Chapter 18

1284 Words
Alam nyo yung kapag may car racing or may naghahabulan na mga sasakyan? Ano nga yung madalas na sinasabi? Kapag ikaw ang pasahero, Fasten your seatbelt ba yun? Kung yun nga yon ay yun nga! Kapit na kapit ako dito habang naka-upo sa shotgun seat tapos yung isa kong kamay ay sa seatbelt nakahawak. “s**t! Wala na bang ibabagal to?! Ayoko pang mamatay!” sigaw ko ng bigla nyang iliko sa kanan at biglang siningit sa kaliwa ang sasakyan. “Sabagay, masyadong tragic kapag car accident. Sige, halika don kita sa bahay ibibigti.” Sagot naman nya sabay ismid. Shit! “Gaga! Hindi yun ang ibig kong sabihin!” Yumuko ako ng bigla nyang ilapit sakin ang kamay nya na aktong pipitik sa noo ko pero dahil nga mabilis ang reflexes ko ay agad akong nakailag wahahaha! “Aruu!!” daing ko ng bigla nya akong batukan ng may kalakasan. “Tawag don Plan B.” Sabi pa nya kaya agad ko syang sinamaan ng tingin. Malay ko bang batok pala ang sunod don edi sana nagpapitik na lang ako? “Tawagan mo sila tito, sa bahay ka na mag-overnight.” Sabi nya na agad kong ikinalingon sa kanya. “Pero – “ Pinutol nya ang sasabihin ko ng bigla syang sumingit. “Mag-o-overnight ka o mag-o-overnight ka?” “Sabi ko nga diba mag-o-overnight!” sagot ko naman at agad na tinawagan si dad habang mahigpit pa din na nakakapit dito sa seatbelt. Buti na lang ay tatlong ring palang ay sinagot na ni dad at pumayag agad sya. Si dad na lang din daw ang bahalang magsabi kay mama. Alangan namang si mama ang tawagan ko eh sobrang busy nya kaya sa hospital. Kumain na kaya si mama? “Okay na. Magkekwentuhan ba tayo ha? Anong pag-uusapan natin??” hyper na tanong ko sa kanya. Syempre kailangan nating sumegway malay mo naman makalimutan nya diba? Or kahit manlang maglessen yung tensyon haha! “Magandang suggestion yan Clean! Itatali kita sa upuan tapos may bumbilya na dilaw sa uluhan mo at tatanungin kita ng sobrang dami at kada mali mo babatukan kita!” hyper na sagot nya din pero halatang halata mo namang sarcastic. “Stella naman eh!” “Shattap kang gago ka! May atraso ka pa saming tatlo na hayup ka.” Sigaw naman nya tapos pinanlikahan pa ako ng mata. “So kanino tumutukoy yung ka sa hayup ka? Sayo, kay Janina, kay Kyla o sakin?” tanong ko naman sa kanya. Natigilan sya at parang nag-isip ng matindi. “Pano ko nga ba sinabi yun?” tanong nya sa sarili nya kaya agad kong pinigil ang sarili ko na tumawa. At talagang nalito pa sya?! “Aba! Ginagago mo ata ako ah! Syempre para sayo yun!” sagot nya kaya tawa ako ng tawa kaso bigla nyang niliko kaya nauntog ako sa bintana. “Napaka-KJ mo naman ngayong gabi!” sabi ko sa kanya sabay simangot. “Wag kang masyadong masaya. Lagot ka pa sakin Cleandrea Logan.” At nang binanggit na nya ang pangalan ko ng buo ay totally na akong nag-shattap dahil nga seryoso na sya. Shet, mahal naman ako ni Tela diba? /// Ngumiti ako sa lahat ng mga kasama ni Stella dito sa bahay ng makapasok kami. “Manang, ready na po ba?” rinig kong tanong ni manang kay Stella este ni Stella kay manang. Kaloka! Nakaka-tense naman kasi! Ano ba yung ready na yon? “Opo.” Sagot ni manang tapos nagtanguan silang dalawa kaya lalo akong nawindang. Luh?! Ano kaya yun? Baka ipapakabit na nga nya yung bumbilya! “Hoy! Kung iniisip mong magpapakabit ako ng bumbilya ay nagkakamali ka. Ibababa ko na lang yung chandelier pag nagkataon noh!” agaw atensyon nya sakin habang naglalakad kami paakyat. Ganon ako ka-obvious?! “First time yan Tela! Chandelier ang ginamit sa pagtatanong!” sabi ko naman na parang agree na agree sa kanya. “Ulol wala kang mauuto dito.” Sabi nya sabay pakyu sakin kaya agad ko syang hinampas sa likod. Babawi pa sana sya kaya lang pumasok na agad ako sa kwarto nya. Safe!  Dumapa agad ako dito sa kama nya habang hinihintay syang magbihis ng pantulog. Nauna na kasi akong magbihis ng pantulog at ngayon nga ay nakakatawa dahil may mga popcorn at kung ano pang finger fudz na nakalagay sa harap ng malaking tv dito sa kwarto ni Stella. So ano, movie marathon kahit may pasok bukas? Astig! Ngumiti ako kay Stella ng lumabas na sya ng banyo pero inirapan nya naman ako bigla. “Luh?! Sabi sayo wag kang sumama lagi sa nanay natin nagiging masungit ka!” nahintatakutang sigaw ko pa pero binato nay lang ako ng unan. “Saboooog!” sigaw nya sabay snap kaya agad na namatay ang mga ilaw at nagbukas na ang t.v. tapos may palabas na movie na hindi ko alam kung ano yung title. Humiga sya sabay tingin sa kisame kaya agad akong gumaya sa kanya. “Alam mo Clean, sinabi ko na sayo to dati eh. Pag may gusto ang sabihin, sabihin mo lang sakin diba?” Natahimik naman ako dahil sa pag-oopen nya. Shet! “Sabi na nga ba at may hindi ako alam eh. Alam mo namang malakas akong makiramdam diba? Ano, walang pagtiwala kahit sakin?” with that ay alam mong nagtatampo na yung tono nya. Hays, aaminin ko namang hindi mahirap suyuin si Stella, pero di ko i-te-take for granted yun noh! Napahinga naman ako ng malalim habang nakatingin sa stars sa kisame. “Gusto ko naman talagang sabihin Stella baby eh. Maraming beses ko – aray naman!” “Pota! Okay na eh! Mag-eexplain ka na nga lang may pang-asar pang kasama eh!” sigaw nya kaya agad akong natawa. “Bakit? Nakaka-asar ba pag tinawag kang Stella baby?” “Sige ulitin mo pa. Makakatikim ka ng sweet torture.” “Parang exciting! Pano ang sweet torture?” hyper na tanong ko sa kanya. “Nakikita mo yang mga pagkain dyan? Ipapalamon ko sayo yan ng five minutes at kapag di mo naubos friendship over na tayo.” Seryosong sabi nya kaya agad akong nanlumo. Lumapit ako sa kanya at yumakap sa braso nya ng mahigpit. “Hoy! Ano ba!? Kinikilabutan ako sayo! Bitaw! Shuu!” sigaw nya at pilit na binabawi ang braso nya pero dahil mahigpit ang kapit ko, di nya kaya. “Stellaaaa! Di mo na ba ako lab!? Kaya mo na lang akong itakwil ng ganon na lang!?” himutok ko sa kanya. Napabitaw ako ng sa mukha nya ako itulak kaya sinamaan ko sya ng tingin. “Tama na nga ang biruan. So, ano nga Clean? Ikaw at si Miss Xandra? Anong mayroon sa inyo?” tanong nya sabay bangon at gapang pababa na ng kama. Napangiti naman ako ng malaki sabay lingon sa kanya kahit na nakatalikod sya sakin. “Si Miss Xandra? Girlfriend ko sya, Stella.” Masayang sabi ko. “Ha?!” react nya sabay lingon sakin kaya sa hindi sinasadyang pagkakataon ay di nya namalayan na nasa edge na pala sya ng kama kaya imbis na talampakan nya ang lumapag sa sahig ay yung tuhod nya dahil nga nakagapang sya kaya sa madaling salita.. Sumubsob po ang ate Stella nyo at ngayon ay kitang kita kong nakataas ang mga paa nya. “Gago ka! Stunt woman ka na pala ngayon!?” pang-aasar ko sa kanya sabay agad na lumapit para makita ang lagay nya. Hahahaha! Una mukha yung nasubsub kaya paglapit ko ay kasabay ng pagtihaya nya ng tuluyan sa sahig. “Shet, ang ilong kooo!” sigaw ni Stella habang nakahawak sa ilong nya. Aruu, masakit nga ata yun. Pero sinong may kasalanan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD