Kyla’s POV Hindi ko alam na mas masakit pala kung makikita ko sa ganito kalapit ang lagay ni Clean. Duguan ang ulo pati na ang likod nya at wala pa syang malay. Sunod kong nilingon si Miss Xandra na mukhang nawalan na din ng malay dahil sa sobrang pag-iyak. Ano bang nangyari at umabot sa ganito? “Pasensya na po hanggang dito na lang kayo.” Sabi ng mga nurse kaya huminto kami at tinanaw na lang sila na ipasok sa loob ng operating room. Ilang oras na pero wala pa ding nangyayari. Ano bang mayroon? Matatagalan pa ba? Ganon ba talaga kalala? Clean.. mahal pa din kita kahit na hindi ako ang pinili mo. Kaya kahit ganito, may pakialam pa din ako sayo. Pasensya na ha, hindi ko mapigilan na hindi ka mahalin. “Nay, andyan na sundo ko sa baba. Mauuna na ako.” Tinanguan ko kang si Janina at hind

