CHAPTER 4

2176 Words
Chapter 4: Disappointment "IS IT really okay for you to marry me? Aren't you just being forced?" kapagkuwan ay tanong niya sa akin. Nasa boses niya ang pag-aalanganan. Ngumiti ako sa kanya nang hindi napipilitan. He value the opinion of others. I like that, "Ayos lang naman sa akin. Ikaw ba? Wala ka naman sigurong girlfriends, 'no? Wala naman sana akong maagawan na boyfriend?" tanong ko na pabiro, kahit gusto kong bawiin ang tanong ko sa kanya. Kaya dinadaanan ko na lamang sa biro. Nahihiya nga kasi ako, eh. Saka ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan sa puwede niyang isagot sa akin. Feeling ko brokenhearted ako agad kung malalaman ko na taken na pala siya. Na may nagmamay-ari na sa puso niya. Natigilan ako. Halos umawang ang labi ko nang bigla siyang natawa pero saglit lang naman. "I'm single, Miss. I told you. Sinagot ko na 'yan sa harapan ng parents natin," sabi niya na may multong ngiti pa rin sa mga labi niya. I felt relief nang malaman ko na single pa siya, means wala pa siyang girlfriend. May pag-asa. Malay ko ba na nagsisinungaling lang siya sa harapan ng parents namin, 'no? Alam niyo naman ang mga ganoong lalaki. Sa simula na kunwari ay sasang-ayon ka sa desisyon ng parents mo, na walang magiging problema sa 'yo ang ipagkasundo ka sa anak ng family friends niyo, pero kung hindi mo na sila kasama ay ro'n mo sasabihin ang totoo. Na parang bang sasabihin niya na, "I have a girlfriend and I love her." Walang bago ang mga ganoong linya, hindi ba? "Heaven Angel, what do you do for a living?" he asked me. Napakarahan naman ng boses niya, ang soft. Mas lalo ko lang siya nagugustuhan, eh. Napatangila ako sa langit, particular na pinagmamasdan ko ang magandang buwan. "I'm a chef," nakangiting sagot ko at saglit na sinulyapan ko siya. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagdaan ng aliw sa mukha niya. "Wow. That's why. How about you, do you have any idea about my work?" he asked me again. Tumango ako, "You're a pilot," mabilis na sagot ko sa kanya. "Do you think this relationship of ours will work? You can't marry someone especially if you just met him now," he said. Hesitation is in his voice again. Doesn't he like it? Ayaw ba niyang ikasal sa akin? Dahil totoo naman ang sinabi niya na 'you can't marry someone na nakilala mo lang ngayon.' "What do you think?" sa halip na tanong ko sa kanya. "You know my work, Heaven Angel. My schedule is hectic and I rarely take a vacation. I barely have time because I always have a flight. I'm only in the Philippines once in a week. Can you imagine that? But I love this, I love my work. Dito ako masaya at kailanman ay hindi ko ito sinukuan. Because this is my dream," mahabang sabi niya at napatango ako. Ito nga ang pangarap niya. Nasa mga mata niya ang kasiyahan, buong puso niya minahal ang trabaho niya at pinaglaanan ng oras. As a matter of fact, that's what it should be. All of us who live on this earth have dreams that we want to achieve. We want to embrace for the rest of our lives. But in Syrn's case, it seems that he is difficult to reach. It seems like his job will be the villain in our love life--err, never mind. "Fly high then, my captain," I said with a smile. He laughed because of that. I love hearing his voice, napaka-soft. Nakakaadik pakinggan. "Sa Sunday lang ako rito. As of now, may two days pa ako to stay here. Gusto mo bang lumabas tayo?" tanong niya sa akin pagkatapos niyang tumawa. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko, "It's a date?" nauutal kong tanong sa kanya. Kahit hindi ako sigurado kung date ba ang ibig niyang sabihin sa 'lumabas tayo.' Malay ko ba na hindi pala ganoon. "Yeah, a date. Let us get to know each other. You are beautiful and nice, kaya interesado akong makilala ka at mas makilala pa." Sa sobrang tuwa ko nang gabing iyon ay halos hindi na ako makatulog sa grabeng kilig na naramdaman ko, dahil sa sinabi niya at sa nalaman ko na interesado siyang makilala ako! At may date pa kami! Oh, goodness! Pagkagising ko tuloy kinabukasan ay para akong panda sa laki ng eyebags ko! Excited ako sa date namin. Para akong kabute na aligaga sa loob ng silid ko. "Mom! Nahihirapan po akong pumili," nakasimangot na sabi ko kay Mommy, "Ano ba dapat?" Lahat ng mga bagong dress ko na binili namin last week ni Mommy ay inilabas ko at nakatambak na ito lahat sa kama ko. Iba't ibang kulay and a different styles din. Pero hindi naman medyo sexy, this is my taste. Iyong simple-simple lang. And speaking of the dress, never akong nahirapan na pumili at kung ano lang ang una kong makikita at mahahawakan ay agad ko na itong isusuot. Never din akong na-conscious sa sarili ko, kung okay na ba sa akin ang mga damit ko o kung bagay na ba sa akin. Ang kulay nito sa balat ko. But not today! Dahil napaka-special sa akin ang araw na ito! It's my date with Syrn Antonio! My first date! Ngayon lang ako lalabas na kasama ko pa ang isang lalaki at future husband ko pa. Kaya dapat maganda ako sa araw na ito, kasi gusto kong maging memorable ang first date namin ni Syrn. Napailing si Mommy sa aking tinuran pero nasa labi niya ang malapad na ngiti. Tuwang-tuwa ang nanay ko na makita akong nahihirapan na pumili ng isusuot. "Dati naman, anak ay hindi ka naman nahihirapang pumili, ah? Kung ano lang ang una mong mahahawakan at makikita, gora." Napaupo ako sa carpeted floor ng kuwarto ko at mas humaba pa ang nguso ko. Ang damit ko na lang talaga ang problema, eh. Nakaligo na ako lahat-lahat. Nilapitan ni Mom ang kama ko at tiningnan na muna iyon lahat bago niya kinuha ang isang gold na asymmetrical dress na hanggang tuhod ang haba, iyong style niya ay parang sleeves at may maliit na belt sa baywang at sa dulo no'n ay bagsak na ang tela. Saka niya ako binalingan at inabot sa akin ang napili niyang isusuot ko. Tumayo ako at kinuha iyon mula sa mga kamay niya saka ko niyakap nang sobrang higpit ang mommy ko. "Thanks, Mom! You're the best!" masayang sabi ko at matunog na hinalikan ko pa ang pisngi niya na ikinatawa niya. "Silly you, darling. Sige na, isuot mo na 'yan. Susunduin ka ba ni Syrn?" tanong niya sa akin. Nakangiting tumango ako. Bago kasi kami nagpaalam sa isa't isa sa resto ay nakipagpalitan pa kami ng cellphone number at tinanong niya kung saan ako nakatira. Para masundo niya raw ako, gentlemen, eh at hindi ko rin alam kung saan nga kami magdi-date. Sa mall kaya? Katulad ng mga nakagawian ng mga couples? Nanonood ng sine habang kumakain kayo ng popcorns and drinks. Tapos mamasyal o kaya naman sa Enchanted Kingdom. Sasakay kayo sa lahat ng rides, kakain ng ice cream after that. Common na ang mga ganoong eksena ng mga taong magkarelasyon pero nakakakilig pa rin naman, eh. Saka enjoy the moment na lang. "HAYAN, bagay na bagay sa 'yo, anak. Ang ganda mo," nakangiting sabi sa akin ni Mommy. Siya ang nag-ayos ng buhok ko. Tinali niya lang ang kalahating buhok ko na nasa itaas. Magulo ba? Pero parang iyong nasa tuktok ng ulo ko lang ang buhok ko na itinali niya... Eh? Mas naging magulo pa yata. "Thanks, Mom!" sigaw ko na naman. Nilagyan din ako ni Mom ng light make up kaya mas gumanda ako. Chos. Doll shoes din ang ipinares kong panyapak para mas komportable akong maglakad ng naka-flats mamaya. Wala pa man ay kinakabahan na ako sa pagdating ni Syrn Antonio. Kinakabahan na may excitement din. "Enjoy your date, darling," ani Mom at hinalikan ako sa cheek ko. May lakad sila ng amega niya kaya aalis siya ngayon. Mamayang hapon pa ang balik niya. Tapos si Dad ay hayon abala na rin sa trabaho niya. "Ingat ka po, Mom." Kumaway pa ako sa kanya na mabilis naman niyang ginantihan. "Kuwentuhan mo ako later, okay?" Pagtango lang ang tanging naisagot ko dahil sa pinipigilang ngiti. "I love you, Mom!" hirit ko pa na malakas na ikinatawa niya. "Love you too, anak ko! Ingat ka rin." Sa living room ako naghintay kay Syrn. 9AM daw niya ako susunduin at mamayaang 8PM niya rin ako ihahatid. Ang bongga, 'no? Magdi-dinner din naman kasi kami, eh. Sana may kasunod pa ang first date namin para mas makilala pa namin talaga ang isa't isa. Hindi lang naman si Syrn Antonio ang may interesado, pati ako ay gusto ko rin siyang makilala. Para hindi ako mainip sa paghihintay sa kanya ay nilibang ko na muna ang sarili ko sa kitchen namin. Gagawa ako ng cupcake at kakainin namin mamaya! Saka may oras pa naman ako. Tinulungan pa ako ng kasambahay namin para mas mabilis daw. Dahil isa akong chef ay tutok na tutok ako sa ginagawa ko. Kaya nang sipatin ko ang relong pambisig ko ay nagulat ako nang makita ko ang oras. 9:30AM na! Dumating na kaya si Syrn Antonio? Nasa living room na kaya namin naghihintay? "Manang, pakibalot po ito nang maayos, ah?" ngiting-ngiting sabi ko at patakbong lumabas ako mula sa kusina. Narinig ko tuloy ang boses ni Manang na sinusuway ako. Baka raw madulas ako dahil kalilinis lang nila ng floor sa kitchen pero excited akong makita si Syrn, eh. Ano kaya ang suot niya ngayon? Mas guwapo ba siya? Kasi makikita ko siya nang malinaw ngayon, eh. Pero naglaho ang ngiti sa labi ko nang makitang walang katao-tao sa sala namin. O mayroon pala. Ang isa pa naming kasambahay sa mansion, "Ate, wala po bang dumating na bisita natin?" tanong ko sa kanya at napahinto siya sa pagwawalis. "Eh, wala po," kunot-noong sagot naman niya sa akin. Siguro na-late lang siya? Late nang dating, ganern? O kaya on the way na siya? Nasa coffee table ang sling bag ko kaya naglakad ako palapit doon. Kinuha ko ang phone ko kasi baka may missed calls or text message si Syrn sa akin, na ang laman nito na mali-late siya ng sundo sa akin. Pero na-disappoint ako nang makita na wala. Bakit naman kaya? Bagsak ang balikat ko na umupo sa sofa at mariin na tinitigan ko ang screen ng phone ko. Binasa ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Syrn. Syrn, iyong pagkakabasa ay ganito. Si-ern. Magandang pangalan ang Syrn. Sa naisip ko rin na on the way na siya ay naghintay pa ako saglit. Nanood ako ng TV series. Ngunit umabot na ng 10AM ay wala pa ring ka-date ko ang dumarating. Sinilip ko pa ang gate namin kung may makikita na ba akong kotse niya roon. Pero wala talaga. Nahihiya rin naman akong mag-text sa kanya dahil nagpapabebe ako. Biro lang. Nahihiya pa talaga ako, eh. But in the end, naisipan ko rin na tawagan siya. Ang kaso cannot be reach ang phone niya. Nasaan naman kaya siya? Nakasimangot na tiningnan ko ang TV nang lumapit sa akin si Manang Lita at maingat na inilapag niya sa coffee table ang cupcakes na ginawa namin kanina. "Heto na po, Angel." "Sige po." "Baka nasa daan na 'yan," aniya saka niya ako iniwan sa sala pero hindi ako kumbinsido. Baka hindi na matutuloy ang date namin. Sayang naman. Excited talaga ako at maaga pa akong gumising para sa araw na ito. Tapos mauuwi lang pala sa wala? Sa nararamdaman kong disappointment ay kinain ko na lang ang cupcakes habang mahaba pa rin ang nguso ko. Natapos ang araw na iyon ay wala ngang dumating na Syrn Antonio Lavern. Talagang hindi natuloy ang aming date. Bigong-bigo ako at nawalan ng gana buong araw. Parang maiiyak pa ako, eh. Nakakalungkot. Pero inintindi sa akin ni Mommy na baka raw may emergency kaya hindi natuloy ang date namin. O baka raw masyado ngang busy si Syrn. Eh, sabi niya ay may two days pa siya para mag-stay. But for me, sa opinyon ko lang naman ito. Hindi masamang tumawag or mag-text lang sa akin na hindi kami matutuloy, 'di ba? Wala namang mawawala sa kanya kung sasabihin niya sa akin nang mas maaga na cancel ang date namin. Hindi iyong paghihintay mo ang isang tao. Paaasahin mo siya sa isang bagay na walang kasiguraduhan. That's not a good behaviour. Nakakainsulto talaga ang ganoon, iyong paghihintayin ka nang matagal tapos hindi naman pala darating. Sinasayang mo lang ang oras ng tao. Ganito pala ang feelings na pinaasa at umasa naman ako. Pero ganoon talaga ang buhay, eh. Hindi maiwasan ang umasa sa isang tao. Kasi akala ko ay matino. Nalaman ni Aunt Serine ang tungkol sa date naming hindi natuloy kaya kinabukasan ay sinundo niya ako sa mansion namin, kasama si Mommy. Magbo-bonding daw kami at para na rin makita ko ang mansion nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD