Chapter 15

1028 Words
Gabi na walang Xandra hays. This is bad, really bad! Badness, di ako makatulog kahit na wala pa akong tulog at buong magdamag kaming puyat dahil sa takbuhan kaninang madaling araw hays. Tumagilid ako at yumakap sa unan nya. Naiwan ang amoy nya sa unan, sa kama at sa buong kwarto pero wala naman sya sa tabi ko. Sadness right? Napangiti ako ng makita ko ang cellphone ko at agad na ini-scroll ang contacts ko pero.. Damn. Wala pala akong contact ni Xandra! Even her parents! Wala din naman syang cellphone so pano kaya? Nakakainis naman! “Hello?” Huh? Bakit may nag-hello? Tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa cellphone ko na ngayon ay.. okay may napindot akong contact hays! “Kyla mah men! What’s up?” parang tanga na bungad ko sa kanya. Panigurado nakataas na kilay nito dahil sa pambungad ko sa kanya. “Hyper? Problema mo? Bihira to ah, napatawag ka.” “Honestly, aksidente ko lang na napindot ang pangalan mo hahaha!” honest na sagot ko pa kaya agad akong nakarinig ng pag-tsk sa kabilang linya. “Good night Kyla matutulog na ako.” Paalam ko sa kanya ng wala na akong makuhang response, panigurado asar nanaman to hahaha! “Yeah, good night Cleandrea.” Napangiwi agad ako ng sabihin nya ang buong pangalan ko kaya syempre agad akong magrereact! “Oy – Hello?” magrereact palang sana ako pero sunod sunod na yung toot toot!? Pinatayan ako! Bastos din kausap si Kyla minsan. Okay Clean do your best para makatulog na walang kayakap na Xandra at lalong.. walang halik ni Xandra. Pati talaga yung halik nabanggit ko? Malala na ata ako! /// “Mmm.” Ungol ko ng maramdaman kong may sumasakop sa lower lip ko. Anong oras na ba? Badness! Di ko manlang masyadong maimulat ang mga mata ko! Anong oras na ba ako nakatulog? Agad kong itinagilid ang ulo ko ng biglang pumasok ang dila nya sa bibig ko. Damn.. sino ba to? Di pa kaya ako nagtotoothbrush! “Anong ginagawa mo?” inaantok na tanong ko at pilit na minulat ang mga mata ko. Mas naimulat ko pa ang mga mata ko ng makarinig ako ng mahina at mahinhin na pagtawa tapos sinabayan pa ng smack sa lips ko. “Wake up sleepyhead.” Nakangiting mukha ni Xandra ang bumungad sa paningin ko. What!? Andito sya, pero diba.. “Xandra?” “Good morning Clean.” Natatawang bati nya sakin pero dahil mas malakas ang hila sakin ng antok ko ay agad na sinakop ng kadiliman ang buong sistema ko.   “Anak, gumising ka na tanghali na aalis na ako.” Napamulat agad ako dahil sa marahan na pag-alog sakin ni mama. Umupo agad ako at sumandal sa headboard. “Ma? Anong oras na po at saan po kayo pupunta?” inaantok na tanong ko habang nagtatanggal ng muta. “Pupunta ako ng hospital dahil may emergency. And lunch time na, kanina mo pa pinaghihintay si Alexandra sa baba.” Alam nyo yung mas malakas pa sa suntok ng kape sa umaga yung nangyari sa sistema ko? Instant gising na gising ngayon ang diwa ko at biglang dumilat ng todo ang mata ko! Yung.. yung scene sa utak ko. Paniginip kaya yun? O totoo? Kasi sabi ni mama kanina pa daw sya sa baba eh! “Si Xandra po? Eh diba umuwi po sya kagabi?” agad na tanong ko. Naniniguro lang, malay mo joke lang diba? Mahirap kayang umasa. “Kanina pa syang umaga dito. Ang sabi nya may pupuntahan daw kayo. Mag-asikaso ka na, nasa living room lang sya. Mag-iingat kayo.” Nagmamadaling sabi ni mama tapos bumeso pa sakin at umalis na sa kwarto ko. “May pupuntahan kami?” tanong ko sa sarili ko pero agad akong umiling. Bakit pa ako nagtatanong ngayon dito?! Magbihis ka na Clean andyan si Xandra sa baba! Yes! /// Nagsuot lang ako ng maluwag na shredded maong jeans tapos nakatuck in ang medyo maluwag na black t-shirt na may malaking letter C sa gitna tapos vans na sapatos at nakabaligtad na itim na cap. Done na! Mukha akong sasayaw sa suot ko, pero ano naman? “Xandra?” tawag ko sa kanya ng makita ko syang nagbabasa ng libro. Tiniklop nya ang libro at lumingon sa direksyon ko. What the.. Nakadress syang itim tapos yung sleeves ay floral tapos nakahead band din sya ng floral at nakaflat shoes lang sya na plain black! Ang formal.. lalo syang gumanda. “Gorgeous.” Wala sa sariling sabi ko na agad nyang ikinatawa. “Sobra ka palang head over heels sakin Clean.” Sabi nya tapos lumapit sakin at humalik sa pisngi ko. “Totoo naman kasi eh, sobrang ganda mo kaya. Good morning.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Thanks, you look cool in your outfit. Good morning too, shall we?” “Saan?” tanong ko at agad na sumunod sa kanya palabas ng bahay. “Kahit saan.” Pambibitin na sabi nya kaya agad akong na-excite. So san kami pupunta? /// “Taong mall ka pala?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami dito sa loob ng mall. Akala ko nga sya yung magdadrive yun pala may kasama pa kaming driver hays. “Hindi, may gusto lang akong bilhin.” “Anyway, bakit.. may driver pa ikaw?” tanong ko sa kanya habang sumusunod sa lahat ng tinitignan nya. “Why? Is it bad?” Umiling naman agad ako. “Hindi naman. Pwede naman kasing ako na lang yung magdrive?” patanong na sabi ko sa kanya, mamaya mainis sya bigla eh sayang naman yung porma nya. “I want to. Pero di ako hahayaang umalis nila dad ng walang kasamang bodyguard.” “About that.. buti pinayagan kang umalis?” mas tumabi pa ako sa kanya sabay simangot sa lahat ng nakatingin sa kanya. Seriously? Alam kong maganda si Xandra ng sobra pero kailangan talaga umiikot yung mga leeg nila ng 380 degrees para lang masundan kung san sya maglalakad?! “Here. Dito ako may bibilhin.” Natigil ako sa pag tingin sa mga tao sa paligid ko nang magsalita sya. Seryoso? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD