Chapter 27

1395 Words
Meanwhile before Stella’s black out. Stella’s POV Mabilis akong tumakbo papunta sa emergency exit dahil kung don ako sa hagdan mismo bababa ay hindi ako makakaabot sa three minutes na yun dahil maraming tao ngayon don! Lintek! Bakit ba naman kasi napakalayo ng club namin sa juniors building!? “Pres – “ naputol ang sasabihin ko ng bigla akong napayuko dahil naramdaman kong may lumipad papunta sakin. Buti trained na ang reflexes ko dahil kila Clean! “Pres para san – yon?!” hinihingal na sigaw ko ng makabawi ako. “Five minutes! Akala nyo ba kayo lang may gusto ng extra grades ha!?” sigaw nya sabay pamewang. Sabi ko nga eh. Gusto din pala ni pres ng mataas na grades. “Sorry na pres – “ “Hindi ko kailangan ng sorry mo. T-shirt nasaan?” mabilisang sabi nya sabay lahad ng kamay nya. Ngumiti naman ako sabay kamot sa batok ko at pumeke ng tawa. “Ano kasi pres.. kasi ano.. “ putol putol na sabi ko. “Stella.” Ayan warning na! Bakit ba naman kasi sa dami ng maipapamigay kong t-shirt ay yung importante pa eh!? “Pres, nawawala.” Deretsong sabi ko sabay takbo at tago sa pinakamalapit na pader ng may madampot nanaman sya. Shet! Clean, tulong! “Kayo talagang magkakaibigan kayo! Importante yon! Isinali pa man din kita tapos wala kang t-shirt!?” sigaw nya pa kaya agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at maingat na lumalakad papunta ng pintuan habang umiilag. “Pres sorry na kasi! Hahanapin ko!” “Dapat lang na hanapin mo! Pag wala yon papalitan kita ni Kyla!” sigaw nya pa sabay talon ko papuntang pintuan. “Wala namang ganyanan pres! Hahanapin ko promise!” sigaw ko habang papalayo ako. “Siguraduhin mo!” sabi na nga ba at dragon na sya eh! Bakit ba naman nawala sa isip ko? At anong pumasok sa isip ko at tumulong ako sa klase? Hays! Naman naman naman! Pano ko makukuha yung t-shirt?! Easy, sasabihin ko, oy Ashley nasasayo pa ba yung t-shirt? Pwede ko bang makuha? Salamat. No thanks! Kahit di na ako sumali wag ko lang malapit lapitan ang batang yun noh! Pero ano kaya kung.. Kung sundan ko sya at imbestigahan ang bahay nya at pasukin ang kwarto nya tapos kalkalin kung nasasn ang t-shirt ko? Sabagay, menor de edad pa naman ako. Pero hindi! Putek, tama na yung isang record dahil sa pagiging kaskasera ni Janina noh! Eh kung tanungin ko na lang si Clean? Tama tama, mas marami syang maiisip na kalokohan kesa sakin. Nakarating ako ng building at agad na nanliit ang mga mata ko ng makita ko kung gaano karami ang estudyante na akyat baba sa hagdan tapos yung iba may mga kahon pang dala. Ayoko makipagpatintero pagod na ako kanina pa! As usual, sa emergency exit na lang ulit ako dadaan dahil walang dumadaan don. Kung iniisip nyong ako ang nagpasimuno ng pagdaan sa emergency exit.. nagkakamali kayo, syempre si Clean ang may pauso non! Di ko na mabilang kung gaano kadaming beses na akong napabuntong hininga habang paakyat dahil sa kakaisip ng paraan para lang mabawi ko yung t-shirt. Pano na? Kailangan kong makuha ang t-shirt. “Miss Stella.” “Ay t-shirt!” sigaw ko sabay kapit sa railings ng hagdan bago pa ako mahulog. “Bakit ba nanggugulat ka Ashley? Muntik pa akong mahulog.” Mataray na pagkakasabi ko at tuluyan ng umakyat. “At anong ginagawa mo dito?” dagdag na tanong ko pa. Nagdedecorate ngayon tapos nandito sya? Nagtilt yung ulo nya tapos ngumiti sakin. “Nakita po kasi kitang lumabas galing dito. Kaya naisip ko na dito ka din po dadaan kaya hinintay na po kita dito.” Explain nya na parang tuwang tuwa. “Ah ang husay. Oh sige padaan na ako.” Bored na pagkakasabi ko. Pano ba naman kasi nakaharang sa pintuan papasok ng floor namin. “May itatanong lang sana ako Miss Stella.” Mula sa pagiging smiley face ay naging seryoso sya. Wow, bago to ah. Napatitig naman ako sa mukha nya. Bakit ganon? Dati bata lang sya pero ngayon halos magkasing pantay na yung ulo nya at mata ko samantalang dati mas mababa pa sya sa balikat ko. Humahaba at kumakapal ba ang pilik mata? Eh bakit ganon na yung kanya? At saka.. gumanda sya? No! hindi kaya! “Miss Stella? Yuhoo?” “No!” sigaw ko na ipinagtaka nya. Nasabi ko ba yun ng malakas?! “I mean, sige magtanong ka. Dalian mo marami pa akong gagawin.” Sabi ko na lang at iniwasan ng tumingin sa mukha nya. “Hindi mo po ba natatandaan yung sa likod ng building? Yung may mga bulaklak?” agad kong naibalik ang tingin ko sa kanya dahil sa tanong nya. Makakalimutan ko ba yun? Syempre hindi! Inis na inis kaya ako sa kanya non. Di ako sumagot at tumingin lang sa kanya ng nagtataka. Huminga sya ng malalim at humakbang palapit sakin, napaatras naman ako ng wala sa oras. “Ikaw ba yung kasama ko nung mga oras na yun, Miss Stella?” lumapit pa sya kaya no choice ako kundi mapasandal sa pader. “Pinagsasabi mo? Alis na nga dadaan – “ “Miss Stella, sasagutin mo lang naman yung tanong ko eh. Ikaw po ba yung kasama ko nung mga oras na yun?” tanong nya na sobrang seryoso. Umiwas naman ako ng tingin. “Ano naman kung ako nga yun ha?” “Akala ko kasi si Miss Clean, nung tinulungan nya kasi ako may pagkamataray din sya non.” Si Clean? May pagkamataray? “Anong – “ napahinto ako dahil pagharap ko sa kanya ay nagkabungguan pa yung tip ng mga ilong namin. Sobrang lapit! “A – ano bang trip mo!? La – layo nga!” medyo pasigaw na pagkakasabi ko at nagmove papuntang corner kaso sumunod naman sya! “Akala ko talaga si Miss Clean yun dahil sa inyong apat sya yung laging nakatali pagkatapos ng training nyo. Pero alam mo ba Miss Stella, alam naman ng puso ko na si Miss Tour Guide yung kasama ko non pero dahil wala nga akong ebidensya ay pinilit kong si Miss Clean ang kasama ko dahil sa pagtulong nya sakin noon.” Mahabang kwento nya na ipinagtaka ko. Pinagsasabi ba nito? “Miss Tour Guide?” tanong ko naman. Tumango naman sya.  “Yes po, at ikaw ang kasama ko nung mga oras na yun.. diba Miss Stella?” dagdag nya pa at lumapit pa sakin. Di ko kayang tagalan ang ganito kalapit dahil naiinis ako sa kanya! “Oo na oo na ako na yun! Padaan na!” sabi ko pa at lalagpasan na sana sya pero humarang sya. “Gusto mo bang makuha yung t-shirt mo Miss Stella? Diba importante yun para sa competition nyo?” napanganga naman ako dahil sa offer nya. Aba nga naman pagkakataon na ang lumalapit sakin! “Oo naman! I-abot mo sakin bukas. Tabi at magdedecorate pa kami.” Mabilisang sabi ko at lalagpasan na sana sya kaso humarang nanaman ugh! “Bakit ba iwas na iwas ka sakin, Miss Stella?” tanonog nya na ikinatigil ko. “Hi – hindi noh! Sayang kasi ang grades pwede ba?!” sagot ko na lang. Putek! Iwas na iwas ba ako? Hindi naman ah! “Ibabalik ko ang t-shirt mo kung papayag kang makipagdate sakin.” Biglaang sabi nya na ikinatigil ko. “Nababaliw ka ba?! Akala ko ba crush mo si Clean?! Tapos ako ang ide-date mo!?” bulyaw ko sa kanya. Nababaliw na ba tong batang ito?! “Crush lang naman ah! Pero ikaw ang gusto ko Miss Stella! Mahal na nga ata – “ sigaw nya na agad kong pinutol dahil parang hindi na ako mahinga! “Nababaliw ka na! Pwede ba umalis ka na?!” Nagulat sya dahil lumakas lalo ang sigaw ko at agad ko yung ginamit para makalagpas sa kanya tapos agad akong naglakad pabalik ng room. “Miss Stella! Mahal – “ “Manahimik ka nga! Umalis ka na!” sigaw ko naman habang padabog na naglalakad at nakahawak sa bandang dibdib ko. Confirm! May tama ang batang ito sa utak!     (A/N: Then next scene nito is yung pumasok na sila sa room na nagsisigawan sa previous chapter hohoho! Corner ang ate nyo Stella hahaha!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD