Chapter 50

1623 Words

Clean’s Hidden POV between Chapter 43 – Chapter 48 “Hoy kayong tatlo dyan, magsikilos na kayo aba aalis na.” masungit na pagkakasabi ni pres kaya agad na kaming kumilos. “Kinakabahan lang yan eh.” Bulong ko kay Stella pero nag-ssshh sya. “Gago marinig ka baka mapagbalingan tayo.” Tapos sabay kaming tumawa. Kung inaakala nyong sa bus kami sumakay, nagkakamali kayo wahaha! Dahil pareho kaming may bitbit na motor at kahit anong pilit ni Janina na makisakay samin ay di namin pinayagan at pinapasok namin sya sa bus. Mahirap na mamaya nagmamadali na ay maisama pa namin sya. “Clean, bakit hindi natin isama si Janina sa plano?” tanong ni Stella sakin pero umiling ako. “Madaldal si Janina. Konting pagtatanong at pamimilit lang ni Kyla sasagot agad yan.” Sabi ko na agad ikinatango ni Stella.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD