Chapter 14

1443 Words
Ngayon ay magkakaharap kami dito sa living room habang nakahain ang pandesal sa harap namin at may iba’t ibang palaman din kagaya ng nutella, butter, jam at kung anu-ano pa. Wala pang akyat akyat at lapag lapag ng gamit ay pinaupo kami agad sa tabi ng mga parents namin at ngayon ay katabi ko si mama at nasa harap ko si Xandra. Yung pakiramdam na wala kang katulog tulog plus nagmarathon pa kayo buong madaling araw at nadakdakan ng napakatagal pero heto, ang sistema ko gising na gising dahil sa wakas ay nakaharap ko na din ang parents ni Xandra! Huminga ako ng malalim habang ipinagpapatuloy ko ang pagpapalaman ko sa pandesal na kawawa na dahil sa sobrang diin ng pagkakahawak ko sa kutsara. Clean umayos ka nga! Para kang may ginawang masama sa anak nila kung maka-akto ka ah?! Tama nga naman dahil unang una sa lahat ay ako po ang nirerape ng anak nila. Tama tama.. Tumango tango ako sabay kagat sa pandesal. Pero come to think of it, girlfriend ko si Xandra bago pa magpasukan. At kahit na sino ay walaaaang nakakaalam ng relasyon namin! At ang paglilihim ay masama pero kasi – Naputol ang pagmomonologue ko dahil sa pagsiko sakin ni mama sa tabi ko. “Po?” agad na sagot ko sabay tingin sa paligid. “Umm.. Cleandrea? Are you okay?” nag-aalalang tanong ng mama ni Xandra. Luh? Ngumiti naman ako tapos tumango. “Uhh, pwede po bang Clean na lang? Hindi po kasi ako kumportable eh.” Magalang na sabi ko na agad namang ikinangiti ng mama ni Xandra tapos nagtuloy tuloy na ulit sa kwentuhan. Yung mama ni Xandra is sobrang opposite nya mula ng una ko syang nakilala pero sobrang similar naman sa dad nya. Yun bang, yung dad nya ang mukhang strict pero marunong namang ngumiti tapos yung mama nya is sobrang kwela. Samakatuwid, pareho silang si Xandra! Yung dad nya ay yung front nya sa mga tao tapos yung mama naman nya is pag dating sakin. Naks, pakiramdam ko special ako hahaha! Naputol nanaman ang pagka-usap ko sa sarili ko gamit ang utak ko ng malaglag ko ang kutsara na nakalagay sa bandang gilid ko. Good thing dahil hindi pa yun nagagamit. Hawak ko na ang kutsara at akmang itataas na pero may humawak sa kamay ko. Sino pa ba? “Clean, will you stop talking to your inner self? You look adorable to me but not to them. You smile then suddenly shake your head then nod? It makes me want to lock you in the bedroom with me.” Tapos kinuha nya na ang kutsara mula sa kamay ko at sya na ang nagpatong non sa lamesa habang naiwan naman akong nakatanga na nakayuko pa rin na parang hanggang ngayon ay may hawak pa ding kutsara. I like the idea pero.. hindi ngayon! Nandito pa kaya yung parents nya! Alexandraaaa! /// “Sa tingin ko ay tama na ang kamustahan at sasabihin ko na ang dahilan kung bakit napauwi kami ng biglaan dito sa Pilipinas.” Agad na nagising ang diwa ko dahil sa lalim at laki ng boses ng dad ni Xandra. Kanina kasi okay naman yung boses nya ah! Ang creepy na tuloy ngayong seryoso na sya! “Oo nga naman pare. Bakit nga ba? Knowing you ay hindi ka padalos dalos.” Sabi naman ni dad sabay inom sa tubig nya. Magkasabay na huminga ng malalim ang mag-asawang Sison tapos nagkatinginan pa. Samantalang kaming lahat kasama si Xandra ay naghihintay na sa susunod pa nilang sasabihin. Bakit may pagbitin pa?! “Ang totoo ay nawawala ang pinsan ni Alexandra na si Irish Tan.” Malungkot na sabi ni Mrs. Sison na agad na ikinakunot noo ni Xandra. “Si Irish? How? And why?” tanong ni Xandra kaya agad na nalipat ang tingin namin sa kanya. Inakbayan ni Mr. Sison ang misis nya tapos tumingin sa malayo. “Actually ay si Irish na ang pangalawa sa mga pinsan mong nawawala. The first one is Nicole but sadly she’s in a bad condition right now.” Paliwanag pa nya tapos napasapo pa sa noo nya. “Gaano naman kasama ang sitawasyon nya at hindi manlang nakapagsabi sa inyo?” tanong naman ni mama at tumulo na ang luha sa mata ni Mrs. Sison. “She’s in a coma right now. Last month pa dahil sa head injury na nakuha nya simula ng matagpuan sya sa gilid ng bangin sa Laguna. Hanggang ngayon wala pang makuhang lead ang mga pulis dahil umuulan din ng mahanap sya.” Pagkekwento pa ni Mrs. Sison. “Nicole and Irish? They’re in the same age as me. Don’t tell me that their next target would probably Maxine, Alleah, Georgia or.. me.” Papahina ng papahina ang boses ni Xandra habang sinasabi nya yan. So that means, anim silang magpipinsan na ipinanganak sa parehong year. At dahil dalawa na ang nakuha, at kung may kukunin pa.. pwedeng isa sa mga nabanggit nya. At hindi ko hahayaang makuha nila si Xandra! “Pero bakit po? Bakit teenagers po ang kinukuha nila? Wag nyo po sanang mamasamain, pero.. hindi po ba dapat ay mga successful bussinessmen ang kunin nila kung pera ang gusto nila? Or may iba pa po bang dahilan para teenagers ang puntiryahin nila?” clueless na tanong ko sabay tingin sa kanila. Natahimik ang lahat at maya maya lang ay nagkatinginan ang mga parents namin na parang nakahanap sila ng idea base sa mga sinabi ko. Tumayo na si Mr. Sison at agad na tinanguan si dad. “Excuse us, but we need to talk privately.” Cold na pagkakasabi nya at sama sama silang umakyat sa taas. “Xandra, di ko hahayaang kunin ka nila.” Determinadong sabi ko habang nakatinigin sa mga mata nya. Ngumiti naman sya at tumabi sakin. “I know, pero kung wala ng pagpipilian.. save yourself first okay?” sabi nya sabay hawak sa kamay ko. Hinawakan ko naman ang kamay nya ng mahigpit at dahan dahang umiling. “Mas pipiliin ko pang dalhin ka or sumama na lang sayo kung wala ng pagpipilian. It would be better kung magkasama tayong dalawa. Mahirap na baka magkasalisihan pa tayo.” Natatawang sabi ko pero hindi manlang sya natawa. “Clean this is not a joke.” Seryosong sabi nya kaya agad akong napaseryoso. “You might think that this idea is funny, pero ganyan sa films and even if the chances are low for that to happen, there are still possibilities. Mahirap naman kung susugod ako tapos nakatakas ka na pala or the other way around edi ako naman nahuli?” kwento ko pa sa kanya sabay ngiti. “And we are action stars now?” “Hindi naman sa ganon! Nag-eexplain lang eh.” Natahimik kami ng makarinig kami ng mga footsteps na pababa na. “Okay pare, I’ll take my daughter first. I’ll think about what we’ve talked.” Sabi ng dad ni Xandra at nakipag-man hug na kay dad tapos hug kay mama at ganon din si dad. “Sige pag-isipan mo ha. Alam kong a-agree ka din pinatatagal mo pa.” natatawang sabi ni dad kaya napailing na lang silang apat. O-kay? So OP kami sa napag-usapan nila. Pero ano daw? “Tara na anak, sumama ka muna samin.” Sabi ni Mrs. Sison ng nakangiti sa anak nya. Lumingon naman sakin si Xandra.. that look, alam kong ayaw nya. “Do you mind if I invite you for a sleepover tonight?” yaya nya sakin na agad kong ikinangiti. “Nako Alexandra! Wag muna, magbonding muna kayo ng parents mo. Sa susunod na lang mag-sleepover si Clean.” Nakangiting sabi ni mama. What?! Payag ako! Gusto kong makasama si Xandra! Matapos ng konting pag-uusap ng mga parents namin ay umalis na nga ang mga Sison. Nalulungkot ako! Ang sabi pa man din ni Xandra tabi kaming matutulog. “Anak, ano? Tabi ka samin mamaya matulog?” yaya ni dad na ngayon ay nagbabasa ng newspaper. Napapout naman ako at umiling. “Sa susunod na lang po.” Malungkot na sabi ko at nagsimula ng lumakad paakyat. “Diba sabi mo gusto mo kaming makatabi?!” pahabol na sigaw ni mama na agad ko namang tinanggihan. “Sa susunod na lang po!” sigaw ko ng makapasok ako dito sa kwarto ko. Uwaaaaaaaah! Xandra! Namimiss na agad kitaa! Nakakainis! At kung sakaling may magtangka kay Xandra, sasama ako. Mas gugustuhin ko pang ako ang kumuha kay Xandra. Joke lang! Syempre proprotektahan ko sya sa abot ng aking makakaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD