mo?” natatawang tanong ko sa kanya. “Hahahaha! Tumutulnog syempre! Kawawa naman si Stella pag napudpud yung paa nya sa hagdanan diba?”
Tawa kami ng tawa dahil sa kalokohan ni Janina! Bwiset na Janina to! Akala mo talaga nag-aalala pero gusto lang talagang mantrip eh!
“Puro kayo kalokohan! Lumakad na nga kayo mamaya magising na yan eh.” Sabi na lang ni Kyla at lumakad na kami.
Nakakatawa dahil hanggang makarating kami dito sa clinic ay hindi na binitawan ni Janina yung mga paa ni Stella kahit na pinagtitinginan na kami!
“Miss Clean, anong nangyari kay Miss Stella?” tanong ng nurse na agad naming ikinatawa sabay tingin kay Stella na ngayon ay nakahiga na sa kama.
“Nahimatay po sa isang confession Miss.” Sagot ko na lang at natawa na kami tapos mukhang nagulat na naamaze ang nurse tapos sinabihan kaming magigising na din maya maya si Stella kaya agad na kaming sama-sama na naglakad palabas.
Nasa harap namin si Kyla at Janina tapos nasa likod kami. “Sorry, pasaway talaga si Janina eh.” Bulong ko kay Xandra.
“It’s okay. You really don’t cuss when I’m around huh?” comment nya na agad kong ikinalunok. Pansin nyo din ba? Ako kasi talaga sinasadya kong hindi magmura!
Napatingin naman ako sa kanya ng alanganin sabay tingin sa harap. “Ano kasi.. ano.. baka ayaw mo ng nagmumura.. tapos ano.. baka parusahan mo ako pag t – tayo lang haha – ha – ha.” Kinakabahang paliwanag ko sabay lingon sa kanya.
Naktia ko namang tumango tango si Xandra at bahagyang napangiti. “Great, since iniisip mo din naman yan.. totohanin na lang natin.” Sabi nya ng dahan-dahan kaya agad akong napalunok.
“O – oy. Xandra naman! Wala – walang ganyanan!” pabulong na sigaw ko sa kanya sabay tingin sa paligid. “It’s settled then. One cuss, one punishment. A very pleasant punishment.” Sabi pa nya na ikinaputla ko.
This is badness! s**t!
“Miss Clean!” napatakip naman ako sa bibig ko ng muntik na akong mapamura dahil sa nagulat ako! Gosh naman! “A – Ashley! Bakit?”
“Si Miss Stella po?” nag-aalalang tanong nya. “Nasa clinic sya ngayon.” Sagot ko naman ng nakangiti.
Yumuko naman sya tapos pinaglalaruan nya ang mga daliri nya. “Ano po Miss Clean.. okay lang po ba na ako na ang magbantay kay Miss Stella?” tanong ni Ashley na nakapagpalaki sa ngiti ko.
Tinignan ko naman sila Janina at Kyla na nakangiti din ngayon tapos tumango pa sila sakin. “Oo naman. Basta wag ka masyadong lumapit kay Stella ha? Nangangagat yon.” Babala ko sa kanya.
Imbis na matakot sya ay namula pa na agad naming ikinatawa. Nice naman!
Pagdating ng building ay nagsipunta na kami sa mga room namin at hanggang ngayon ay hindi pa din humuhupa ang bulungan tungkol sa pag-amin ng isang Ashley Valdez na isang excellent student kay Stella Allister na isang troublemaker.
Tumulong kami ni Xandra kagaya kanina.
Napahinto naman ako ng makuha ko ang star na nilalagay sa taas ng Christmas tree.
Hay Stella, mukhang hindi na lang ako ang magbabantay sayo mula ngayon ah? I’m happy na may tao na ring mag-aalaga at magmamahal sayo.
Speaking of mahal..
Napalingon naman ako sa direksyon ni Xandra na kasalukuyang may hawak na mga elves. Saglit lang ay tumingin din sya sakin na parang nagtatanong kung may problema ba. Umiling naman ako bilang sagot at tumingin lang sa kanya.
Oo, mahal ko si Xandra. Mahal na mahal ko si Xandra.