Chapter 19

1768 Words
Kasaukuyan kaming naka-upo ngayon sa sahig habang nakasandal sa kama nya at may hawak syang ice pack na nakalagay sa noo nya. Patay na din ang t.v. at dim na ang lights. “Okay ka na?” tanong ko sa kanya pero tumango lang sya. “Stella, wag ka ng magdamdam.” “Wow ang lalim non ah.” Pang-aasar nya sabay lapag ng ice pack sa bowl. Huminga ako ng malalim. “Sa totoo lang Tela, biglaan din ang lahat eh.” Sabi ko habang inaalala ang lahat. “Panong biglaan? Hindi ka bisexual?” nagtatakhang tanong nya. “Huh!? Pano ako magiging bisexual eh never naman akong nagka-interest sa mga babae sa school noh!” Tawa naman sya ng tawa dahil sa sinabi ko. “Tama ka naman dyan Clean. Pero, seryoso ba? Girlfriend mo talaga si Miss Xandra?” Tumango tango naman ako habang nakangiti. “Kailan pa? Nung ni-raid ka namin sa kwarto mo kayo na non?” tanong nya pero umiling ako. “Hindi pa tangeks! Nagka-aminan pa lang kami na may gusto kami sa isa’t isa.” Tapos chinika ko sa kanya yung nangyaring pag-amin ni Xandra sakin. “Samakatuwid mas vocal si Miss Xandra kaysa sayo.” Sabi naman nya at natawa lang ako. Sa tingin ko din eh. Mas vocal nga sya kung ikukumpara sakin. Ako kaya? Dapat bang mas maging vocal din ako? “So pano kayo nagsimula?” tanong nya kaya agad kong kinuwento sa kanya lahat from the top. Kung paano napunta si Xandra sa bahay, nung unang pagtatalo namin dahil sa pagsita nya sa pag vandal namin which is the same day na una nya akong hinalikan. Yung nag-cutting kami at nagmall tapos nandon din si Xandra at ninakawan ako ng halik. Yung pagpunta namin sa Pangasinan pero syempre di kasama yung mga patay na hayop noh, ang chinika ko lang ay yung nahimatay sya dahil sa nilalamig at ang ending ay tagabuhat ako. Tawa naman ng tawa si Stella. Gusto talaga nilang nahihirapan ako noh? Tapos yung kiss nila Valerie at so on and so on hanggang nung last day nung trip kung kailan naging kami. “Sabi na kayo yung magkayakap sa dilim eh.” Sabi nya na medyo ikinagulat ko. Medyo lang naman kasi nga diba malakas syang makiramdam talaga? Expected ko na din to eh! “Hahaha! Di na ako nagulat na alam mo yan Tela. Pero aaminin ko ah! Mas pinaniwalaan ko yung side na hindi mo kami nakita.” Pag-amin ko sa kanya sabay subo ng pop corn. Kumain din sya tapos tumingin sakin. “Alam mo, ako din. Mas pinaniwalaan ko yung side na hindi nga kayo ni Miss Xandra ang nakita ko noon kahit na alam kong uno uno ang vision ko. Imposible naman kasi talaga diba?” Tumango naman ako dahil sa sinabi nya. “Pero, paano ka nya nagustuhan? Eh sobrang opposite nyo kaya!” clueless na tanong nya na agad kong sinang-ayunan. Totoo naman eh! Imposible talaga! Diba nga tinanong ko to kay Xandra kani-kanina lang kaso sabi nya sa first month nya na lang daw ikekwento?? Napakaduya talaga ni Xandra! “Tapos ang pasaway mo pa! Ang daldal mo pa! Tapos anlakas mo pa mantrip! Tapos ang panget mo pa! Oh diba so pano ka nya nagustuhan?!” sunod sunod na daldal ni Stella na parang di nya talaga napansin yung mga sinasabi nya. Sunod sunod ko syang hinampas na hindi nya nailagan. “Gago ka ah! Nagkwento ako sayo tapos nilait lait mo pa ako!? Ang bait bait ko kaya at higit sa lahat maganda ako.” Sabi ko pa sabay flip ng buhok ko kunwari haha! “Bait bait?! Wala na lumagpas ka na sa langit, sobrang taas na ng kabaitan mo kaya hindi ka na tatanggapin. Bawasan mo ng konti ha?” pamimilosopo nya habang hinihimas ang braso nya. “Pakyu ka Tela isa kang tunay na kaibigan.” Asar na sabi ko sa kanya na agad nyang tinawanan. “Oo naman! Ang bait kong kaibigan noh wahaha!” sige buhatin mo sarili mong bangko! “Pero maiba ako, ikaw naman Tela.” Sabi ko at humarap na ng tuluyan sa kanya. Huminto naman sya sa kakatawa nya sabay baling sakin. “Oy Clean, wala akong girlfriend baliw!” Sinapok ko sya na hindi nya naman nailagan! “Sinabi ko bang tungkol sa girlfriend!?” “Saan ba kasi!?” angal nya sabay himas sa parteng sinapok ko. “Tungkol sa inyo ni Ashley kung bakit aso’t pusa kayo!” May tawag pa ba sa sumimangot na mas masimangot pa? Kung mayroon pa yun na nga ang pinta ng mukha ni Stella ng banggitin ko ang pangalan ni Ashley. “Pwede bang iba na lang?! Nakakabwisit eh! Pangalan pa lang oh! Ashley, badtrip na diba!?” himutok nya kaya agad akong nagcross arms. “Ano ako lang!? Ako na magdadamdam dito Stella at di mo yun magugustuhan.” Wooh! Effective kaya itong pananakot ko? Wala na akong ibang maisip eh haha! “Hays! Oo na eto na ikekwento na nga diba!?” “Go dali!” atat na atat na sabi ko na ikina-ismid nya. “Ganito kasi yan..” /// One year ago. Stella’s first day as sophomore. Stella’s POV Naka-upo ako ngayon dito sa bench  malapit sa fountain habang pinapanood ko ang mga paisa isang mga estudyanteng pumapasok ng school. Tinignan ko ang phone ko at six am pa lang. Panigurado magigising pa lang si Clean. Si Kyla at Janina naman malamang ay babangon pa lang. Napatingin ako sa langit at nagsisimula ng lumiwanag. Dumating sila mom and dad kaninang madaling araw at galing sila ng US. Okay naman ang lahat ang kaso lang ay nagtalo at nag-away sila dahil sa simpleng.. necktie. Di daw kasi naayos ni mom ang necktie na ikinagalit ni dad pero ng aayusin na ulit ni mom ay nagsimula na silang magtalo at ang dami pang naisingit sa pagtatalo nila. Nagising ako at hindi na makatulog. As much as I want to call Clean at that hour ay hindi ko ginawa dahil kakagaling nya lang din ng bakasyon at malamang ay pagod pa yon sa byahe nila. Dati sobrang thankful na talaga ako na andyan si Clean lagi sa tabi ko na kasama ko kapag malungkot ako lalo na kapag hindi ako makatulog. Syempre mas naging thankful ako ng madagdagan pa nila Janina at Kyla dahil sa tulong ni Clean. Mas friendly kasi si Clean kaysa sakin eh. Nag-open ako ng f******k at nalaman ko sa GC na malelate yung tatlo kaya wala na akong nagawa kundi maglibot libot na lang para kapag nagring na ang bell ay papasok na lang ako. Sabi nga nila kung sino pa yung masayahin ay sila pa talaga yung malungkot eh. Umm.. siguro ganon ako, pero may maihihiling pa ba ako na may mga kaibigan akong baliw at sama sama pa talaga kami sa kalokohan? Hahaha! “Anak, maganda ang school na ito.” “No! Kaya mo lang ako iiwan dito dahil busy ka!” “Anak hindi yan totoo! Mahal na mahal ka ni mommy diba?” “No! You love your work not me!” sabi ng batang babae na may blonde na buhok. Kasalukuyan silang nasa sulok at nandito naman ako banda sa hallway sa pwestong hindi nila makikita. Nakatalikod sakin yung bata at yung mommy naman nya ang nakaharap sakin. Base sa coat nya ay doctor sya, hindi ko nga lang kung same ng field kay tita. “Anak – “ “Mauuna na ako mommy. Kaya ko na ang sarili ko. Big girl na ako diba, go to your work.” Malamig na sabi nung bata at umalis na matapos nyang kunin ang bag nya sa mommy nya. Naglakad naman ako para sundan yung bata. Nagkasalubong kami ng mommy nya at ngumiti sya sakin kaya bilang pag galang ay ngumiti na lang din ako. Huh? Nasan na yung blonde ang buhok na may violet na bag? Nawala bigla! Oops, ten minutes na lang magbe-bell na! Shet! Baka mas malate pa ako kila Clean nito. Nasa kabilang kabilang building pa yung sakin! Nagmamadali na akong maglakad kaso may bumangga naman sakin pero dahil nga strong ako.. sya yung natumba. “Okay ka lang? Let me help you.” Offer ko sa babaeng nakaupo ngayon. Inabot naman nya ang kamay ko at dahan dahang tumayo. Wow ha? Ang lambot ng kamay super tapos medyo malamig pa! Ano kaya yun? Nerbyosa ba to? “Ang ganda.” Bulong ko sa sarili ko ng makita ko ang mukha nya. Kulay blue ang mga mata nya tapos maputi sya at may matangos na ilong tapos manipis na labi at blonde ang buhok. Blonde? Sya kaya yung bata kanina? Sya nga! Same ng bag eh! “May sinasabi po ba kayo?” nagtatakang tanong nya kaya agad akong umayos ng tayo. “Wala, ang lamig ng kamay mo.” Sagot ko na agad nyang ikinayuko. “Ang sungit.” Bulong nya na malinaw ko namang narinig pero.. “Anong sinabi mo?” pag-uulit ko pero umiling naman sya dahan dahan. “Wala po! Umm.. pwede po bang magtanong?” tinignan ko naman sya ng bored ng magtanong sya. Tumango naman ako. Eto yung laging sinisita sakin ni Clean simula nung umalis si Stellaine eh. Since then ay lagi ko na daw sinusungitan ang kahit sino lalo na kapag mas bata sakin tuwing ina-approach ako. Di ko naman sinasadya eh! Pero ewan ko, ewan ko kung bakit naging cold ako since then lalo kapag may makikipagkaibgan! Gaya nga ng sabi ko diba, kaya mas friednly si Clean kumpara sakin. “Bago lang po kasi ako dito. Naliligaw po ako, san po ba ang daan papuntang Principal’s office?” tanong nya kaya napabuntong hininga ako. Sabi na, kaya pala malamig ang kamay nya. “Sundan mo ako sasamahan na kita.” Sabi ko at naglakad na kaso napakunot noo naman ako ng humawak sya sa kamay ko. “Bakit nakahawak ka sa kamay ko?” tanong ko sa kanya. “Umm.. nasanay po kasi akong ganito. Please po?” at kahit anong pilit na pagtanggi ng utak ko na sinasabing alisin ang kamay nya ay wala naman itong nagawa ng bigla na lang nagskip ng beat ang puso ko na nananahimik. The heck?! Anong pakiramdam to!? Ganito ba talaga pag may nagpa-puppy eyes na mga bata?! Humawak na lang ako sa kamay nya at lumakad na kami. Nag-thank you sya pero di na lang ako kumibo. Hays mga bata talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD