Chapter 25

1026 Words
Umayos ulit ako ng upo at inayos ang palda ko. Nag-de quatro ako at tumingin sa harap pero maya maya ay inayos ko ulit ang mga paa ko at iniunat na lang ito tapos de quatro tapos unat ulit. “Hoy Clean. Trip mo? Di ka mapakali?” bulong sakin ni Stella. Ngumiti naman ako sa kanya tapos tumuro na lang sa harap kung san dini-discuss ni Miss ang Noli Me Tangere. Huminga ako ng malalim at pilit na nagfocus sa lesson tapos samantalang yung nasa unahan na nagngangalang Xandra ay parang wala lang! Guys, wag po tayong masyadong environmentalist and don’t think green too much okay? Dahil walang nangyari! Walang nangyari as in wala! Yung open legs na yon?! Wala lang yun! Ganito kasi, nilagyan ako ni Xandra ng lovebite sa collarbone, sa ibabaw ng pusod ko and lastly sa.. itaas ng tuhod ko. Yun po ang purpose ng open legs at wala ng iba pa as in period! At dahil hindi nga ako sanay na magmahaba na cycling ay hindi ako mapakali. Nagsuot ako ng cycling  na kayang takpan yung lovebite dahil mahirap na kung makikita ito ng kahit isa sa tatlong baliw kong mga kaibigan! Napaayos ako ng upo ng magtawag si Miss for recitation pero dahil swerte ang pangalan ko lalo na sa pagtatawag na mga ganyan ay hindi ako natawag wahahaha! “Clean, tara na lunch na. Putek, kanina ka pa hindi mapakali ah!” sita sakin ni Stella ng ayusin ko nanaman ang cycling ko. “Ano naman!? Lahat naman kaya tayo babae dito duh!” sagot ko sa kanya. “Nasa open field na ba sila Janina?” pahabol na tanong ko pa. Tumango tango naman sya dahan dahan. “Yup, madami daw dalang pagkain si Janina kaya wag na tayong bumili.” Sabay buntong hininga nya ng malalim at nasundan pa ng pag-iling. Kung ako kanina pa hindi mapakali, si Stella naman kanina pa mukhang problemado! “Tela mukha kang tanga! Bakit ba ganyan ang trip mo ngayon?” nilingon naman nya ako ng nagtataka kaya ipinagpatuloy ko ang ibig kong sabihin. “Iiling tapos buntong hininga tapos repeat then exchange tapos repeat?” Lumakad sya sa gilid ng hallway kaya agad ko syang sinundan. “Nawawala kasi yung t-shirt ko na ginamit natin nung championship.” Problemadong sabi nya na ikinagulat ko. “Gago ka! Importante yun! Wala ka bang nakitang kapareho mo na ganon? Baka student lang din nakapulot non dito.” Pabulong na sigaw ko sa kanya na tipong kami lang ang makakarinig. Hinawi naman nya ang buhok nya tapos tumingin sakin. “Useless din yun Clean kasi nga diba, hindi sinasadyang na-bleach ni manang yun dahil akala nya pintura nga kaya nga diba yung logo na lang yung naiwang buong buo don tapos yung designs at kulay sa paligid ay nawala na.” Napaface palm naman ako ng maalala ko nga yung kwento nya. Makakalimutin ba ako? Di ko masyadong matandaan ang events lalo kapag di ako nirere-call eh. “Anong sasabihin natin kay pres?” tanong ko pa tapos nagkatinginan kami. “Ewan ko.” Sagot nya at sabay kaming napabuntong hininga. “Kausapin na lang natin mamaya.” Sabi ko na lang at sasagot na sana sya kaso sabay naming narinig ang tunog ng mga tiyan namin. “Sabi ko nga mamaya na lang. Tara mas importante ang fudz!” pagdating sa pagkain nagiging halimaw eh noh? Pero paano na yung t-shirt, lagot si Stella nito! Andito na kami ngayon sa open field at kasalukuyang kumakain ng mga dala ni Janina. Napaangat ang tingin ko ng sumigaw si Janina habang panay ang hampas sa kanya ni Kyla. Napalingon naman ako kay Stella tapos nagkatinginan kami at sabay na napabuntong hininga sabay subo sa pagkain namin. Hays buhay, ang hirap magtiis lalo kapag di ka mapakali sa suot mo ugh! Samantalang yung isa malalagot kay pres! Mahirap pa naman makuha yung layout ng t-shirt namin na yun dahil two years ago pagkatapos na pagkatapos grumaduate nung gumawa ay lumipad agad sya pa-US. “Clean!” “Stella!” Nagulat ako ng biglang yumakap ng may pwersa si Kyla sa leeg ko at dahil don ay agad na hindi ako nakabalanse at sa kasamaang palad.. nauntog ang ulo ko kay Stella samantalang umuntog naman ang ulo ni Kyla sa kabilang side ng ulo ko. “Araaaay!” sabay sabay na sigaw namin pero dahil nga double kill kami ni Stella ay agad naming hinablot sila Janina at Kyla kaya ang ending.. Nagbugubugan po kami. “Janina napakalas mong manghampas!” sigaw ni Stella sabay himas sa braso nya. “Ikaw din inay, kaya pala talaga ikaw ang nanay namin.” Baling ko naman kay Kyla na agad nyang ikinapikon. Nanahimik naman kami at agad ng iniligpit ang mga pinagkainan namin. Ngayon ay magkakaharap kami at nakayuko tapos nakatingin sa lupa sa gitna namin. “Nasad kayo?” baling ko kay Janina at Kyla na nasa harap ko, katabi ko kasi si Stella. Ngumiti naman si Kyla ng alanganin sabay hawi sa buhok nya. “Oo naman Clean, sino ba namang hindi malulungkot don?” “Tama! Ginagalingan ko naman sa mga pratice eh.” Sabi ni Janina na agad na ikinabungisngis naming tatlo. “Pero three years na hanggang ngayon mukha mo pa din ang panglanding mo kada backflip?” basag ko sa pagmomoment nya. Umatras at umilag agad ako ng makita kong iginalaw nya ang kanang kamay nya kaya lalo syang nagdabog. “Ang epal ni Clean! Sinusubukan ko naman kaya!” “Oo na Janina! Wag kang mag-alala mas magaling ka pa kesa kay pres.” Pag-aalo ni Stella kay Janina na agad nyang ikinangiti ng malaki  at sunod sunod naming sinegundahan. “Oo nga mas malambot ang katawan mo.”  “At mas cute ang backflip mo.” Lahat ay irony at hyperbole kaya agad agad na nawala ang ngiti nya tapos nagsalubong pa ang mga kilay nya. Agad naman kaming tumayo at binitbit ang mga gamit namin at sabay sabay kaming tatlo na tumakbo pabalik ng building habang hinahabol kami ni Janina. “MGA BWISET KAYOOO!” Hahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD