CHAPTER 7

2172 Words
Chapter 7: Rejection "SINO ka ba para sabihin mo 'yon sa akin?!" galit na tanong pa rin sa akin ng customer namin. Muli ko siyang hinarap. Nang dahil lang sa nakita ko sina Syrn at Serryline ay mas lalong lumaki ang pamumuo ng galit sa dibdib ko. Hindi lang dahil sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Kaya sorry na lang itong customer namin dahil sa kanya ko maibabaling ang galit ko na mas dinagdagan ng lalaking nang-ghost sa akin at nandito pa sa restaurant ko. "I told you, I'm a chef here. And I'm also the owner of Heaven's. Ma'am, pareho po tayong pinanganak at nabubuhay sa mundong ito. Lahat ng tingin sa atin ng Diyos ay pantay-pantayat. So, don’t look at my waitress like you’re the higher person here, either. Mind your own manners and please, get out of my resto before I drag you to my security guards," seryosong sabi ko at mas lumamig pa ang boses ko. Alam kong sa oras na sabihin ko ito ay maraming mga customer ang makakapanood nang maliit na kaguluhan na ito na mas lumalaki lamang dahil kinalaban ko pa siya. "Aren't you afraid that your restaurant might ruin your reputation as one of the chef here?Because you let your customers go?! And just because of that stupid girl?" she asked again, that's why I couldn't control myself anymore. Malakas na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Halos mamanhid pa nga ang kamay ko dahil sa sobrang lakas no'n. Sinasabi ko na ayaw ko sa lahat iyong nilalait ang empleyado ko at sa mismong pagmumukha ko pa. Naikuyom ko ang mga kamao at parang gusto ko pa siyang sampalin. Pulang-pula na ang pisngi niyang sinampal ko at nagsisimula na ring manubig ang mga mata niya. "I don't care about that, Ma'am. Because they know who's worse between the two of us. I am not afraid that my restaurant's reputation will be ruined just because of someone like you. I would be more concerned if they also treat you like a trash can. What's the use of beauty if you don't have a right mind? What's the use of your wealth if you can't even respect others? Ma'am, I just have a suggestion to you. Go back home and learn good manners again. Mervin, call security and throw her out," utos ko kay Mervin at dinuro ko pa ang babae. Muli ko itong hinarap, "At huwag mo na ring ipapakita pa sa akin ang pagmumukha mo kung wala pang laman 'yang utak mo," pahabol ko pa saka ko siya tinalikuran. "Have your break, Azzi," saad ko at bumalik ako sa lugar na pinanggalingan ko kanina. Hindi ko napansin si Syrn kanina at dahil madadaanan ko pa ang puwesto nila ay taas noo lang akong naglakad. Hindi ko siya tinapunan nang tingin kahit ramdam na ramdam ko ang malamig niyang mga mata sa akin. Iyong disappointment ko sa kanya ay napalitan iyon nang galit. Akalain mo nga naman. Bumalik na siya sa bansa tapos sa dami-rami pa ng restaurant na mapupuntahan nila ay sa resto ko pa talaga? Hindi lang naman siya ang nag-iisa. Dahil bukod sa magandang babaeng kasama niya na alam kong si Serryline iyon ay may kasama pa silang isang babae at isang lalaki pa. Parang lumalabas na double date nga. Ha! Hindi na nahiya sa akin na magpakita after niya akong i-ghost? Pabagsak na isinara ko ang pintuan at sumandal dito. Sunud-sunod ang paghinga ko nang malalim. Napatingin ako sa kisame ng kitchen namin at biglang uminit ang sulok ng mga mata ko. Masama talaga ang loob ko dahil sa ginawa ni Syrn sa akin. Sobrang sama talaga na to the point ay gusto ko rin siyang sampalin at inaamin ko na naging masama rin ako kanina. Below the belt na ang ginawa ko sa babaeng iyon pero galit talaga ako, eh. At kailangan kong ilabas ang galit na iyon para hindi ko mas maramdaman ang bigat sa dibdib ko. Ngayon nga lang din ako naging biyolente sa kapwa ko at lalong-lalo na sa customer ko pa. Mali rin naman ang ginawa niya, eh. At hindi ko ito-tolerate ang ginawa niya kay Azzi. "Aw..." mahinang daing ko nang biglang nanakit ang tiyan ko. Impit akong dumaing dahil tila nasusunog ang kalamnan ko. Unti-unti akong dumausdos sa sahig habang nakahilig pa rin ako sa pintuan. Hawak-hawak ko na ang bandang puson ko at pinagpawisan ako agad ng malamig. Kahapon lang natapos ang menstruation ko pero bakit sobrang sakit naman yata ng puson ko ngayon? Nararamdaman ko ang pag-iinit no'n at para siyang sinusunog. Nagitla ako ng makarinig ako nang sunud-sunod na katok sa pinto na nasa likod ko lang. "Chef Angel? Chef?" Pinunasan ko ang ilang butil na luhang lumandas sa pisngi ko at kahit nahihirapan akong tumayo dahil masakit talaga ang tiyan ko ay pinilit ko pa rin. Pinilit ko pa rin ang katawan kong makatayo. "Chef?" "Come in," nakangiwing sabi ko at umupo ako sa high chair. Mula sa isang pintuan ay lumabas doon ang iilan naming chef. Magkaiba kami ng kitchen pero magkadugtong pa rin naman siya. Si Mervin din ang assistant ko sa cooking. "Ayos lang po ba kayo, chef?" tanong ng mga ito sa akin at kasunod no'n na pumasok din si Mervin na kasama na niya ngayon si Azzi. "Namumutla po kayo, chef. Okay ka lang po ba?" tanong sa akin ni Mervin. Umiling ako. Nasa mukha nila ang pag-aalala. "Nanakit lang ang tiyan ko pero ayos naman na ako. Pakikuha mo na lang ako ng tubig, Mervin." "Sige po, chef," sagot niya sa akin na sinabayan pa nang pagtango at nagmamadali na ang bawat kilos niya. Lumapit naman sa akin si Azzi at inalok ako ng puting panyo niya. Hindi ko naman iyon tinanggihan at pinangpunas ko sa pawis ko sa noo at maging sa leeg ko. "Salamat, Azzi. Ayos ka lang ba?" I asked her. Mas concerned ako sa kanya, eh. Alam kong masaktan siya sa sinabi ng babaeng iyon. Hindi deserve ni Azzi ang mga katagang lumalabas sa bibig ng babaeng iyon. Para sa akin ay hindi nakakabawas sa ganda ang pagkakaroon niya ng imperfections at dahil lang doon ay mas nakikita ko ang ganda niya. We can't judge people dahil lang sa imperfections nila. They are beauty. Sinundan ko pa nang tingin ang bibig niya na nahihirapan na naman siyang mag-compose ng mga salita. "O-Okay lang po ako. S-Salamat po sa pagtatanggol sa akin, chef," sabi niya. Inabot ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. "Wala iyon, Azzi. Don't listen to them, you don't need their opinion at wala silang karapatan na punain ang isang bagay na sinasabi nilang pangit. You deserve a respect, just embrace your flaw because that makes you beautiful even more," ani ko at marahan pa niyang pinunasan ang pisngi niya na mabilis na lumandas ang mga luha niya roon. Bumalik si Mervin na may dala ng bottled water. Ibinigay niya sa akin ang isa at kay Azzi naman. "Take a break, everyone," I told them. Ilang minuto pa ang lumipas bago nawala ang p*******t ng tiyan ko kaya maayos na rin akong nakapagtrabaho. Kung marami kaming mga customer ay tumutulong ako sa kitchen kahit puwede naman talaga akong magtrabaho na lang sa loob ng office ko. Pero kasi mas gusto ko ang mapagod nang nagluluto ako kaysa ang umupo na lang ako at paper works ang pagkakaabalahan ko. Muli akong huminga nang malalim. 9AM pa lang kaya siguro late breakfast nila rito sa resto. Ano kaya ang naging reaction ni Syrn sa nakita niyang eksena kanina? Nagalit kaya siya sa ginawa ko sa customer namin? Na-turn off kaya siya sa akin? Pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. Dahil mas nangingibabaw sa akin ang galit dahil pinaasa niya ako. Ha! DAHIL mas marami kaming customer sa gabi ay mas naging abala kaming lahat. Kahit na may chef naman kaming nagsi-shift nang oras. Madalas ay 11PM or 12AM na kaming natatapos at nakakapagsara ng resto. May kinuha naman akong mga waitress at waiter na sa night duty naman at maging ang chef ay ganoon din. Kaya noong 'saktong 10 na ay nilapitan ako ni Mervin, "May naghahanap po sa 'yo, chef." "Ha?" gulat na sambit ko. "Kanina pa po siyang naghihintay at nakailang order na rin ng kape," he added. Kumunot naman ang noo ko. Kanina pang um-order ng kape? Hindi lang naman food service ang resto namin dahil may pantry kami. Kaya marami talagang customer. "Sino raw?" naguguluhan ko pa ring tanong. "Labasin niyo na lang po, chef. Kanina pa po siya nagtatanong kung hindi ka na raw ba busy at tinatanong din kung tapos na kayong kumain ng dinner," mahabang saad nito sa akin. Dahil curious ako sa taong naghahanap sa akin ay hinubad ko ang apron ko. Saka ako hinatid ni Mervin sa taong naghahanap sa akin. "Hayon po, chef. Siya po ang piloto kanina, kasama niya siguro ang mga kaibigan niya kanina pero nag-iisa na lang siya ngayon," ani sa akin ni Mervin at itinuro pa niya si Syrn. Tama, si Syrn nga ang tinutukoy niyang naghahanap sa akin at hindi ko ito inaasahan. Akala ko ay wala na siyang balak pang puntahan ako. Casual na lamang ang suot niya ngayon. Dark blue V-neck shirt at itim na maong pants. Black na sneaker din tapos medyo magulo ang buhok niya dahil siguro kanina pa iyon ginugulo ng mga daliri niya. Kasi naabutan ko pa siya, eh. Dahil naka-shirt na lamang siya ngayon ay makikita na ang galit na galit na ugat sa mga braso niya at masyado ring hapit sa katawan niya ang suot niya. Kaya bumabakat doon ang malapad niyang dibdib pababa sa abs niya. Sa ganoong posisyon niya lang ay tila hinahabol na naman ng kung ako ang puso ko dahil ang bilis nang t***k nito. Dahil sa tunog ng sapatos ko ay nakuha ko ang atensyon niya. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan niya at hinarap niya ako. "Do you need anything? May mali ba sa in-order mo?" agad na tanong ko sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na wala lang sa akin ang ginawa niya two weeks ago. Na hindi ako naapektuhan sa hindi niya pagsipot sa araw ng date namin sana. "Good evening," sa halip ay iyon ang nasambit niya at malamlam ang mga matang tiningnan niya ako. Nakikita ko ang pagod sa mga mata niya at tila kumikislap pa. "Evening," maikling sabi ko at hindi ko siya ginantihan nang ngiti kaya sa huli ay kinagat niya lang ang lower lips niya. "Heaven Angel," sambit niya sa pangalan ko at hayon na naman ang kilabot sa katawan ko. Mas doble pa ang pagrarambulan ng kung ano sa loob ng tiyan ko. Hindi niya ako binigo upang maramdaman ko pa ito sa kanya. Just so you know, Syrn, hindi mo ako makukuha sa mga ngiting 'yan dahil galit pa ako sa ginawa mo sa akin. Kaya ngayon, nasa resto ka and I treat you as my customer. "Kung wala naman pong problema rito ay maiwan ko na po kayo," seryoso pa ring sabi ko pero ang boses ko ay tila napakarahan pa. Kasi inaamin ko na never kong naiba ang boses ko. Kahit galit pa ako. "I'm sorry, please let's talk," sa wakas ay nasabi niya, tila nahihirapan pa. Kunwaring tiningnan ko pa ang wrist watch ko at muli siyang tiningnan. "I'm sorry. Hindi pa tapos ang trabaho ko, eh. Marami kaming customer ngayon, kaya hindi kita mai-entertain," ani ko at iginala ko pa ang mga mata ko sa paligid. "I understand. I'll wait for you here," he told me. I shook my head. "No. Late magsasara ang resto namin and I don't have time for now," I stated. "Uuwi ka ba sa inyo? I'll take you home instead." Makulit din ang lahi niya. "No need. I can handle myself," tanggi ko pa at mas idiniin pa niya ang pagkagat sa pang-ibabang labi niya. Kitang-kitang ko na ang pamumula no'n at kulang na lang ang magsugat na iyon. "I have my car. Thank you for the offer," ani ko at magpapaalam na sana ako nang magsalita pa siya. "How about tomorrow? Can I see you?" He's so makulit talaga. Huwag ganyan Syrn kasi baka mapatawad kita agad. Ayoko pa... Mabigat pa sa dibdib, may hinanakit pa ako sa 'yo. "Magiging busy kami bukas at sa susunod pang mga araw." Hindi iyon kasinungalingan dahil totoong magiging abala kaming lahat. Ang tinutukoy na good news ni Daddy ay kami ang nakuha to prepare and cook the foods para sa client ni dad sa hotel. Ikakasal kasi ang mga ito at bukas ang preparation namin. "Kailan ka ba libre, Miss?" marahan na tanong niya. "Hindi pa ako sigurado. I have to go. Just enjoy your meal," ani ko saka ko siya tinalikuran. I literally rejected him. Kasi Syrn, hindi ako marupok at hindi ako nadadala sa ngiti-ngiti mo lang. Para malaman mo rin na mahirap akong suyuin at kailangan mo ng kaunting effort o higit pa. To be continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD