Clean’s POV Napahinto ako sa ginagawa ko ng maramdaman kong nagvivibrate ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at agad na tinignan kung sino ang tumatawag. Napatingin ako kay Stella at pinakita ang phone ko. Tinanguan nya naman ako at sinenyasan na sagutin ko na kaya iniharap ko sa sakin ang phone ko. Bakit kaya? Kyla Nanay calling. Huminga ako ng malalim at sinagot na ito. “Hello?” “Hi Clean. Nasan ka?” bungad na tanong nya kaya iniikot ko ang paningin ko sa paligid. “Nasa CR, bakit?” sagot ko naman sa kanya. “CR? Bakit sobrang tahimik naman ata?” tanong nya kaya agad akong napa-poker face. “Bakit Kyla? Kailangan bang may disco ang CR? Hindi ba deserve ng CR na dapat tahimik sa loob nito?” pabalang na sagot ko naman sa kanya, pakiramdam ko nakasimangot na sya sakin hahaha! “Oo na! A

