CHAPTER 2

4840 Words
***ILANG BUWAN BAGO ANG AMING HIWALAYAN NI BRENT***                                                                                                  Dahil hindi naman kami busy ay nagpaalam na lang akong mag-undertime. Kaya lang, imbes na dumiretso sa grocery store, dumaan muna ako sa National Bookstore upang bumili ng libro para sa anak ko at para na rin sa akin. “Ayyy!” Tumilapon ang aking cellphone nang biglang may bumundol sa akin at paglingon ko ay nakita ko ang isang grupo ng mga estudyanteng nagkukulitan sa loob ng bookstore. Bawal nga, di ba? Inirapan ang ko ang nakabundol sa akin ngunit bago pa ako makapag-rap ng sermon ay may isang kamay na humawak sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay upang alisin ang kamay nitong nakahawak sa akin. Gwapo naman sana, tatanga-tanga! “Miss, cellphone n’yo po,” sabi nito. Hinablot ko ang cellphone mula sa kanyang kamay at umalis na hindi nagpasalamat. Kaya lang ay nakunsensya ako bigla. Bumalik ako ngunit hindi ko na siya nakita pa. Hinanap ko siya sa buong bookstore, ngunit hindi ko na talaga siya nakita pa. Give up na sana ako nang mahagilap ko ang kaparehong kulay ng suot niya kanina. Binilisan ko ang aking lakad hanggang sa makalapit sa kanya ngunit bigla na lang sumulpot si Lorena at Camilla sa aking likuran. “Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Tinanong ko sila ngunit ang aking mga mata ay palinga-linga sa paligid. “May bibilhin si Lorena, iyong libro daw kung paano akitin ang isang lalaki,” sabi ni Camilla. Natawa ako sa sinabi ni Camilla at nang tumingin ako sa gawi ni Lorena ay biglang yumuko ang babaeng muher. “So, nahihiya ka ngayon? Ano’ng meron? Sino ba ang aakitin mo?” “Iyong ka-fling niya na nawalan ng gana,” si Camilla pa rin ang sumagot kaya tinampal ito ni Lorena. “Ayaw mo naman sa walang label, eh.” “Noon pero ngayon, gusto kong may label na kami ngunit ayaw na yata niya sa akin,” pumiyok ang boses ni Lorena habang nagsasalita. “Masakit ba? Kaya mo ‘yan, for sure.” Biniro ko siya at mas lalo lang itong nalungkot. “Akitin mo si Levi,” mungkahi ko sa kanya. “Gusto mo talaga akong mamatay?” Kumunot ang noo ko  sa kanyang tanong dahil hindi naman kriminal si Levi. “Bakit ka naman mamamatay?” “Baka ako naman ang tatalon sa rooftop kung ipagpapalit niya ako sa ibang babae.” “Shhhh,” binalaan ko ang dalawang kasama na hinaan nila ang kanilang boses dahil nakita ko ang babaeng nasa rooftop noong tumalon ang babaeng nangangalang Jasmine. “Bakit?” Sabay silang nagtanong kaya itinuro ko ang babaeng nakita ko. “Ang ganda talaga niya,” sabi ni Camilla na parang nangangarap na maging kamukha ang babaeng ‘yon. Sasagot sana ako nang muli kong makita ang lalaking kanina ko pa hinanap. “Hey!” Tinawag ko ang lalaki pero naka-airpods yata, hindi ako narinig eh. Hinayaan ko na lang siya at nag-focus na lang sa aking mga kaibigan. “Sorry talaga guys ha at hindi ako p’wedeng sumama sa outing bukas, may pupuntahan kasi ako,” humingi ako ng dispensa mula sa aking mga kaibigan dahil tinanggihan ko ulit ang kanilang imbitasyon na mag-overnight sa isang resort. “Kung hindi ako nagkakamali, magdadasal ka na naman para sa inyong dalawa ni Brent,” naiinis na wika ni Lorena sa akin. Hindi na lang ako sumagot kasi tama naman ang sinabi ng kaibigan ko.    