Clean’s POV Nakaready na ako lahat lahat at suot ko ang varsity jacket ng CBAGHS. Si Xandra nga naka-alis na pag gising ko eh. Siguro maagang sinundo para makapag-ayos na sa party nya. Hindi naman ako pwedeng lumayas sa competition dahil baka matanggal ako dahil isa ako sa lead dancer. Ang hirap naman oh! Nakalagay sa kanang balikat ko ang gym bag ko at lumabas at kinandado na ang bahay. Umalis na din kasi sila mama kaya ako na lang ang mag-isa. Half hour pa naman bago ang calltime kaya panigurado makaka-abot pa ako. Ina-piran ko agad si Stella ng makita ko syang nakatayo malapit sa bus ng CBAGHS. “Yo Stella mah men!” sigaw ko pa pero lumayo sya sakin. “Ang aga aga ang baliw mo tsk.” Sabi nya sabay irap sakin pero tinawanan ko lang sya. “Clean! Stella!” malakas na pagkakasigaw ng pang

