CHAPTER 5

3139 Words
Beb's POV Malakas na katok ang gumising sa akin. Hindi na ko nag-aksaya na tingnan ang alarm clock ko may idea na ako kung sino itong punyeta. Nagkusot na muna ako ng mata ko bago bumangon at nag-unat ng kamay.  "Si bakla na naman siguro 'to," pikit mata kong sabi sa sarili ko.  Araw-araw kase siyang ganiyan. Kakatok ng madaling araw at magd-drama kesho nakuha raw ang ini-ingat ingatan niyang pwet. Iniingatan daw pero araw-araw may kachug-chugan sa hotel.  Dinampot ko na muna yung walis tambo ko sa gilid ng pinto. Mahampas nga 360 degree 'to ng matauhan ang sinumpang bakla na ito.  Pero imbes na mukha ni Troy ang tumambad sa akin ay isang gwapong nilalang ang bumungad. Nilakihan ko ang mata ko para makita ng maigi ang nilalang na ito. Pero hindi nga ako nagkakamali "Kaizer?" Gulat kong sabi rito. Nakasuot ito ng floral na pulong pula . Mekheng mebenge! tinalbog pa ang Calvin Klein na brief sa suot niyang pink na panyo sa noo and wait there's more maysuot pa ito shades sa kasagsagan ng kadiliman sa labas. Werz di sun yow!  Nalukot ang noo ko ng mapansing mukha na siyang human light sa kaputian niya. Sana all. Potangena edi siya na maputi! Lublob kita sa ulingan d'yan.  "Anong kailangan mo?" Binaba ko na yung walis tambo ko't nakapamiwan sa harapan niya.  "Mangliligaw ako" walang pag-aalinlangan na sabi niya. Wala ngang ka e-emotion, walang feelings. Pweeeh!  Sinipat ko ang langit. Anong oras na ba ngayon? Gabi na ba ulit? Potangena!  "Ano?" Pag-uulit ko rito. Baka kase nabingi na talaga ako dahil 'di na ako naglilinis ng tainga ko.  "MAN. LI. LI. GAW. AKO." Madiin niyang sabi. Hinampas niya pa sa mukha ko ang bulaklak.  "Ayan my feelings na." Bulong niya.  "Oh, ano? Titingnan mo na lang 'yan?" Umirap pa siya.  Napanganga ako sa sinabi niya. Aba napaka demanting naman ng unggoy na 'to. Ibinababa ko ang tingin ko sa bulaklak. Mukha namang mabango pero che! "Gago! Lumayas ka nga hinayupak ka't istorbo ka" bulyaw ko rito bago sinarado ng malakas ang pinto.  Napaiktad ako sa pagtili nang kung sino man. Gusto ko sana matawa kung hindi lang ako nagpa-panic.  Napababa ako ang tingin ko sa pinto. Wtf?  Agad kong binuksan ang pinto ng sagano'n ay makahinga ang naipit niyang paa.  "Ano bang problema mo!?" Frustrated kong usal dito. Nagsimula na talagang umalsa lahat ng dugo ko sa ulo ko. Boyset! Kahit masarap siya kung wala pa rin akong ganang tikman siya at hindi siya magpapatikim wala rin!  "Mangliligaw nga ako potangena 'to!" Hawak niya pa rin ang naipit niyang paa. Kita sa mukha niya ang inis at galit sa ginawa ko.  "Gago! Minumura mo ba ako?" Pinanlitian ko siya ng mata.  Amporkchup! Ano ba namang araw 'to!? Madilim pa lang napopotangena na ako! Ugh! Lord patawad po!  "H-hindi ah! potangena sino bang nagmura sa'yo?!" Nagtaas na rin siya ng boses.  "Sino ba kausap ko?" Galit ko na sigaw dito.  "Manliligaw nga kase ako!"  "Umalis ka na hindi ako tumatanggap ng ligaw!" Singhal ko rito pero tila kahoy itong kausap ko't hindi ito gumagalaw.  Agad kong niyakap ang katawan ko ng makitang nakatuon ang mga mata niya sa dibdib ko.  "W-wala naman akong n-nakita ah," nag-iwas ito ng tingin bago binigay sa akin ang bulaklak na hawak niya.  "Lumayas ka! Ponyetang manyak 'to" sinarado ko na ng lubos ang pinto.  Nakita niya? Ugh! Potangena ang manyaaak!  Humiga ulit ako sa higaan ko't nagmuni-muni. Nadapo ang tingin ko sa bulaklak na nasa mesa ko.  Potangenang manyak yun! Nakita niya tuloy ang mayayaman kong dibdib! Kahit kase nakasuot ako ng T-shirt e, bumabakat talaga dahil hindi naman ako nag-b-bra kapag natutulog.  Lesson learned: Mag bra muna bago magbukas ng pinto.  Ibang klase! Ano na naman kayang trip ng mundo sa akin? Napatingin ako sa alarm clock ko. Pinanlitan ko ng mata ang mahabang kamay na nasa 12 at ang maliit na kamay sa 12.  Puta! 12:12! SINONG MATINONG TAO ANG MANLILIGAW SA GANITONG ORAS? BUANGGG!  Ipinikit ko na lang ang mata ko at nagtalukbo ng kumot.  KASALUKUYAN kong tinatakbo ang hallway papunta sa room ko. Nyeta! Sino ba naman ang hindi. Late na ko nagising dahil sa pangpepeste ni Kaizer kaninang madaling araw.  Manliligaw ng alas 12 ng madaling-araw tapos naka shades pa na akala mo takaga tirik ang araw? Ewan ko ba kung nababaliw na ba ako o ano. Naririnig ko kase ang boses niya sa buong kwarto ko. Nakikipag murahan sa'kin.  Shit! Kakakilabot talaga. Ampota niya.  Napahinto ako sa pagtakbo ng makitang nasa hallway ang isang bulto ng lalaking nakasandal habang nakatingin sa diriksyon ko, may bitbit din itong pasalobong box.  "Tsk, buti buhay pa ang peste na ito," bulong ko sa sarili ko't inayos ang gusot ko na damit.  Naglakad na lang din ako, what's the use? 30 minutes na akong late. Wala na kong maabotan na lesson at tiyak tatadtarin lang ako ni Ma'am ng seremonya niya.  Buti nga at hindi ko nakasalubong iyong matandang dean. Kung nagkataoon jusko! Lagot ako.  Kahit naman school ko ito ay dapat fair 'di ba? Napairap ako nang mahuli nitong nakatingin sa akin. Ang loko ang laki pa ng ngiti sarap bunutin lahat ng ngipin. Naikuyom ko ang kamao ko. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang braso ko.  "Gen," tawag niya.  Napapikit ako ng muling uminit ang ulo ko.  Ang lakas ng loob niyang tawagin ako sa pangalan ko!  "Gen, usap naman tayo oh," pagmamakaawa niya. Napabuntong hininga ako't pinigilang huwag masampal ang hinayupak na ito. Sige lang serve ko sayo 'tong lakas ko. Sa lakas ko ba naman manampal di ka kaya ma comma ng 100 years hayop ka. "Usap?" Humarap ako sa kaniya. Nararamdaman ko na yung luha kong namumuo sa mata ko. Pota! Di ito tears of joy kun'di tears of kating-kating manakit!  "Ano ba'ng pag-uusapan natin Jovi, ha?" I smile, sarcastically. " Ahh. Baka gusto mong pag-usapan natin ang nakakadiri nating kahapon? "mapait akong ngumiti ng maalala ang lahat na iyon.  Nakakadiri talaga! Hindi ko lubos maisip na nagpakatanga ako sa isang tao na tulad ni Jovi Javier. Si Genevieve Dyosaña? Niloko at napaiyak nang isang hamak na hampaslupang nilalang na nagngangalang Jovi Javier? Taena. Nakakadiri.  Kita ko sa mukha niya ang pagsisisi pero wala akong pakialam. Magsisi siya hanggang kamatayan niya. Hinding hindi ko siya mapapatawad. Wala na ang karupokan sa aking katawan,nag retired na sila lahat. Masyado nang mahaba ang apat na taon at kamuntik ko ng makalimutan ang sakit. Tapos ito siya? Magpapakita na parang wala lang? Edi wow sa kaniya.  "Let me explain kase, mahal" bigla niyang hinawakan ang kamay ko na agad ko namang winakli.  Mahal? Aba kay tigas naman talaga nang mukha nito para tawagin akong Mahal. Mahal niya mukha niya. PAKEO! "Explain? Gago ka?! Iniwan mo ako sumama ka sa iba, binuntis mo pa ang matalik ko na kaibigan. Ano pang explain ang gagawin mo?" Nagtagis ang bagang ko, nanginginig din ang kalamnan ko sa pakeng hudas na 'to. "Mahal, hindi-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang may bumuhat sa akin na para bang isang sakong bigas lang at inilayo ako sa taong labis na nagdulot ng sakit sa akin.  "Pota-hoy! Ibaba mo ako hindi pa ko tapos sa maala Grammy award kong acting. Pota ibaba mo ko!" Nagpapadyak ako.  Napahinto ako sa pagwawala nang hindi ko sinasadyang matadyaka ang gitnang bukol nito. Naibaba niya ako ng wala sa oras bago hinawakan ang natamaan ko't tumalikod.  "s**t! s**t! Brutal na babaeng 'to! Basag na si ibong adarna!" Bulong niya.  "K-kaizer?" Gulat kong sambit.  Oo, epal na naman ang hudas.  Tumayo ito ng tuwid na para bang hindi masakit yung pagkakatadyak ko sa gitnang bahagi niya,may nakita rin akong butil na namumuo sa gilid ng mata niya. Seerry sagad!  "I-ikaw na babae ka," Napasingap muna ito bago tinuro ako na may matalim na tingin. "Sino yun? Bakit ka niya hinawakan? Mahal mo ba siya?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.  "A-ano bang pinagsasabi mo?" Napangiwi na lang ako ng pag-isahin niya ang hakbang namin.  Shit! Demonyo!  Bakit ba napaka epal nang isang 'to? Kanina, namulabog siya sa bahay ng alas dose nang madaling araw! Porbida! Kahit ata iyong alaga kong buhaya humuhilik pa sa mga oras na 'yon. Lakas talaga nang trip nito sa buhay. "Huwag mo na siyang kakausapin kung ayaw mong markahan kita na pagmamay-ari ko!" He warn me, his face is so dead serious. Kulang na lang ata lamunin ako.  Napakurap ako. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla na namang lumandi ang puso ko't wagas kung makatibok. Nagsimula na namang pumula ang mata nito. Taeana. Hindi ba talaga mawawala ang pagpula ng mata nito? At iyong sinabi niya noong gabi na nasa labas kami nang mansion nila? Ano nga ulit siya? Bampira? Taena naman. Nasa 21st century na tayo, like hello! Vampire are not real. They are just a fantasy. Mga ambesyosa. "Kakausapin ko kung sino ang gusto kong kausapin at labas ka na doon!" Maangas kong sabi rito. Isipin pa nito weak ako. Duh! Wala sa lahi namin ang pagiging weak. Napaatras ako nang mas lumapit pa ito, hanggang nasalikod ko na iyong pader.Ang lapit na ng mukha niya. P"n"y"ta! Bakit ba ang hilig niya sa part na 'to? Nakakagulat dahil hindi ko maramdaman ang hininga niya sa balat ko. Taena?mabaho ba hininga nito kaya niya ino-hold back? Ibinaba niya ang tingin niya sa mga labi ko.  Marahan niyang hinawakan ang leeg ko na nagbigay sa akin ng kakaibang bugso. In a blink of an eyes inamoy-amoy niya na ang leeg kong pawisan. Puta! Hoy! May pawis yan!  Gusto ko siyang sampalin o itulak man lang ng makahinga ako at makatakbo pero halos hindi ko maramdaman ang buong katawan ko. A-ano bang nangyayare sa akin?!  Napagat ako sa ibabang labi ko ng paglandasan ng dila niya ang leeg ko na nagdulot ng kakaibang kiliti. Papusok ito ng papusok! Paulit-ulit akong nagmura sa isip ko. Tinawag lahat ng santo pati si Santa Claus.  Ilang sandali pa ay may kung anong tumusok sa palad ko. Gusto kong humiyaw sa sakit pero mabilis na inangkin ni Kaizer ang labi ko.  Naluluha na ako tyaka niya lang hiniwalay ang labi niya. Wala na rin yung sakit na tumutusok sa palad ko. Muli niya pang dinilaan ang leeg ko bago nagsalita.  "There, that's for kicking my ball and making me feel jealous" pagkasabi niya non ay bigla na lang siyang nawala na parang bula.  Ako? Ito naiwang tulala at nanghihina. Pesteng yawa? Anong nangyare? Tiningnan ko ang palad ko at nakita ang markang K. Para itong ink sa loob ng balat ko.  Demonyo ata yung humalik sa akin.  Marahan akong dumaos-os habang nakatulala. Napatingin ulit ako sa palad ko. Taena. Ano iyon? Napatingala ako nang bigla na lang dumilim ang paligid. I immediately feel the urge to run when I saw who was there, standing right at me with a mischievous smirk. Tatlong naglalakihang lalake, may mga tattoo pa, tapos—s**t! Bakit ang pangit nang mga 'to? "Hey sexy remember me?" Saad no'ng lalakeng may kulay pula ang buhok.  Nuks, sexy raw!  "Sino ka naman para alalahanin ko? Utang ka ba?" I rolled my eyes. Shuta! Sino nga ba 'tong mga hayop na 'to? Siniko naman siya no'ng lalakeng mukhang sisiw tapos may  kulay nang buhok pa na akala mo proud lgbt, e, halata namang straight. "Oy tol di ka raw niya maalala, pakilala ka," natatawang sabi nong katabi niya, si kuya rainbow ang buhok "Ah ganoon ba?" He smirk. Shuta ang creepy. Bigla namang inabot ni kuya rainbow ang baseball bat. Napalaguk ako sa laway ko. "A-ano ba gagawin niyo? T-teka nga." Napatayo ako. Sinubukan kong alalahanin ang mga pagmumukha nila at isa-isang inalala baka ako 'yong may utang. "May utang ba 'ko sa inyo?"  "B*tch!" mura nong lalakeng may kulay ube ang buhok bago hinila ang buhok ko't kinaladkad ako papuntang rooptop. "Pucha! Arayyy!" Pinaghahampas ko 'yong kamay niya pero parang wala lang sa kaniya, sinikmuraan lang ako nong kulay buhok na lalake. Napabuga ako nang dugo, feeling ko wala na sa lugar ang atay ko. Peste! Hintayin lang nila makawala ang buhok ko't papatikim ko sa kanila ang kamao kong tingga. Nakaabot na kami sa rooftop na puno nang pasa ang buo kong tawanan.  Taena! Chinachallege talaga nila ako.  Humanda kayo sa'kin. Pinunasan ko ang gilid nang labi at isa-isang pinaradahan ng tingin ang mga tauhan niya. Iyong iba halatang mga bata pa.  Mga tuli na kaya 'tong mga 'to? Iyong iba naman feeling ko mga nasa 4th year na kabilang na doon itong tatlong kumaladkad sa akin.  Taena nila. Makasurvive lang ako rito, iisa-isa ko silang tatadyakan paalis nang skwelahan ko. Wala man lang gwapo sa member nila. Pweh! "Hoy Dyosaña! 'Di mo ba talaga ako naaalala!?" kuha niya sa atensyon ko. "Kung utang ka lang talaga 'no, hinding hindi kita makakalimutan kaso hindi e, mukha ka pang tipaklong," maldita kong sabi rito. Tumawa naman siya. "Hindi ako ang may utang Dyosaña, ikaw ang may utang sa akin. Time for revenge lang," aniya pa bago inangat ang baseball bat. Ah baka isa 'to sa mga nabugbog ko noon? "Alam mo? Huwag ka na mag revenge, love love na lang. Spread love not hate. Dali hug kita." Ibinuka ko ang dalawang kamay ko kahit masakit iyong pangbubogbog nila. Amp daig ko pa ang naabogbog berna sa mukha kong 'to. He hissed bigla na lang siyang sumugod kasama iyong mga ulopong niyang mga tipaklong. Napaatras ako. s**t ang dami pa naman nila. Mga mahigit 40? s**t. Hinanda ko ang kamao ko na medyo nanginig na rin. Bawat hampas nong lalake ay ang pagsalo naman ng kamao nang iba niyang kasama galing sa akin. Iyong iba ay lumilipad pa. Napapangiwi ako sa tuwing may tumatama na kamo sa katawan ko. Tangena naman oh! Hindi ko nakita ang paghampas nang malakas ni rainbow guy, dahilan para matilapon ako. Napahawak ako sa t'yan ko habang may lumalabas na dugo sa bibig ko. Manhid na ang dalawa kong braso hindi ko na rin kayang tumayo. Tangena ang malas! Nakita ko ang papalapit nilang sapatos. Napangisi ako. Taena naman. Hindi naman ako immortal para hindi mamatay sa lugar na 'to. Baseball bat 'yan mortal lang ako. Mortal na DYOSA! "Ang hina mo naman pala," he shouted while pulling my hair up. Ako? Mahina? I mentally laugh. Sino naman kaya sa amin ang nagbitbit nang mga mukhang tipaklong para rumesbak? Taena 'yan. Lalake ba talaga 'to oh ano? Napangiwi ako sa sakit nang pilit niyang pinapatayo ako. Feeling ko matatanggal na 'yong anit ko. Sabay sabay pa silang humalakhak, but I made them stop when I punch this poor creature infront of me. Sinubukan pa siyang gisingin nong dalawa niyang alipores pero wala. Knock out si Manoy! Nakita kong napaatras sila nang makitang tulog na iyong sinuntok ko. "Who's next!?" Ngisi ko. But all of them stop, even me, when we heard a guy shouted. What? Ngayon pa nga lang ako mamabawi eh! Padabog niyanvgsinarado ang pinto,tiningnan ako bago nagtatagis ang panga na nilipat ang tingin sa ibang students na nakikibugbog sa akin. "Stop this all of you!" Kalmado pero puno nang otoridad na sabi ni Jovi. Napaikot mata ako. As if naman masisindak sila? Gonggong! Hinarangan niya pa ako.  