Chapter 26

1505 Words
Pagkatapos na pagkatapos ng last period ay agad na kinuha ng mga officers dito sa room ang mga kahon na may laman na decorations for Christmas na naka-assigned dito samin. Blue and white ang theme ngayong taon na ikinatuwa ko. Last year kasi green and red eh mas gusto ko talaga kapag may blue! Agad kong sinalo ang nahulog na Christmas ball mula sa mga bitbit ni Xandra. “Thanks.” Bulong nya sakin at agad kaming naglakad palabas ng pintuan. “No worries. Ito ba yung design para sa pinto?” umiling naman sya at tinuro ang mga upuan na nakaharap sa bintana. “Ako na aakyat.” Sabi ko sa kanya. “Gentlewoman ka pala, salamat ulit.” Mahinang sabi nya kaya agad na akong umakyat at humingi ng thumbtacks tapos inayos ko na ang decorations sa taas nga bintana habang nasa baba naman si Xandra. “By the way Clean.” Rinig kong sabi nya sabay tingin sa paligid. Napahinto naman ako sabay lingon sa kanya. “Bakit?” tanong ko. Napalunok ako ng bigla syang ngumiti ng tipid. “How’s my lovebites? Ramdam mo ba kung gaano kita kamahal? Tatlo yun.” Napanganga naman ako dahil sa sinabi nya at ramdam na ramdam kong pulang pula na ang mukha ko! “B – baliw ka! Ewan sayo, andyan si president i-abot mo na sakin yang Christmas balls.” Sabi ko na lang dahil wala talaga akong mahanap na sagot eh! Pero ang dating talaga parang nais nya pang dagdagan eh! Napailing naman sya sabay abot sakin ng hinihingi ko. “How adorable.” Napa-iling na lang ako sa comment nya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Mapang-asar din to si Xandra eh. Tingin ko masyadong natutuwa ang mga kaklase ko sa pagdedecorate ngayong araw kaya solong solo ko si Xandra ngayon wahahaha! “Sa loob naman tayo.” Sabi ni Xandra kaya agad akong sumunod sa kanya. Kumuha naman sya ng kulay asul na bulaklak tapos iba pang mga pang-designs. Naramdaman ko namang nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. From: Pres Dance Club Clean kayo na lang ni Stella ang hindi pa nagbibigay ng t-shirt. Luh oo nga pala! Agad naman akong humarap kaya Xandra na ngayon ay titig na titig sa cellphone ko. “Xandra, ibibigay ko lang yung t-shirt sa club namin ha?” tumango naman sya kaya agad kong inilibot ang paningin ko. “Nasan si Stella?” tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko sya makita. “Tumulong ata syang kumuha pa ng decorations.” Sagot ni Xandra sakin. Wow, nakita nya pa yun? “Okay lang ba na pakisabi kay Stella na sumunod sa club namin pag dating nya?” um-oo naman sya kaya agad akong nagpasalamat. Nagpaalam ako sa president namin dito sa room kaya agad kong binitbit ang bag ko at nagmamadali ng lumakad papunta sa club namin. Sana naman hindi dragon si pres! Natuwa kasi akong kasama ko si Xandra habang nagdedecorate kanina eh paano sobrang bihira na makasama mo sya kapag maraming tao sapagkat maraming umaaligid sa kanya. Agad kong binuksan ang zipper ng bag ko na malaki habang naglalakad ng mabilis at nagkakalkal. Bakit ba kasi nagdala pa ako ng mga damit ngayon?! Wala nga palang practice kaloka! Napahinto ako ng mapansin kong may nalaglag sa bag ko habang naglalakad ako. Sinara ko agad ang zipper ng bag ko at sinuot ito ng maayos at nilapit ang damit ko kaso.. May pumulot non na babaeng may blonde na buhok tapos nakatitig don sa t-shirt ko. Shet! Yung kinakalkal ko nalaglag na pala! Magsasalita pa lang sana ako pero agad syang humarap at binati ako. “Hello po Miss Clean.” “Hello din Ashley, hindi mo ata kasama si Jewel?” agad na napansin ko dahil mag-isa lang sya. “Hindi po, nagdedecorate po kasi sya samantalang ako po ay nag-cr.” “Ah ganon ba?” “Miss Clean, may tanong lang po ako.” Nawala ang tingin ko sa t-shirt ko na hawak nya ng magsalita sya. “Ano yun?” tanong ko naman. “Hindi nyo po ba natatandaan yung unang beses po nating nagkita?” tanong nya na agad kong inalala. “Yung nagkabungguan tayo sa hallway?” agad na hula ko naman pero umiling sya. “Nung freshmen pa po.” Sabi naman nya na agad kong ikinailing. “Sa likod po ng building?” dagdag nya pa pero dahil wala nga akong maalala ay umiling ulit ako. “Hindi po ba kayo mahilig sa ice cream?” tanong nya pa na agad kong ikinailing ulit. “Hindi, ang adik sa ice cream sa aming tatlo ay si Stella. Paborito din nya din ang rocky road at double dutch. Bakit mo pala natanong?” Nakita ko namang natulala sya kaya agad akong nagtaka. “Umm.. last na po Miss Clean, buong team nyo po ba ay same design lang po na ganito?” umiling naman ako at agad na sinagot yung tanong nya. “Nope, kasi may lining yan sa sleeves represents kung anong year mo na that time. Yung red represents junior so on and so on. Pero yung green ay dalawa lang kami ni Stella na mayroon kasi kaming dalawa lang yung freshmen na nakapasok that time.” Explain ko naman sa kanya pero wala manlang syang ibinigay na sagot. “Kaso yung kay Stella, logo na lang at nawawala pa. Bakit mo pala natanong Ashley?” dagdag ko pa sabay lapit sa kanya. Nakita ko namang parang natauhan sya at ngumiti ng malaki. Inabot nya sakit yung t-shirt ko tapos nagbow pa. Hala? “Wala po, salamat po Miss Clean.” Sabi nya pa at agad na tumakbo paalis. Anong nangyari don?” /// As expected ay pinagalitan ako ni pres at mukha na syang dragon! Hinahanap nya pa si Stella kaloka! Binigyan pa talaga ako ng five minutes na kapag wala pa don si Stella ay malalagot ako! Agad akong pumasok sa backdoor ng room namin na hinihingal. “Stella!” sigaw ko sabay batok sa kanya ng makita ko syang papunta na sa mga kaklase namin. “Sinigawan na ako, binatukan pa?!” “Gago ka! Three minutes na lang kapag hindi ka pa nakarating ng club award ka na kay pres tignan mo!” sigaw ko pa sabay habol hininga dahil hinihingal pa talaga ako! “Putek! Yung t-shirt pala! Teka mag-explain muna ako!” sigaw naman nya at agad na kumaripas ng takbo. Ayoko nga mag-stretching lang buong isang linggo ng practice. Ganyan kasi yang pres na yan kapag di mo sinunod lalo na at beastmode sya! Nakita ko naman si Xandra na malapit lang sakin at inaayos mag-isa ang Christmas tree dito sa likod. Kumuha naman ako ng branches non at agad na tumulong, nakita ko namang tumango sya kaya dalawa na naming inayos. Inusog namin iyon sa bandang gitna tapos ako na ang kumuha ng box na naglalaman ng pang-decorate dito. Inilapag ko yun tapos tig-isa kaming kuha ni Xandra ng pang-decorate. Napahinto kaming lahat dahil sa matinding sigawan tapos may mabibigat pang mga paa. What the heck?! Boses ni Stella yun ah! “EWAN KO SAYO! PARA KANG TANGA!” sigaw ni Stella at pumasok dito sa room na magkasalubong ang kilay. Nagtataka ko syang sinundan ng tingin ng dumaan sya sa harap ko. “TOTOO NGA KASI MISS STELLA!” kung nagtataka ako kanina ay mas nagtaka pa ako ng pumasok si Ashley at nagsisisigaw din. Wow, sa dami ng pwesto dito pa talaga sila sa harap namin ni Xandra nagsisigawan noh? “NABABALIW KA NA! BUMALIK KA NA SA ROOM MO AT WAG KANG PANG GULO DITO!” sigaw ni Stella sa kanya sabay nagwave pa na parang nagtataboy ng chuchu. Natahimik kaming lahat dito sa room at napahinto pa sa mga ginagawa namin dahil sa sigawan ng dalawang to. Nakita ko pa ngang dumungaw ang ibang mga estudyante pati na sila Janina at Kyla dito sa room namin eh.  Tinitigan nila ako na parang nagtatanong pero nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kung anong nangyayari noh! “NAKAKA-INIS KA TALAGA! NAGSASABI AKO NG TOTOO!” sigaw ni Ashley na halos mamula na ang mukha nya. Umiling naman si Stella at tinuro ang pintuan. “ALAM MO UMALIS KA NA LANG! WAG AKO ANG PAGTRIPAN MO HA!? IBA NA LANG PWEDE?!” mas malakas na sigaw ni Stella na halos maglabasan na ang ugat nya sa leeg. Humakbang ako papunta kay Stella para sana awatin sila pero lahat kami ay napahinto dahil sa hindi inaasahang isisigaw ni Ashley. “MAHAL KITA MISS STELLA!” lahat napanganga lalo na ako! Agad kong nilingon ko si Stella para makita ang reaksyon nya. Nakita ko syang nanlalaki ang mga mata habang nakanganga at nakahawak sa bandang puso nya. Kasunod nito ay bigla syang pumikit at mukhang matutumba kaya agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinalo sya bago pa sya mabagok. Shet, nahimatay si Stella dahil sa isang confession?!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD