Ngayon ay nandito kami sa labas ng mall at kumakain ng cheesecake sa isang sikat na restaurant na may mga upuan sa labas pero may mga payong naman na malalaki.
Tig-isa kami ng cheesecake at magkatabing magkatabi kaming kumakain. When I say magkatabing magkatabi.. dikit na dikit yung upuan pati yung mga braso namin ganern.
After sa fitting room na hindi ko alam kung gaano ba kami nagtagal don dahil walang umistorbo samin ay napagpasyahan nya ding lumabas ng hindi nya naituloy ang balak nya na lagyan ako ng love bite. Yung totoo?! Mahirap itago yun kapag nasa leeg!
What more surprises me is.. bumili sya ng phone na kapareho ng sakin pero magkaiba lang ng housing. Joke! casing talaga, sinauna pa yung housing eh.
At ang sagot nya sa tanong ko kung bakit nya naisipang bumili ng smart phone?
“I realize last night that I really need a phone. I don’t know how I can communicate with you if we’re not together. So, I finally decided to buy one so that we can still talk whenever we are.”
Napangiti ako ng malaki sobra dahil ako ang dahilan kung bakit sya bumili ng phone.
“Clean, san ko makikita yung applications?” tanong nya kaya agad akong nagtap sa new phone nya para dalhin sa settings. “Dyan, dyan mo lang makikita lahat. Gusto mo bang turuan kita?”
Umiling naman sya at ngumiti. “Nope, gusto ko syang i-discover mag-isa. Thank you.” Sabi nya tapos inihiga nya ang ulo nya sa balikat ko kaya umakbay naman ako sa kanya.
Sinusubuan ko naman sya ng cheesecake habang nagphophone sya.
Sa totoo lang maganda itong mall na pinuntahan ni Xandra dahil.. malayo ito sa perimeter ng mga kaibigan kong baliw.
Speaking of them..
“Xandra.”
“Hmm?”
“Bakit iniwan mo yung mga pinamili mo don sa boutique?” tanong ko sa kanya. “Mahirap kung dala natin ang mga paper bags habang naglilibot. May kukuha naman non mamaya.” Sagot nya kaya agad akong tumango.
Napatingin ako sa cheesecake sabay tingin sa mga magbabarkadang babae na naglalakad. “Clean, may problema ba?” hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sakin at off na yung phone nya.
“Umm.. gusto mo bang ipaalam ko na sa mga baliw kong kaibigan ang real score natin?” tanong ko sa kanya na agad nyang ikinatigil.
Nagtilt ang ulo nya at humawak ang isang kamay nya sa index finger ng kabila nyang kamay, yan yung habbit nya kapag kinakabahan, di mapakali or may inaalala. See? Kilala ko na din sya kahit papano!
“Hindi naman ako nagmamadali Clean. You can tell them kapag ready ka na.”
“Eh? Ready naman ako lagi eh. Naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon.” Sabi ko sa kanya na agad nyang ikinatango. “Then, when will be the right time?” tanong nya na agad kong ikinatigil.
Oo nga kailan nga ba? Eh mag-de-December na hindi ko pa nasasabi sa kanila. Speaking of, malapit na ang isang buwan namin.
“Dadating naman ang right time kapag right na diba?” wala sa sariling sagot ko sa kanya. Natawa naman sya na ikinakamot ko sa batok. “Yeah right Clean.” Tapos inubos na nya ang cheesecake nya.
“Lakad lakad tayo?” tanong ko sa kanya na agad nyang sinang-ayunan.
Bumili kami ng isang tower na frappe na may isang straw lang at salitan kaming humihigop. Naglalakad kami dito sa bay view habang nakayakap ang isang kamay nya sa braso ko.
Huminto kami ng matanaw na namin ang sunset. For me, sunset and sunrise is very unforgettable for us lalo na nung trip. Sunrise nung naging kami so why not celebrate on a sunrise too?
“Xandra, gusto mo bang macelebrate tayo?” she smiles widely as if she gets what I’m trying to say. “Anything is fine Clean as long as we’re together.” Sagot nya na ikinangiti ko ng malaki.
“Talaga?” tanong ko naman na agad nyang ikinatango. Alam kong totoo yung sagot nya, hindi naman kasi sya yung type na materialistic or nag-eexpect ng kahit ano.
Pero sabi nga nila diba? Expect the unexpected, same goes for her. I’ll plan something na hindi naman ganon kagarbo dahil hindi naman namin same na type ang luxurious diba?
Ano kayang magandang celebration sa first month? Hmm?
“Don’t over think about it. Anything is fine, kahit ano pa okay lang sakin.” Sabi pa nya na ikinatawa ko. “Hindi ko kaya iniisip.” Sabi ko na halata namang yun talaga ang iniisip ko.
“Go Clean, make it more believable.” Sagot nya at sabay kaming tumawa. “By the way Xandra, pano ka napamahal sakin? Eh diba nga troublemaker ako? I mean, sobrang layo ng personalities natin.” Tanong ko sa kanya.
Humarap naman sya sakin at tumingin sa mga mata ko. “That..” pambibitin nya pa kaya lalo akong naging attentive.
“Sasabihin ko sayo sa first month natin.” Sagot nya kasabay ng paglubog ng araw at ang pagsakop ng gabi sa kalangitan
Ngumiti sya sabay talikod sakin at naglakad na kaya agad naman akong humabol sa kanya. “What?! Yun na yon!? Ang daya mo Xandraaaa! Paano nga??”
“Patience Clean.” Sagot nya habang naiiling. “Eehh, grabe ka talaga mambitin!” whim ko na agad nyang ikinatigil.
“Clean, ikaw ang mahilig mambitin at magputol remember?” tapos binigyan nya ako ng makahulugang ngiti. Ako daw?
“Huh?”
“Walang clue.” Sagot nya at naglakad na kaya naiwan nanaman akong loading. Does she mean.. gosh! Ang ibig naman nyang sabihin kapag gagahasain na nya ako ng tuluyan eh!
“Alexandraaa! Hindi yun ang pinag-uusapan natin!” sabi ko naman at humabol sa kanya.
“Hindi ba??” and our night filled with laughter.
Ang duya talaga ni Xandra!
///
Andito na kami sa parking lot at kulang na lang ay magpunta na kami sa sasakyan nya.
“Ihahatid pa ba kita?” tanong nya na ikinatawa ko. “Why so mean? Gusto mo bang magcommute ako?” nagtatampong sabi ko sa kanya.
“Kidding, tara na sa sasakyan. Baka hanapin ka na.” sabi pa nya at binigyan ako ng smack sa lips ko. Napangiti naman ako. “Sweet.”
“Let’s – “ naputol ang sasabihin nya dahil sa unexpected na tao na biglang sumingit. Ang tao na hindi ko pinaka-inaasahan na makakakita samin ngayong gabi.
“Clean? And Miss Xandra? Are you guys.. ?” naguguluhang tanong nya habang pabalik balik ang tingin samin.
Syet! Anong ginagawa nya dito sa mall na ‘to!? Eh malayo na ‘to don samin eh!
Magsasalita na sana si Xandra kaso nagsign sya ng stop. “Can I borrow my best friend Miss Xandra?” tanong nya sabay tingin sakin na nakapamewang. Lagot, yari na!
Tumingin sakin si Xandra at ngumiti naman ako para i-sure sa kanya na okay lang.
“Okay.” Sagot naman ni Xandra at tumalikod na pero hinawakan ko ang kamay nya. “Ihahatid ko muna si Xandra.” Sabi ko sabay tingin sa kanya.
“Sige basta bumalik ka dito. Hindi mo gugustuhing magalit ako sayo Clean.” Waaah! Nakakatakot yung tono ng boses nya!
“O – oo naman – “ naputol ang sasabihin ko dahil sumingit sya. “Di ko marinig.”
“Promise babalik ako! Ikaw pa ba?! Ha – haha!” kinakabahang sabi ko. Tumango naman sya kaya nagsimula na kaming lumakad ni Xandra.
Nandito na kami sa tapat ng pintuan ng back seat ng sasakyan nya. “Will you be fine Clean?” nag-aalalang tanong nya kaya natawa naman ako.
“Oo naman noh! Diba sabi ko sayo dadating si right time kapag right na?” sabi ko naman sa kanya na ikinatawa nya kahit na nag-aalala sya. Hays buti napatawa ko pa sya.
“Nakuha mo pa talaga magpatawa. Text me if you need my help okay? Nakasave na dyan ang number ko diba?” nag-aalala talaga sya! Gusto ko syang i-kiss kaso makikita ng driver nya eh.
“Opo, promise. Mag-iingat sa pag-uwi ha?” sabi ko at pumasok na sya sa kotse nya.
Tinanaw ko naman sya habang papalayo na ang sasakyan nya at mula dito sa pwesto ko ay kitang kita kong nakatingin sya sakin.
So, let’s face that right time!