CHAPTER 5

2174 Words
Chapter 5: His childhood sweetheart MAAGA pa lang ay gising na ako para makapaghanda na rin sa pagdating ni Aunt Serine. Mabilis ang bawat kilos ko at nakaligo ako agad. Isang pink na crop top blouse and white shorts ang suot-suot ko ngayon saka puting sneaker. Oh, 'di ba? Pang-teenager ang outfit ko pero minsan lang 'yan, eh. Mataas na pinusod ko ang mahaba kong buhok at naglagay lang ako ng lipstick sa lips ko at kaunting make-up din sa face. Kinuha ko sa kama ang sling bag ko at agad na lumabas na ako mula sa aking silid. Dumiretso ako sa baba at naabutan ko ang parents ko sa sala na nag-uusap. Nakahanda na rin sila, iba ang lakad ni Dad kasama si Uncle Antoner. "Good morning po!" masiglang bati ko sa kanilang dalawa at nang makita ako ay todo ngiti sila sa akin. Well, there's no new. Ganito kami always, kaya positive ako palagi, eh. Good vibes lang, ganern. "Good morning too, anak. You looks happy and excited," ani Dad at tumabi ako nang upo sa kanya. Magaan na hinalikan ko sa pisngi si daddy saka naman ako lumapit kay Mommy. "Morning, dear," my Mom's greeted me back. Silver dress ang suot ni Mommy. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Ang ganda ng mommy ko, ah. Pagkatapos nang masayang tagpong iyon ay dumating si Aunt Serine kaya nagpaalam na rin si Daddy sa amin. Ngayon ay kasalukuyan na kaming lulan ng magarang sasakyan ni Aunt Serine. Nagkasya kami sa back seat habang pinapagitnaan nila ako. "On behalf of my son, hija. I am so sorry. Excited din naman ako sa date niyo sana pero hindi rin pala natuloy," malungkot na sabi sa akin Aunt Serine. Sincere naman siya pero nakikita ko roon ang disappointment niya sa anak niya. Alam ko na kahit hindi sabihin ni tita ay dismayado talaga siya sa nangyari. Maging ako ay ganoon din naman. Pinaghandaan ko talaga ang araw na iyon, ang kahapon pero mauuwi lang pala sa wala. Ako ang mas na-disappoint kasi ako ang umasa pero kahit ganoon pa man. Inintindi ko. Simula pa lang ito ng relasyon namin, ang mga bagay na normal nang nangyayari at lalo na hectic nga ang schedule niya. Pero kung saan siya masaya ay ro'n ako, I respect him naman. "It's okay, Aunt. I understand Syrn naman po. There's nothing big deal po," nakangiting sabi ko. Hindi ko pinakita ang pagkadismayado sa mukha ko para mas hindi ma-guilty ang Mommy ni Syrn. Saka hindi pa man humihingi nang paumanhin ang anak niya ay pinapatawad ko na. Isang beses lang naman ito nangyari, eh. Kaya oks pa. Kinulong ni Aunt Serine ang mukha ko at nakikita ko ang aliw sa mga mata niya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Mommy. "You're one of a kind, Heaven. Isa ka nga talagang Angel. Ang pangalan mo...napakaganda at bagay na bagay sa 'yo. You looks Angel at talagang ang bait mong bata. Ikaw ang gusto ko para sa anak ko," naluluhang sabi niya. I chuckled at inabot ko ang pisngi niya para mapunasan ko ang tumulong luha mula sa mga mata niya. "Thank you, Aunt. I told you na okay lang po sa akin. Saka I'll wait na lang po kay Syrn Antonio to say sorry sa akin. Saka alam kong babawi po siya sa akin," sabi ko at lumapad na ang pagkakangiti niya. "Ange, ang suwerte mo sa anak mo. Maganda na at mabait pa," amazed na sabi pa niya kay Mommy. "Yes, we are lucky to have her. Kaya nag-iisa lang 'yan, eh," sagot din ni Mommy at naramdaman ko ang paghagod ng kamay niya sa likuran ko. "I'll talk to my son, kung makakabalik na siya." Sabi ni Syrn ay sa Sunday lang siya available, na ganoong araw lang siya rito sa bansa. At ang Sunday na iyon ay next week pa. Nakakalungkot dahil matagal pa bago bumalik si Syrn Antonio. Miss ko na agad ang crush ko. Oo, inaamin ko na, crush ko na si bubby. Aka husband iyon pero sa halip na hubby ay ginawa kong bubby. Para maiba naman, 'di ba? Ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na namin ang subdivision nina Aunt Serine at nakakamangha ang mga mansion nila sa loob. Mahigpit din ang mga securities at kailangan may mga listahan ang mga bisita nila. Hindi rin puwede ang outsider kung walang permission sa taong bibisitahin mo rito sa subdivision nila. Kaya kung may pagkakataon daw o gusto kong bumisita sa kanila ay isinulat ang pangalan ko sa visitor's list ng Lavern family. Kaya tuwang-tuwa na naman ang puso ko. Ang suwerte ko rin sa mother-in-law ko. Ang bait-bait niya. "Wow," iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko nang huminto na ang kotse sa tapat ng malaking mansion. Nasa labas ka pa lang ay manghang-mangha ka na. Ano pa kaya kung nasa loob ka na, Heaven? Doble ang laki ng mansion nila kaysa sa amin. Pero parehong expensive, eh. White brown ang theme ng mansion nila. Iyong amin ay light green and white. Mabilis na bumaba rin kaming tatlo at humalik sa akin ang sikat ng araw. Hindi naman masakit sa balat dahil may sariwang hangin pa rin. Muli kong pinasadahan nang tingin ang mansion at ang iilan na narra tree ay nakatayo sa gilid ng mansion nila. Mataas din ang black na gate nila kahit nasa subdivision na at maraming guards. Secure na secure pa rin ang bahay nila. Sa amin ay ganoon din naman pero kakaiba ang sub na ito. "Welcome to our humble house," ani Aunt Serine at inilahad pa niya ang palad niya tila itinuturo pa niya ang sinabi niyang 'humble house' kaya pareho kaming natawa. Mansion na 'yan, ha. Pero house pa rin ang tawag niya. Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok namin sa loob ay mas maganda nga. May mga paintings, fresh flowers na nasa vase. Decorations at lahat-lahat. No doubt na lahat iyon ay napakamahal. Iginiya kami ni Aunt sa living room nila. May TV set doon at agad na binuksan ni Aunt. Kaya nag-ingay ro'n ang mga palabas sa TV. Umupo kami ni Mommy sa malambot na sofa habang si Aunt Serine ay nasa tapat naming nakaupo. May dalawang kasambahay ang lumapit sa amin at magalang na bumati sa amin. "Hello," bati ko rin sa kanila pabalik na halatang nagulat pa sa akin. Nahihiyang ngumiti ang mga ito at yumuko rin. "Please, chin up. Huwag po kayong yumuko," suway ko sa kanila pero in a good way naman. Ayoko kasing ganyan ang mga kasambahay sa amin. Iyong yuyuko sila. Ayos na sa akin ang maging magalang sila pero huwag naman ang yumuko na tila isa kaming Royal bloods. "She's one of a kind, right? She's Heaven Angel, future wife ni Syrn Antonio. Kaya kilalanin niyo siya and that's her mother, Ange. Be nice to them at huwag niyong yuyukuan 'yan, pantay-pantay ang trato nila sa mga katulad niyo. Kung isa kang kasambahay rito ay parte ka na ng pamilya," nakangiting sabi ni Aunt. Napangiti rin ako nang hindi na sila yumuko at kahit mukhang nahihiya pa sa akin ay nagawa na nilang ngumiti nang hindi napipilitan. "Meng, dalhan niyo ang snack ang bisita natin at mamaya ay kami ang magluluto for our lunch. Wala kayong gagawin kundi ang tawagin din namin ang pangalan niyo para kumain." Masaya ako na maging sa mga kasambahay nila ay ganoon ang trato ni Aunt Serine. Na hindi niya tinuturing na mababa lang ang isang tao base sa kanilang mga trabaho. Tao rin naman sila at deserve nila ang respect mula sa kanilang mga amo. Na hindi porket mababa lang ang pinag-aralan ng isang tao at ang ganoong trabaho lang ang naabot nila ay hindi mo na sila bibigyan ng respeto na alam naman natin na deserve natin lahat ang tinatawag na 'respect'. Maging si Papa God naman ay pantay-pantay ang tingin sa atin. Tayo pa kayang mga tao na alam ang salitang iyon? Saka walang masama sa trabaho nila. Marangal naman at wala silang tinatapakan na pagkatao ng isang pamilya o hindi sila gumagawa ng masama. PARANG nag-take two kami sa breakfast dahil sa handang niluto nila para sa amin kaya tinungo namin ang dining area nila at doon kami nagkuwentuhan. Napuno ng masasayang tawanan ang buong silid. PAGSAPIT ng oras nang pagluluto for lunch ay pinaalis ako nina Mom at Aunt Serine. Sila na raw ang magluluto at mamasyal na lang daw ako sa mansion nila. Gusto kong tumulong kasi mahilig akong magluto. Eh, sa chef ako. Pero hindi ko napilit ang dalawang ginang kaya wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila. Ngunit bago iyon ay hinatid pa ako ni Aunt sa itaas. Fifth floor daw ang mayroon sa mansion nila kaya mataas at malaki nga siya. "Magpahinga ka na muna sa kuwarto ni Syrn. Since ayaw mo rin namang maglakad-lakad sa bahay natin." "Eh, Aunt," nahihiyang sabi ko nang nasa hagdanan na kami. Bakit sa kuwarto pa ni Syrn? Hindi ba nakakahiya? O baka magalit ang anak niya dahil pumasok ako sa loob ng kuwarto niya nang walang pahintulot niya? "Hindi po ba magagalit si Syrn niyan, Aunt?" nababahalang tanong ko. Umiling si Aunt Serine, "Hindi 'yan. Mabait naman ang anak ko, hija. Hindi iyon madamot sa mga bagay na mayroon siya. Ganoon na siya simula pagkabata. Hindi rin namin hinayaan na lumaki siyang spoiled brat kahit gustong-gusto pa ng mga lolo't lola niya. Kasi nag-iisa lang siyang apo ng Lavern family. Saka magiging kuwarto mo naman ito, soon. Masanay ka na." Namula ang pisngi ko sa sinabi ni Aunt na magiging kuwarto ko na rin daw ito. Sa naisip ay parang may mga butterflies na naman sa loob ng tummy ko. Kailan naman kaya ako masasanay, 'no? "Ito ang kuwarto niyo." Eh? Nahihiya man ako ay tanging pagngiti na lamang ang nagawa ko. Namangha na naman ako nang makapasok kami sa room ni Syrn. Black, gray and white ang structure ng kuwarto niya at napakabango sa loob. Naiwan pa yata ang amoy rito ni Syrn. Pero parang nasa palace ka lang dahil una mong makikita ang may kalakihan niyang living room. Nasa left iyon. Isang mahabang sofa at dalawang single sofa ang mayroon sa loob, saka coffee table. May TV set na naman siya. Puro paintings din sa loob. Sa likod ng living room na iyon ay may isa pang pintuan at iyon na siguro ang bedroom niya. "Sa right side ay may mini-kitchen siya, Heaven. Mahilig din kasi magluto ang isang iyon at kung tinatamad na bumaba ay sa kitchen na lang siya pumupunta." "Wow..." Mini-kitchen nga iyon at kompleto ang materials sa loob. Materials, I mean ay ang mga kagamitan pangluto at may fridge pa. "May extra comfort room," ani Aunt at itinuro pa niya ang isang puting pintuan. Sa bedroom nga ni Syrn ay ang king-size bed niya ang unang bumungad sa amin. Gray ang kulay na punda ng mga unan niya at ang maging ang bedsheet ang comforter niya. Parang lahat ng mga lalaki ay favorites color ang black and gray, 'no? "Walk-in closet naman 'yan, hija." Tumango-tango lang ako, "Ang ganda po ng kuwarto ni Syrn." "Kuwarto niyo," giit sa akin ni Aunt. Napakamot ako sa batok ko at napako naman ang tingin ko sa bedside table. Parang luluwa na naman ang puso ko nang makita ko ang picture frame doon. Hindi lang si Syrn Antonio ang nasa litrato. May kaakbay siyang babae at nakasuot pa sila ng toga. Hindi lang iyon iisa... Lima... "She's Serryline Arneth Ladonio, his childhood sweetheart." Serryline Arneth Ladonio, Syrn Antonio Lavern. S.A.L, same initial name at mukhang close na close silang dalawa base sa mga pictures nila. At masyadong importante nga kay Syrn ang babaeng ito dahil picture frame ang mayroon sila sa loob ng kuwarto niya. Childhood sweetheart... Kilala nila ang isa't isa at hindi malabo na... O minsan ba may na-develop na feelings? Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa malaman na may childhood sweetheart si Syrn Antonio. Wala sa sariling inabot ko ang picture frame nila. Kuha ito sa airport dahil na rin sa background. Nakalingkis ang mahaba at mapuputing braso ng babae sa kamay ni Syrn. Ang lapad-lapad nang ngiti nilang dalawa at bagay na bagay sila... Sa picture ko lang unang nakita ang babae ay napakaganda na niya. What if na sa personal ay mas maganda pala siya? Ang ganda rin ng ngiti niya at sa tuwing ngingiti siya ay tila nawawala ang mga mata niya. Dahil singkit iyon. She's a Flight Attendant and Syrn Antonio, he's a Pilot. A Captain. Dapat na ba akong kabahan? Dahil wala pa man ay na-insecure na ako sa closeness ng dalawa at mukhang... Mas maganda si Serryline Arneth Ladonio kaysa sa akin. Hindi mapagkakaila at alam ko kung papipiliin si Syrn kung sino sa aming dalawa ang best or pipiliin niyang makasama ay hindi ako iyon. Of course, he will choose his childhood sweetheart. Sino ba naman ako, 'di ba? Si Heaven Angel Calle lang ako. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD