CHAPTER 3

1613 Words
Chapter 3: Marriage "IT'S about your wedding..." "Nagplano na kami ng Uncle Hervin mo, son. Na ipagkasundo kayo ng kasal with Heaven Angel," pagbibigay linaw ni Uncle Antoner at nawindang yata ako roon. Hindi makapaniwala sa biglaang anunsyo niya na ikakasal kami ni Syrn Antonio? H-Hindi ba labag sa kalooban ng kanyang anak na ako ang pakakasalan nito? Gayong ngayon lang niya ako nakilala? Sa akin ay wala namang problema. Dahil ako, tanggap ko ang magiging desisyon nila para sa amin. Tanggap ko na ang parents ko ang pipili ng mapapangasawa para sa akin. Wala naman akong boyfriend ngayon at magiging pabor pa sa akin ang lahat. Pero nababahala ako sa opinion din ni Syrn Antonio. Paano kung may girlfriend pala ito na hindi man lang nalalaman ng parents niya? Paano kung may mahal pala itong ibang babae? Sa hitsura pa lang niya ay hindi ka na magtataka kung may girlfriend siya ngayon. Imposibleng wala, eh. Inaamin ko, nagustuhan ko na nga siya sa unang kita ko pa lamang sa kanya, dito mismo sa resto na ito pero ayoko namang maging kontrabida sa love life nila ng girlfriend niya. Kahit hindi ko nagustuhan ang isipin na may girlfriend siya. Pero sa akin lang, ayokong maging hadlang. Ayokong makasira ng relasyon ng dalawang tao. Kakainin lang ako ng guilt ko, kung sakali man na mangyari iyon. Isa pa, masakit ang magmahal sa isang tao kung iba ang gusto nito. Ang worst pa ay iba ang mahal niya. Masasaktan lang din tayo kung pinili nating mahalin ang isang tao na pag-aari na pala ng iba. Na wala kang puwang sa puso niya. Na maski ang bigyan ka nang atensiyon ay baka ipagkakait pa nito sa 'yo. "Matagal na naming naisipan ito pero ngayon lang kami nagkaroon nang tamang oras para sabihin ang lahat ng ito sa inyo. Mas inuna kasi namin ang mga pangarap niyo. Gusto pa namin maabot niyo ang mga bagay na matagal na ninyong minimithi o mga bagay na ikasasaya niyo. Kaya ngayon, kami naman ang pagbibigyan niyo," segunda naman ni Daddy. Seryosong-seryoso silang dalawa. Parang wala ng makakahadlang pa sa nais nila sa future namin ni Syrn. Kaya parang matutuyuan ako ng lalamunan nito, kaya bago pa mangyari iyon ay inabot ko ulit ang drinks ko at uminum. Halos maubos ko ang laman nito. Kabadong-kabado rin ako. Takot din ako sa kung ano man ang isasagot ni Syrn. Ang isipin na rejected ako ay para akong hihimatayin. Ang sakit kaya ma-reject ng isang tao, 'no. "Wala naman tayong magiging problema sa kasunduan na ito, hindi ba anak ko?" tanong ni Aunt Serine sa kanyang anak. Nagawa pa niyang hawakan ang balikat ng anak niya na parang kanina pang natutulala. Hindi lang naman ako ang nagulat. Maging siya yata ay gulat na gulat din. Ibinaba ko sa table ang drinks ko at tiningnan ulit sina Daddy. "It's okay for me, Mom. You don't need to worry about me. I'll accept your decision. But what about Heaven Angel?" Aw, babe. Ang bait naman nito. He will ask me kung pabor din ba sa akin ang bagay na ito--na hindi lang talaga isang bagay. Dahil kasal ang pinag-uusapan naming lahat! Kasal namin! Iyon ay kung papayag ba ako at matutuloy nga ba talaga ang kasal namin. Kaya pala kanina pa kami pini-pair ng parents namin dahil may plano na pala sila para sa future namin ni Syrn Antonio. Hindi ba sila mukhang excited sa lagay na 'yan? "The important is my parents' decision," tanging nasabi ko lamang. Dahil mas matimbang sa akin ang magiging desisyon ng parents ko. Ang hirap kayang tanggihan ang mga magulang natin, 'no? Lalo na kung ikasasaya nila ang nais nilang mangyari para sa atin na mga anak nila. Masakit din ang makita ang disappointment sa mga mukha nila. "You don't have a boyfriend? In a relationship? Any?" tanong niya sa akin. Marahan na umiling ako. Dahil wala nga akong boyfriend, karelasyon pa kaya? Kaibigang lalaki ay pasok na. Marami ako no'n. Manliligaw? Oo, mayroon pero ni isa ay wala akong sinasagot. Pihikan nga ba ako sa isang lalaki? Oo, kasi ang mga katulad ni Syrn Antonio Lavern ang gusto kong maging boyfriend. "I'm single," I replied. "Me as well. But it's that okay kung kikilalanin pa namin ang isa't isa, Mom, Dad? Uncle and Aunt?" Kailangan talagang kompleto ang itatawag niya sa both parents namin? Isa-isa pa niyang sinulyapan ang mga ito. "Wala naman po sanang problema kung uunahin namin ang date before our wedding? Hindi naman siguro kayo nagmamadali, hindi po ba?" dagdag niyang tanong at ako naman ang napatango. Gusto ko rin iyon. "I agree," I simple said at napatingin siya sa akin nang nakangiti. "Of course, yes. Take your time. Basta this year ay magaganap ang kasal niyo," ani Uncle Antoner. Na-excite ako pero kinabahan pa rin ako, slight. Pero bakit nga ba pinapadali rin nila na this year kami ikakasal ni Syrn? Dahil hindi na nga ba talaga sila bumabata at gusto na nilang magkaroon ng apo? Nag-iinit na naman ang magkabilang pisngi ko sa naisip ko. Kung saan-saan na lang nararating ang marumi kong utak. "Puwede rin niyo naman na kilalanin ang isa't isa kung mag-asawa na kayo. Hindi ba?" ani Dad sa daddy ni Syrn at pareho kaming napatingin sa isasagot ni Uncle Antoner. Agree din kaya siya? Tumango ito na tila sang-ayon siya sa suhestiyon ni Daddy. Halatang minamadali nga nila kami. Baka talaga ay gusto na nila ng apo. Hindi lang nila sinasabi nang diretsa o ako lang talaga ang nag-iisip no'n? "Puwede naman. Marami kayong oras kung nagkataon," sabi pa ni Uncle at wala sa sariling napatingin ako kay Syrn na nalipat din ang tingin sa akin. Sabay pa yata kaming napabuntong-hininga. Na mukhang wala kaming choice kundi ang sumang-ayon na rin. Okay lang din naman sa akin kung kilalanin ko siya kung kasal na rin kami. Pero mas better yata ang ganito muna kami para hindi kami mailang sa isa't isa kapag mag-asawa na kami. Kailangang paghandaan ang lahat. Ang kasal ay hindi naman minamadali. "Bigyan na lang natin nang oras ang mga bata. Hayaan na muna nating maranasan nila ang maging boyfriend at girlfriend. Mukhang mas maganda iyon, kaysa ang ikasal sila agad at nang mapaghandaan din naman nila ang nalalapit nilang kasal. Ano sa tingin niyo?" suhestiyon ni Mommy at napatango ako. Gusto ko ang ideyang iyon. Iyon ang gusto kong suhestiyon ni Mommy pero tama nga rin naman si Dad na puwede rin namin na kilalanin ang isa't isa kung kasal na kami. "Pero kung ano po ang sa tingin niyo ang magandang ideya na gawin namin. Nasa sa inyo pa rin po ang desisyon," tumatangong sabi ni Syrn. Sa ilang minutong kasama ko siya ay parang unti-unti ko nang nakikilala ang ibang side niya. Palagi niyang inuunawa at iniintindi ang opinion ng parents niya at maging ang ibang tao. Tinatanggap niya ang nagiging desisyon ng mga ito. Kaysa ang sariling opinyon niya rin. Iyon pa lang ang mga nalalaman kong pagkatao niya ay humahanga na ako. Tama nga ang pinili sa akin ng parents ko. Mabuting tao siya at hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito. Ang mas makilala pa ang Syrn Antonio Lavern. Pagkatapos nang pag-uusap na iyon at sinerve na sa amin ang dessert namin ay saka nagpaalam si Syrn na gusto niya raw akong makausap na kaming dalawa lang. At dahil naisip ng both parents namin na mas makakatulong sa amin iyon upang makilala namin ang isa't isa ay sinang-ayunan nila at parang pinagtutulakan pa kaming dalawa. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko nang todo alalay sa akin si Syrn at tila isa akong prinsesa ng isang kaharian, dahil ingat na ingat siya sa akin. Dinala niya ako sa garden ng restaurant o tamang sabihin na iyon talaga ang pinunta naming dalawa. Makulimlim na ang kalangitan dahil gabi na nga. May nga maliit na crystal lights ang nakasabit sa hindi kataasan na mga puno at maging sa vase ng mga bulaklak. Sa mga poste rin sa garden. Ang maganda ring ilaw ay ang sinag ng buwan. Kahit siguro, wala ng mga lights ay alam ko na mas maganda pa rin ang ilaw na nagmumula sa buwan. Malamig na ang simoy ng hangin na humahalik sa balat ko, kaya nakaramdam ako ng ginaw, kung kaya't napahawak ako sa braso ko. Nagsitaasan kasi ang balahibo ko sa katawan dahil sa lamig. Pero nawala rin iyon kalaunan nang maramdaman ko ang mainit at mabango na tela na bumalot sa balikat ko. Bumilis ang t***k ng puso ko at napatingin ako sa kanya. Ngayon ko nga lang din napansin na ang tangkad-tangkad niya at hanggang dibdib niya lamang ako. Baka nasa 6'0 yata siya o mas higit pa. Basta matangkad siya na tila may halong foreigner ang pamilya nila. Hindi naman ako nahirapan na tingalain siya dahil kusa siyang yumuko para mas matingnan din ang mukha ko. "Salamat," nakangiting ssmbit ko at ilang segundo pa siyang napatingin sa labi ko--o nakatingin nga ba siya? Bago niya ako diretsong tinitigan sa mga mata ko at ngumiti rin siya sa akin pabalik. "You're welcome," he replied. I looked away dahil mas nagkakagulo lang lalo ang puso ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang coat niya at nalanghap ko ang mabangong perfume niya na may halong natural na amoy niya rin. Hayan na naman ang tila paruparo sa loob ng tiyan ko. Hindi lang pala ang puso ko ang nagkakagulo. Maging ang aking tiyan. Nakakatwa ang pakiramdam na ito dahil ngayon ko lang naramdaman. Ngayon ko lang din naranasan ang kakaibang saya na hatid nito ang lalaking kasama ko sa ilalim ng buwan. Si Syrn Antonio Lavern...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD