Isa lang ang masasabi ko.. ang tyaga, sobrang tyaga. Ang tagal na simula nung niligawan nya ako pero dalawang taon na hindi ko pa din sy sinasagot. Wala lang hahaha! Masaya naman syang kasama at kausap. I mean, sumasaya kasi nga diba may pagka-abnormal sya. Sobrang loyal nya pa. At pano ko nasabi? Sige na nga, naging stalker nya ako nung isang araw at minanmanan ko talaga lahat ng kilos nya sa university nila. May mga kaibigan syang babae at lalaki pero no one, as in no one ang nakahawak sa kanya! Kahit yung magta-try lang na sumandal sa kanya ay wala as in! Nilalayo nya pa ang sarili nya tapos may pasabi sabi pang. Oops! May nakareserve na dyan. Ang corny diba? Polaris nga talaga sya. At ilang beses na ba syang nagsurprise at tinanong na maging girlfriend ko na sya? Tatlo ata o apat

