Chapter 6: Syrn & Serryline
KUNG pag-uusapan naman natin ang perpektong babae ay na kay Serryline Arneth Ladonio na. Kaya nakikita kong bagay sila ni Syrn Antonio.
Although it hurts on my part to say that word, no one can ever say they are not a match. Just in the picture they already have chemistry. What if you see them together?
Noon, madalas nila akong sabihan na perpekto na raw ako. Dahil lahat ng katangian ng isang babae ay nasa akin na raw. Kind, respectful and I never judge people.
I've been way too blinded by that thing. That's it there's someone better than me. With something even more perfect. Even if we say there is no perfect person in this world. But there is... And that was Syrn Antonio's childhood friend.
"Heaven, Serryline is a good and respectful kid. I know you two will get along. You are both kind and happy-go-lucky," said Aunt Serine with a smile on her lips.
See? Ang Mommy na mismo ni Syrn ang nagsasabi ng mga bagay na iyon. Parang ako lang si Serryline.
So, Syrn treats me the same way? Kaya ba mabait siya sa akin unang kita pa lamang namin? Kaya na nasabi niya rin na maganda ako? Dahil nakikita niya rin sa akin ang kababata niya?
"She was Syrn's only childhood friend. I remember when they were little, they love to play just the two of them. Well, because my son is overprotective. Bata pa lamang ay pinagbawalan na nito ang makipagkaibigan sa ibang batang lalaki. So, sure that she will be glad when she gets to know you, Heaven. She doesn't like making friends with girls like her either," masayang kuwento sa akin ni Aunt Serine. Wala akong ginawang iba kundi ang ngumiti rin sa kanya pabalik.
Ang itago ko na naman ang totoong naramdaman ko sa maliit na bagay lang na kuwento niya sa akin. Hindi mo alam, Aunt na mas nangliit ako sa sarili ko at nabuhay ang nararamdaman kong ito. Insecurities.
I never felt this before. Dahil nga lahat ng bagay na nagugustuhan ko ay madali kong makuha. Hindi rin naman ako spoiled sa mga magulang ko. At never akong nainggit sa ibang tao lalo na masama ang ganoon. It's bad to be envious of things that don't deserve to be yours.
Kung pag-uusapan nga ang career, nasa akin na iyon. Successful na ako sa career ko. Pero noong makita ko pa lang si Serryline kahit sa picture pa lang ay agad ko na itong naramdaman.
Ang suwerte niya dahil una niyang nakilala si Syrn Antonio. Una niyang naging kaibigan ito. Naging kababata at una niyang nalaman ang pagkatao at ugali nito.
And compared to me, they've been together longer. They grew up together; dreamed together, they became successful in their own careers and until now they are still embracing their dreams. Always see each other and always together. They have been all over the world
Akala ko noon, ang trabaho ni Syrn ang naisip kong magiging hadlang sa love life namin, kung sakali man. Kasi nakikita kong pagmamahal niya sa trabaho niya pero ngayon.
May isang bagay na naman akong naisip na magiging dahilan at hindi lang isang bagay, hindi ang kanyang trabaho. Kundi ang kababata niya mismo. Si Serryline Arneth Ladonio.
"Ang ganda niya po, 'no?" sabi ko at pilit na pinapasigla ko ang boses ko upang hindi mahalata ni Aunt Serine ang lungkot at inggit na ngayon ay bumabalot na sa pagkatao ko.
"Yeah, Heaven. Serryline is beautiful and I also remember, she had a lot of suitor when they were still in high school but didn't get a chance to approach Serryline because of Syrn," dagdag pang kuwento niya sa akin.
Binabakuran na nga ni Syrn ang kababata niya. Ang suwerte naman ni Serryline.
"Gusto ko po siyang makilala, Aunt Serine. Wala rin po akong kaibigan na babae. Puro mga lalaki po, eh," ani ko at mas lumapad ang ngiti ni Aunt.
Kahit labag sa kalooban ko ang makilala siya sa personal. Pero may parte rin sa puso ko na interesado akong makilala siya.
"Sige, maiwan na kita rito, hija. Babalikan ko na ang mommy mo," paalam sa akin ni Aunt at hinaplos pa niya ang buhok ko saka siya tuluyang lumabas.
Bumaba ulit ang tingin ko sa hawak-hawak ko pa ring picture frame nila.
"Bagay na bagay nga kayo. No wonder," malungkot na sambit ko at bumuntong-hininga pa.
Hindi lang inggit ang nararamdaman ko ngayon. May selos na rin ang namumuo sa dibdib ko.
"Gusto ko pa lang naman si Syrn Antonio. Pero bakit kung ganito na ako magselos ay akala mo naman mahal ko na siya?" tanong ko sa sarili ko.
Ano nga ba ang tunay na nararamdaman ko kay Syrn? Pagkagusto lang ba o love na nga ba?
Ibinalik ko sa bedside table ang litrato. Si Aunt Serine, hindi ba siya nababahala na magkuwento tungkol sa kababata ng kanyang anak? Sa mismong future wife pa ni Syrn.
Hindi ba niya naisip ang mararamdaman ko sa oras na malaman ko na bata pa lang ang anak niya ay may binabakuran na?
O ako lang ang sadyang nagbibigay ng maling kahulugan?
I wonder din na kung may boyfriend na ngayon si Serryline Arneth. Dahil nga overprotective at may pagka-possessive nga ang best friend niya.
I looked at their pictures one by one again. From any angle, I can tell they look good together. They look like... in a relationship.
Syrn has a collection of airplane toys on display in his room. May mga maliit at malalaki rin.
His certificates and medals were also hung on his wall when he was still studying. He graduated from college with Latin honor. He is so very intelligent. He also has trophies that he won in the Swimming Competition. Became a champion and got awards. I lay down on his soft bed and I gazed at the white ceiling.
Bakit nga ba hindi mo ako sinipot, Syrn? Excited pa naman ako sa first date natin. Pinaghandaan ko pa. Tapos... Muli akong napabuntong-hininga.
Hindi ko pa rin naitatanong kay Aunt Serine ang tungkol sa 'yo. Baka mamaya.
'SAKTONG 11AM nang tinawag ako ng isa sa kasambay nina Aunt at kakain na raw kami ng lunch.
Nagulat pa ako noong madatnan ko sina Daddy at Uncle Antoner sa dining area. Hindi ko alam na sasabay pala sila sa lunch time namin.
Kaya nang makita rin nila ako ay binati ko sila at hinalikan sa pisngi.
Sabay-sabay na nga kaming kumain habang nagkukuwentuhan sila. Kulang kami. Sana kasama namin si Syrn ngayon.
"Nagmamadali siyang umalis kahapon. Sinabi lang ni Syrn na may emergency raw. Hindi na nga iyon nakapagpaalam sa akin nang maayos dahil nagmamadali nga," kuwento ni Aunt nang magtanong si Mommy tungkol kay Syrn.
Ako, curious kung ano'ng klaseng emergency ba ang pinuntahan ni Syrn at nagmamadali pa siya?
"Hindi na ba siya nakabalik dito?" tanong pa ni Mommy.
"Hindi na. Tumawag na lang sa akin over the phone na didiretso na siya sa Airport para sa next flight nila," sagot nito.
Tumawag? Napatingin ako sa phone kong nakalapag lang sa table ko. Natanggap kaya niya ang text messages ko? Nabasa niya rin kaya?
Heto na naman ang pagbigat ng dibdib ko at tila kinukurot ang puso ko.
"Baka next week na naman ang balik no'n, ayon sa schedule niya," ani Uncle Antoner.
"Masyado ngang busy si Syrn," segunda ni daddy.
"Sa phone po ba niya tumawag sa 'yo si Syrn, Aunt?" tanong ko. Kahit may pag-aalangan sa aking boses. Gusto ko lang malaman ang totoo kung sinadyang i-ignore ng anak niya ang text messages ko.
"Humiram kay Serryline, hija," Aunt Serine replied at wala sa sariling napatingin sa akin si Mommy.
Nasa mga mata niya ang pagtatanong at kaguluhan kung sino ang babaeng tinutukoy ni Aunt Serine.
"Who's Serryline?" my Mom asked her.
Kaya hayon, sa buong lunch time namin ay si Syrn at Serryline ang naging topic.
Gusto kong umalis sa table. Gusto kong lumabas para lamang na huwag nang dumagdag pa ang sakit sa puso ko na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito.
Bumalik ang disappointment ko. Tumawag siya sa nanay niya para makapagpaalam. Eh, sa akin? Sa akin na pinaasa niya sa isang date. Pinaghintay niya at wala man lang isang text sa phone ko? Or isang sorry man lang kahit ipagsabi na lamang niya sa Mommy niya?
Mali nga ba ang pagkakakilala ko sa kanya?
"AYOS ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Dad nang makauwi na kami sa mansion namin. Napatingin tuloy sa akin si Mommy.
Napansin siguro niya ang pagiging matamlay ko ngayon.
"I'm fine, Dad," I told him with my smile.
"Napansin ko rin na masyado kang tahimik buong biyahe. Actually, doon pa lang sa mansion ng Aunt Serine mo. May problema ka ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mommy. Umiling ako.
Ayokong sabihin sa kanila ang totoo kung bakit ako nagkakaganito.
"Pagod lang po ako, Mom, Dad," sabi ko at ipinakita ko ang emosyon na nagsasabing pagod nga talaga ako.
Hinagod ni Daddy ang likod ko, "Magpahinga ka na kung ganoon. Bukas sasabihin ko sa 'yo ang good news ni Daddy," malambing na sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Nagmano lang ako kay Dad at maging kay Mommy bago ako umakyat sa kuwarto ko.
LUMIPAS ang dalawang linggo na hindi ko pa rin nakikita si Syrn. Sa Sunday ay free day niya o tamang sabihin na day off niya.
Hinintay ko pa ang Sunday kasi baka pupunta na siya sa mansion namin para sa hindi namin na natuloy na date at hihingi ng sorry sa akin, dahil hindi nga niya ako sinipot pero wala, wala pa rin. Umasa na naman ako.
Nasa gitna ako ng trabaho ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kitchen ng restaurant ko at ang humahangos na assistant kong si Mervin ang pumasok sa loob.
"Chef Angel, nagkakagulo po sa labas! Hinahanap po ang manager," agad na pahayag nito sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko, "Nasaan si Manager Zamie?" tanong ko.
"Eh, hindi po ba nagpaalam siya kanina na pupunta lang siya sa hospital para sa monthly check up ng anak niya? Hindi po namin maawat ang customer, chef, eh. Kinuwestiyunan po ang service natin sa resto," mahabang ani nito.
Hindi ko tinanggal ang apron sa katawan ko at nakasuot pa ako ng uniporme ko as a chef dahil abalang-abala nga ako sa pagluluto.
"Ano ba kasi ang nangyari?" I asked him. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likod ko.
"Iyong waitress po natin na si Azzi ay napagdiskitahan na naman ng customer."
Nabahala na naman ako kay Azzi. Si Azzi iyong bago naming waitress na may speech disorder. Nagsi-serve lang siya ng mga pagkain na in-order ng mga customer namin o naglilinis ng table. Pero hindi siya ang nakatuka para kunin ang bawat order ng customer.
Nang minsan kasi ay pinagalitan at pinagtawanan siya, na iyon pinakaayaw kong mangyari.
Sa isang banda ay makikita nga ang kaguluhan doon at nakaluhod pa sa sahig si Azzi. May namuong galit sa puso ko na nararamdaman ko lang sa tuwing ginaganito nila ang emplayado ko.
"What's going on here?" mababang tonong tanong ko.
Una kong nilapitan si Azzi na ngayon ay maririnig na ang mga hikbi niya.
"Ikaw ba ang manager ng Heaven's?' tukoy niya sa restaurant ko.
Tinulungan naman ni Mervin si Azzi na makatayo at hinarap ko ang babae. She looks sophisticated at mukhang anak mayaman, base na rin sa aura at outfit niya.
"I am not. Ano'ng problema?" tanong ko at hindi tunog na seryosong. Kalmado pa rin ako kahit gusto ko na siyang sampalin.
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, Ms. Chef, pero itong waitress niyo ay pakituruan ang ugali nito. Utal-utal na ngang magsalita at tatanga-tanga pa. Sinabi ko sa kanya na palitan ang in-order ko ay hindi niya ginawa!" galit na galit na sabi nito sa akin.
Napatingin ako kay Azzi nang nakayuko na siya, "Azzi?" kuha ko sa atensyon niya. Dahan-dahan siyang nag-angat nang tingin sa akin at may mga luha na sa pisngi niya. She tried to explain her side but she can't. Lalo na kung ganito ang sitwasyon niya, mas lalong hindi siya makakapagsalita kung umiiyak.
Binalingan ko nang tingin ang customer at ibinaba ko ang kamay niyang nakaduro pa kay Azzi.
"That's not a good behaviour, Ma'am. Huwag mong duruin ang waitress namin at mas lalong huwag niyong sabihin na tanga siya."
"Totoo naman! Sa pagsasalita pa lang niya ay bobita na!" sigaw niya at doon hindi na ako nakapagpigil pa.
Inabot ko ang isang basong tubig at sinaboy ito sa pagmumukha niya.
"You have no right to tell her that, Ma'am. Yes and she can't even talk straight. But that doesn't mean that you will criticize her flaws. You're just lucky because you're beautiful and flawless. I'll ask you a question, Ma'am. Have you studied? Did you go to grade school, for me to tell you that you didn't study the good manners? She still has imperfections but I believe, every person living in this world has imperfections too, even you I know there are. She doesn't need your opinion, anyway. She is beautiful because of her imperfections, and you? You're only beautiful because of your make-up," my long statement and before I looked at Azzi when my eyes caught the guy who ghosted me two weeks ago.
He's with Serryline.