Tinapik ko siya sa balikat,"Excuse me? Eksina ko 'to, oo. Umalis ka nga rito. Di kita kailangan, kaya ko sarili ko." "Kaya mo sarili mo? Look at yourself mahal, hindi ako makakapayag na ginaganiyan ka lang."  Napa-cross arms ako sa sinabi niya. "Ang tigas din naman nang mukha mo ano? Wala lang 'to kumpara sa pinaramdam mo noon!"  Taena ito na naman iyong parang maybumabara na plema sa lalamunan. Peste ang bigat sa pakiramdam.  Iyong mga students na kasama nong tatlo? Ayon mga audience na lang, nakikinood sa kadramahan namin nitong hudas na si Jovi. Maghintay sila kung kailan sila pwede eeksina. K'wento ko 'to at mahal ako ng author! "Mahal," humarap siya sa akin at akmang idadampi ang kamay sa balikat ko pero umatras ako. "Go now! Ayaw kitang makita! Ayaw kitang maamoy! Ayaw kong makikishare ng utot sa 'to. Kaya please! Lubayan mo na ako. Can't you see? I'm healthy happy with my life right now," naiiyak kong litaniya sa kaniya. May bigla namang umabot nang tissue mula sa audience. "Oh bhie tissue, iyong sipon mo tumutulo na rin." Tiningnan ko siya nakiki iyak na rin siya. "Thank you bhie." Inabot ko iyong tissue mula sa kaniya. "What are you waiting for Jovi! Leaave!" Sigaw ko. Napatingala naman siya sa langit bago tumalikod, dahan-dahang umalis at sinarado ang pinto. Nagsipalakpakan naman sila lahat. "Winner!" Sigaw nang kung sinoman. Nag wave pa ko. "Oh balik na sa action ang lalande niyo kaya kayo umiiyak e!" Sinipat ko iyong lalakeng sumigaw non, siya rin yong nagbigay sa akin ng tissue. "BITTER!" Sigaw ko bago inumpisahan ang bakbakan. "Ikaw na naman Ms Dyosaña?" Napaikot mata ako nang marinig si Dean. Ito na lang ba lagi linya niya?  Napakamot ako sa ulo ko. Taena hindi ko na alam kung ano na itsura ko sa mga oras na 'to. Ikaw ba naman mangbugbog sa humigit 40 ka tao?  Tiningnan naman niya iyong mga mukhang tipaklong na nagkanda-black eye black eye, iyong iba ay may band aid na sa kamay, iyong iba naman ay halos basag na ang mukha nangangamoy paksiw pa ang pakpak. Napatakip ilong naman si Dean. "Ikaw may gawa nito?" Nahihiyang ngumiti ako kay Dean. Frustrated na ibinagsak niya ang sarili niya sa upuan niya bago napasambunot sa kakarampot niyang buhok. "Oh Dean hindi ako nagsimula nang away ah. Ito kasing tatlong 'to." Agad naman silang napaatras nang tumayo ako at tinuro iyong dalawa na kumaladkad sa akin. Wala 'yong isa, na declared na comatose. Aba kasalanan niya. Sabi ko spread love, ayaw naman niya. Bigla namang bumukas ang pinto, niluwa ang umuungos, hingal na hingal, basang basa ang kili at medyo hagard na si Troy. Hindi niya pinansin si Dean at diretsong pinagsasampal iyong binugbog ko. "Bakit niyo 'to ginawa!?" Aniya na ala Vilma Santos. "Alam ba ng nanay at tatay niyo na binugbog niyo ang nakakaawang frenny ko!?" He paused. Pinaradahan nang tingin iyong mga tipaklong. Huminto ang tingin niya sa lalaking medyo may Aura. Lumapit siya doon at naiiyak na kwenilyuhan. Taena chansing woi! "Ikaw!? Gwapo ka sana pero sinayang mo ang 45 minutes and 3 secinds mo sa mga walang kwentang bagay. Kung ang 45 minutes and 3 seconds mo na pananatili sa rooftop ay sinamahan mo akong mag worship. Edi sana napakinabangan ang oras mo!"  Medyo naawa ako don sa lalakeng tinalsikan niya nang laway. Halatang bet na bet niya, too bad. They have to take the circumstances. At the end they got spelled. Ako naman ayon, save ulit dahil kay vaks.  Dinaan niya sa maala Tita V na acting. Aayaw pa ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD