Clean’s Hidden POV between Chapter 43 – Chapter 48 Papunta na sana ako ng open field ng makita kong bukas ang isang room. Ito yung room kung nasan nakalagay ang science equipments. Lumingon ako sa magkabilang hallway para makita kung may teacher o wala at dahil maswerte ako.. wala! Pumasok agad ako at sinara lang ito para in any case na may bumalik na estudyante or what ay hindi sila magtaka kung bakit nakalock. Naglibot ako at pagdating ko sa likod ng malalaking shelves ay may nakita akong kama at may katapat pang aircon. Dito na lang ako magsasagot kesa naman sa open field na mainit. Binuksan ko ang aircon at sinara ko na ang kurtina ng kama para kung may papasok na estudyante ay hindi ako mapapansin wahahaha! Naupo na ako sa kama at sumandal sa pader habang nagsasagot. Di naman sa