Kinabukasan, alas kwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na ako at inilipat ko sa kwarto ni Marian ang bata. Pagkatapos ay nagluto na rin ako ng pagkain upang hindi na maabala si Marian dahil mag-isa lang ito. Dinamihan ko ang aking hinandang pagkain kasi hanggang lunch o dinner na ‘yon para kay Marian at sa anak ko. Nag-iwan na rin ako ng pera sa babae just in case na may gusto silang bilhin. Paglabas ko ng bahay ay naramdaman ko pa rin ang lamig ng hangin kahit sobrang makapal ang hoodie na aking sinuot. Inilagay ko sa bulsa ng hoodie ang aking kamay upang kahit papaano ay mainitan ito. Pinaglaruan ng aking paa ang isang maliit na bato habang hinintay ang taxi na maghahatid sa akin patungong terminal. Hindi kasi ako marunong magmaneho kaya kung wala si Brent ay commute lang ako palagi. Siguro ay sobrang malalim na aking iniisip dahil napatalon ako nang biglang huminto ang taxi sa aking harapan. Umaga pa lang ay imbyerna na ang aking beauty na para bang bad omen ‘yon. Likas na bumper to bumper ang daan galing sa amin papuntang downtown pero dahil maaga pa naman at araw din ng Sabado, bihira lang ang mga sasakyang nakita ko. Kaya wala pang trenta minuto ay nasa loob na ako ng terminal at pumila para sa may biyahe patungong Simala. Tuwing weekend ay maraming biyahero patungong South. Iyong iba ang pupuntang Simala at karamihan ay sa mga tourist destinations kaya siksikan talaga sa loob ng terminal. Nang sa wakas ay nakasakay na ako sa bus, huminga ako ng malalim. Pinili ko ‘yong pwesto na nasa tapat ng bintana dahil gusto kong makita ang dinaanan namin. Type ko lang magmasid sa kapaligiran kapag nasa biyahe. Lagi ako akong napagalitan ni Brent dati kasi may mga instances na nakalabas sa bintana ang ulo eh delikado po ‘yon. “Wala ka bang kasama?” Aigoo, kahit ba nakinig ako ng music, narinig ko pa rin ang baritono niyang boses. Nag-angat ako ng tingin at napanganga sa aking nakita. Hindi ko talaga in-expect na magkita kaming muli pero sumulpot siya sa aking harapan, ay hindi pala, sa aking tagiliran? Nasa gilid kasi siya ng upuan, eh. Kaya lang parang hindi niya ako natandaan. Wala sa mga mata niya na nakilala ako. “Wala,” sagot ko. Gusto ko sanang i-brought up ang insidente sa bookstore pero bigla akong tinubuan ng hiya. Pinilit kong ignorahin na lang ang lalaki kasi tumahimik na rin naman siya at nakinig rin ng musika.  Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Para akong nahipnotismo sa kanyang bango. Fresh na fresh na para bang hindi pinagpapawisan. Nangangawit na ang aking leeg ngunit natakot akong mag-iba ng posisyon at masabihan pa akong kiringking o easy to get. SRP pa lang ay nakaramdam na ako ng antok. Pinigilan kong matulog dahil nakakahiya kung marinig niya ang aking hilik na mala-dyosa. Pero teka nga muna, nagtataka na talaga ako sa aking sarili kung bakit affected ako masyado sa presensya ni bagets. Ay oo, nakalimutan ko yatang banggitin na bagets pa siya. Siguro nasa twenty-one or twenty-three. Baby face pa eh. Baby face pa rin naman ako syempre. Wala pa kaya akong trenta. Maaga lang talaga akong nag-asawa at hindi ko dapat pagsisihan ‘yon. Yeah tama, ilang beses kong kinumbinse ang aking sarili na hindi ako dapat magsisi na pinakasalan ko si Brent dahil noong mga time na ‘yon, si Brent ang katuparan sa lahat ng mga pangarap ko sa buhay. Naramdaman ko rin kung gaano niya ako kamahal. Sinabi ng utak ko na hiwalayan na siya dahil panigurado na may ibang babae si Brent, kaya lang sabi ng puso ko, ‘till death do us part’ daw kami. Bigla akong napamura at nagulat ang aking katabi. “Sorry, nadala lang ako sa lyrics ng kanta,” nagsinungaling ako sa kanya. Ngumiti ang aking katabi at bigla kong nakalimutan na papunta akong Simala upang ipagdasal ang aking butihing asawa. May something kasi sa ngiti niya, hindi ko lang kayang i-describe ng husto, hindi pang-artista na ngiti kasi hindi ganun kapantay ang mga ngipin niya. Actually, it’s not about teeth eh. Hindi iyon ang dahilan kung bakit nahumaling ako sa kanyang ngiti. Nang ngumiti kasi siya sa akin, para niya akong binigyan ng lakas upang harapin ang lahat ng mga pagsubok sa aking buhay. Ganun, ka-powerful ang kanyang ngiti kaya isa lang ang masasabi ko; sanay siya sa mga galawang hokage at nakalaglag panty. “Miss, excuse me,” tawag ng lalaki sa akin kaya alam kong nagsimula na siya sa kanyang diskarte. Ang galing, sabi ko. Ang ginawa ko ay itinaas ko ang aking kamay at sinabing, “May-asawa na po ako.” Pagkatapos noon ay narinig kong nagtawanan ang aking katabi at iba pa. Pagtingin ko, kaagad akong nanalangin na sana ay lamunin na lang ako ng lupa. Dumating pala ang kondukto na kukuha sa pamasahe ko. Bwisit talaga, oo! Dumukot ako ng buong two hundred mula sa aking wallet at ibinigay sa konduktor na hindi nakatingin sa mukha nito. Tinanggap naman ito ng kumag at nang umalis ito ay kaagad kong inirapan ang aking katabi. “Sana’y sinabi mo na dumating ‘yong konduktor!” At ‘yon nga, nagsimula akong uma-attitude ngunit imbes na magalit ang lalaki ay natawa lang ito. “Assuming ka kasi,” sagot nito. Aray! Nasapol ako kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Iyong mahinhin na ngiti na tila ba nahihiya. Ganung klaseng ngiti ang ibinigay ko sa kanya. “Mas maganda ka pala kung hindi nakangiti,” sabi ng lalaki. Sus, kung wala lang talaga akong utang na loob sa hinayupak na ‘yon, baka sinipa ko na siya. Baka hindi nito alam na Chou user ako sa ML. “Hindi ko kailangan ang opinion mo,dzong!” “Ay sorry na damz,” sumagot ang kumag na para bang close kami masyado. Babanggitin ko na sana ang insidente sa bookstore nang biglang pumara ang lalaki. Bababa na raw siya kaya kumunot ang aking noo. Ni hindi man lang ito nagpaalam, basta na lang pinahinto ang bus at bumaba. Eksakto namang  dumaan ang kondukto kaya nagtanong ako. “May emergency ba ‘yong katabi ko kanina?” “Mali ang bus na nasakyan. Taga Samboan raw siya eh bound to Oslob itong bus,” sagot ng konduktor.    “Ay ganun ba? Sige salamat,” sabi ko sa konduktor ngunit sa aking isip ay minaliit ko ang lalaki. Ang tanga lang kasi na mali ang bus na sinakyan, di ba?” Nang makarating ako sa Sibonga, bumili muna ako ng Coke, ‘yong super cold ang hiningi ko sa tindera kasi ang init sa labas. Gusto ko sanang hubarin ang suot kong hoodie kaya lang baka mapagkamalan pa akong boldstar kung sa kalsada ako maghuhubad. Napadighay ako ng malakas nang maubos ko ang 8oz na coke, at pagkatapos ay umarkila na ako ng motorsiklo na maghahatid sa akin sa shrine. Napailing na lang ako sa pagkamangha nang makarating ako sa shrine kasi ang laki na ng pinagbago nito kumpara noong huli kong pagbisita at kasama ko pa noon si Brent. Tuwing nagpupunta ako ng Simala, lagi na lang si Brent ang dahilan. Una, hiniling ko kay Mama Mary na bigyan niya ako ng signs kung karapat-dapat ko bang sagutin si Brent. Pangalawa, magkasama kami ni Brent noon at nagpasalamat dahil anniversary namin as a couple. Pangatlo, muling nagpasalamat dahil naikasal kaming dalawa na walang utang. Pang-apat, humiling na magka-baby kaagad. Panglima, nagpasalamat dahil binigyan kami ng isang malusog na baby girl. Hindi ko inasahan na sa aking pagbabalik, hihiling ako na manumbalik ang pagmamahal niya sa akin. Sumagi rin sa utak ko na baka may pagkukulang ako sa aking asawa, pero wala talaga, eh. Okay naman kami noong hindi pa na-promote si Brent. Sumahod lang ng malaki, lumaki na rin ang ulo, at ang pinakamalala ay mukhang nakalimot si Brent sa kanyang pinagdaanan. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung kaya pa ba naming ayusin ang aming relasyon. Mas lalo lang kasing lumala,eh. Martyr na kung martyr pero ipinagdasal ko talaga na magiging maayos kami. Pagkatapos kong magdasal ay bumili ako ng pasalubong para kay Marian, Lorena at Camilla. Bago mag-alas onse ng umaga ay nasa highway na ako at nag-aabang ng bus pabalik sa city. Wala masyadong pasahero pabalik sa city kaya wala akong katabi. Isinandal ko ang aking ulo sa may bintana at saka ipinikit ang aking mga mata. Pagod ako, eh. Ilang oras pa rin kasi ang biyahe at nakakapagod ‘yon. Ginising na lang ako ni Manong konduktor nang dumating kami sa terminal. Disoriented pa ako noong una at humilab sa harap ng konduktor without thinking na baka nangangamoy na ang panis kong laway. Ewww! Pagbaba ko ay dumiretso na ako sa nakahilerang mga taxi at nagpahatid pauwi sa bahay. Dahil ma-traffic ang dinaanan namin, malapit ng mag-alas singko nang makarating ako sa bahay. Tumalon-talon ang aking anak nang makita ako kaya kaagad ko siyang kinuha mula kay Marian. “Umuwi na ba si Brent?” Kaagad kong tinanong si Marian kasi Sabado na kaya. “Hindi pa,” sagot ni Marian. “Ah okey, baka bukas na ‘yon,” sabi ko naman pero deep inside, nag-worry ako kung nasaan na ang aking asawa.Sino ba naman kasi ang hindi mabahala sa kanya eh ilang araw na kaya itong hindi umuuwi. “Ang tagal naman ng conference kung totoo man ‘yon,” pasaring ni Marian. Hindi ko pinagalitan ang babae sa sinabi nito dahil matagal na itong nagduda na may ibang babae si Brent. Ako lang itong ayaw maniwala sa kutob ko. As much as possible ay hindi talaga ako maniwala na may iba na si Brent. “Pahinga lang ako saglit tapos maliligo na ako, grabe, nakakapagod ang biyahe. I need a cold shower talaga,” maarte kong sabi kay Marian at natawa ako nang umikot ang mata nito. Hindi niya kinaya ang kaartehan ko ngunit joke lang naman ang kaartehan ko. Hindi naman kasi totoo, eh. Ang sabi ko ay magpapahinga, hindi mag-scroll sa sss at mag-share ng post. Ewan ko ba kung bakit bilang pumasok sa isip ko si Aika, ang dating kasintahan ni Brent na patay na patay ang lalaki. Kung hindi ko siya napigilan noon ay baka nagpakamatay na ito dahil sa panloloko ni Aika. Hinanap ko sa search area ang pangalan ni Aika Henson at pumalakpak pa ako nang makita ko ang babae. Mas lalo akong natuwa dahil public ang profile nito kaya malaya akong mang-stalk sa kanya. Nanlamig ang buo kong katawan nang makita ang isa sa mga photos ni Aika. May kasama itong lalaki ngunit tinakpan ang mukha, kaya lang ay nakita ko pa rin ang suot niyang sapatos. Hindi lang sapatos kundi pati na ang binti ng lalaki na alam kong kay Brent. Nanginig man aking kamay habang tiningnan ng maigi ang mga larawan, hindi ako tumigil hanggang sa mapansin ko ang date kung kailan kinunan ang larawan. Never ko pang naranasan na mabisto si Brent pero nang ma-experience ko ‘yon sa harap ng cellphone ko, hindi ko alam kung paano ako mag-react. Bigla na lang sumikip ang aking dibdib at tumulo ang aking luha. Tinanong ko ang aking sarili kung bakit kailangana ko siyang iyakan eh buhay pa naman? Kaya lang, sarili ko lamang ang aking niloloko. Nasasaktan na nga, nakuha pang magbiro o paraan ko lamang iyon upang maibsan ang sakit kahit konti man lang. “Magkasama pala kayo ni Aika, hindi mo man lang sinabi sa akin,” sabi ko sa text na ipinadala ko kay Brent. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Pauwi na ako,” sagot ni Brent. Mas lalo lang akong nagduda kasi nakailang text na ako sa kanya ngunit ni isa doon ay wala siyang nireplyan. Nabanggit ko lang ang pangalan ni Aika, uuwi na siya kaagad. Wow ha, sino ba ang lolokohin niya? Nakatitig lang ako sa mensahe niya ngunit hindi ko siya nireplyan. Gusto ko pa sanang umiyak pero pinili ko na huwag na lang. Hindi rin naman makakatulong sa akin ang aking mga luha. Kaya ang ginawa ko ay nanood ako ng romantic comedy na kdrama, iyong Fated to Love You. Pero bakit ganun? May comedy ang pinanood ko pero naiiyak pa rin ako. Ang masama pa nun ay naabutan ako ni Brent na umiiyak. Paglapag ng bag nito ay kaagad niya akong niyapos ng mahigpit. “Sorry at ngayon lang ako nakauwi,” sabi niya sa boses na nakasanayan ko. Muntik na akong nadala sa matamis niyang boses pero natuto na ako. Ngayon pa ba ako magpapaloko eh nasa harapan ko na nga ang ebidensya? I mean, nasa phone pala. “Okey lang. Kumain ka kung nagugutom ka,” sabi ko. “Sabay na tayong kakain,” nakiusap ang lalaki ngunit mariin ang aking pagtanggi. “Busog pa ako Brent.” Tumango lang ang lalaki at saka nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas ulit ito ng silid. Nang makalabas ang lalaki ay ni-refresh ko ang f******k sa pag-akalang may bago. Meron nga! Hindi ko na makita ang account ni Aika. Deactivated or deleted? Sinubukan kong kumalma, pero wala talaga, eh. Kaya ang ginawa ko ay pinilit ko ang aking sarili na matulog na lang. Ngunit bigla akong ginising ni Brent. Nainis ako nang hindi siya sa tumigil sa pagyugyog ng balikat ko. “Ano ba?” “May naiwan ako sa van,mabuti na lang at pumayag ang driver na makipagkita sa akin kahit gabi na,” paliwanag ni Brent. “Talaga?” Sinubukan ko siyang pigilan dahil daing lang daw naman ang naiwan nito sa van. Anong klaseng daing at kailangan talagang balikan kahit malalim na ang gabi? Kinaumagahan, kaagad kong hinanap si Brent dahil wala ito sa aking tabi. Inakala ko na namalengke ang lalaki dahil mahilig itong magluto ng seafood tuwing umaga. “Si Brent?” Tinanong ko si Marian nang maabutan ko ito sa kusina na nagluto ng champorado para sa akin. “Umuwi ba siya? Hindi ko napansin ang kanyang sasakyan sa garahe,” sagot ni Marian.             “Umuwi saglit ngunit bumalik din kaagad dahil may naiwan na daing sa van, ewan ko ba kung anong klaseng daing ‘yong sinabi niya,” reklamo ko kay Marian ngunit bigla na lang bumungisngis ng tawa ang babae.             “Matalino ka naman Kylie kaya alam mo na ang ibig sabihin ni Brent.” “Siguraduhin lang ng lalaking ‘yon na may daing nga siyang dala kasi kung wala, dila lang ang walang latay sa kanya!” “Ayan ka na naman, puro satsat kulang naman sa gawa. Kaya nasanay si Brent na ganyan dahil hinayaan mo lang,” dagdag pa ni Marian. “Oo na, ako na ang may kasalanan, damz.” Damz? Bakit naalala ko ang lalaking ‘yon? No, erase, erase! Sabi ko sa sarili ko. Magulo ang utak ko kaya kailangan kong magpahangin sa labas. Magpahangin lang sana ngunit kung saan na ako nakaabot. Napalayo na pala ako sa bahay, hindi ko man lang namalayan.   “Ayyyy!” Napatili ako nang biglang huminto sa aking harapan ang sasakyan ni Brent. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit ngumiti lang ang lalaki. Akala siguro nito na madadala ako sa mga pangiti-ngiti niya sa akin? “Kylie, sakay na!” “Maglalakad lang ako, Brent. Salamat,” sabi ko sa kanya na para bang kausap ko lang ang aming kapitbahay na nag-offer ng free rides. “Ano ba Kylie?” Tumuloy ako sa bakeshop at bumili ng ilang piraso ng pandesal dahil ayaw kong masayang lang ‘yon. Pagkakuha ng sukli ay umalis na kaagad ako. “Ano’ng ginagawa mo rito?” “Syempre, sinusundo ka!” Sumagot si Brent. Inismiran ko siya dahil mas lalo lang akong nainis sa mga ginagawa niya. Masyadong trying hard! Halatang-halata na may ginagawa nga siya behind my back. Mabuti na siguro ‘yong kausapin ko siya ng maayos para once and for all ay magkalinawan na kami. “Bakit may amoy sa loob?” “Syempre, daing nga ang kinarga ko rito.” “Wow, pinanindigan mo talaga na daing ang dahilan kung bakit ka umalis kagabi,” nagparinig ako. “Talaga namang daing lang, Kylie!” “At dahil sa daing ay inumaga ka na ng uwi?” Tinanong ko siya ngunit ang magaling na lalaki ay minabuting manahimik na lang kaya walang nangyari. Naisip ko na pabayaan na muna si Brent hanggang sa magsawa siya. Naghintay ako ng ilang araw, linggo, buwan, hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa na magiging sweet uli siya sa akin. Umuuwi pa naman sa bahay pero dahil nga magka-iba an gaming work schedule, bihira lang din kaming magkita. Sa weekend, sabay pa rin kamig mag-almusal pero hanggang dun lang kasi matutulog siya sa araw at aalis ng hapon. Ganunpaman, patuloy pa rin akong pumasok sa trabaho at umasta na walang problema.Kaya lang, ang hirap magpanggap na okey lang ang lahat kahit hindi naman. Ang hirap ngumiti kapag nagdurusa ang puso. Kararating ko lang sa office at mangilan-ilan pa lang ang nag-time in na. May mga kasamahan akong nakita sa may parking lot kanina na nag-uusap habang nagsisigarilyo. Ang una kong ginawa ay inayos ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng aking desk. Nilinis ko rin ang keyboard at saka huminga ako ng malalim bago binuksan ang computer. Habang hinihintay ko na maglo-load ang lahat ng emails ay minabuti kong pumunta muna sa pantry upang magtimpla ng kape. Lately kasi, coffee is life na ako. Pagbalik ko sa table ko, nalula ako sa dami ng emails at iyon ang una kong inatupag. Kaya lang, panay ang pag-ring ng telepono para sa mga inquiries at dahil doon ay nakalimutan ko na ang tinimpla kong kape. Bumalik na naman ako sa pantry at muling nagtimpla ng kape. Sakto namang dumating si Levi kaya ngumiti ako sa kanya. “Ang aga mo ngayon, ha.” Sabi ko sa kanya. “May lakad kasi ako,” sagot ng lalaki at saka ito huminga ng malalim. “May issue sa Mystic,” dagdag ni Levi. “Kaya mo ‘yan! Ikaw yata ang pinakamagaling dito sa EC,” pinapalakas ko naman ang kanyang loob. “Kumusta ka na, Kylie? Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nakapag-usap ng maayos,” sabi ni Levi. “Busy ka kasi sa mga sideline mo,” sagot ko at kaagad siyang ngumiti. Ang sidelide niya ay mga chicks at may chika pa nga akong narinig na sino-syota daw ni Levi ang ilan sa mga in-charge upang makuha lang ang shipment. “Kaya nga eh. Coffee tayo later?” “Ang cheap mo namang mang-imbita. Flowing ang coffee dito sa opisina tapos kape lang din ang ilibre mo sa akin? Eat all you can na lang,” hirit ko. “Fine! Dinner tayo mamaya, tayo nina Camilla at Lorena,” wika ni Levi na nagpabilis ng t***k sa aking natutulog na puso. Char, echus lang! Sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa libreng pagkain tapos eat all you can pa? Kahit na sabihin pa ng iba na pinilit ko lang si Levi na ilibre kami ng eat all you can, okey lang ‘yon. “Mauna na ako sayo ha, andami kong emails ngayong araw, eh!” “Go ahead Kylie,” sabi ni Levi. Tinikman ko muna ang tinimpla kong kape at baka manlamig na naman katulad ng panlalamig ni Brent sa akin. Wait, ma-search nga ulit ang profile ni Aika! Wala pa rin! So, back to work na ulit ako. Inuna ko ‘yong mga emails na ‘inquiry’ ang nasa subject dahil ifo-forward ko lang naman ‘yon sa mga in-house sales namin. Sila na ang bahalang mag-prove ng rate doon. Halos hindi ko na nga namalayan ang pagdating ng mga kasamahan ko dahil subsob ako sa trabaho. Gusto kong tapusin lahat kahit alam kong walang katapusan ang aming trabaho. “Mabuti pa ang mga kliyente natin at naalala akong tawagan,” nagparinig ako kay Lorena. Malapit lang kasi kami kaya kung hindi na busy sa work ay p’wede kaming magkwentuhan. “Si Brent na naman? Hiwalayan mo na lang kaya,” mungkahi ni Lorena. Alam ko naman na noon pa ay badshot na si Lorena kay Brent. Ayaw kasi nito sa mga lalaking pala-asa sa mga babae. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko sinabi sa kanya ang tunay namig sitwasyon ni Brent. “Till death do us part ang ipinangako namin,” tugon ko sa kanya. “Eh di patayin mo na!” “Galit ka ba?” “Hindi ako galit Kylie, sinasabi ko lang sayo kung ano ang nakita ko. Siguro nga ay minahal ka ni Brent noon pero nag-iba na siya, hindi mo pa rin ba na-gets na ginagamit ka lang niya? Isipin mo kung kailan nagsimula ang pagbabago niya, hindi ba at noong na-promote siya?” Tumango lang ako kasi tama naman ang sinabi ni Lorena pero bakit napakahirap sa akin na tuluyang pakawalan si Brent? “Baka nabigla lang siya,” nagdahilan pa ako. “Hay naku, ewan ko na lang kung paano kita kukumbinsihin na hindi na ikaw ang iniibig ni Brent. Masakit iyon, alam ko, pero kailangan mong tanggapin na wala na talaga. Ano ba ang balak mo? Magpa-martyr habangbuhay? Sabihin mo lang at ipagpatayo kita ng rebulto sa harap ng bahay n’yo,” sermon ni Lorena. “Ang haba naman ng sagot mo,” nagreklamo ako. “Kulang pa nga ‘yon upang maintindihan mo na kinawawa mo lang ang iyong sarili,” tugon ni Lorena. Pinili kong manahimik na lamang dahil baka mag-away lang kami ni Lorena. Para kay Lorena at sa iba pang tao ay napakadaling sabihin na hiwalayan ko si Brent, na ganito, ganyan, pero hindi nia alam kung gaano ito kahirap para sa akin. Somehow, umaasa pa rin ako kahit konti na lang. Ang hirap kasi, eh! Highschool pa lang kami ni Brent ay magkasama na kaming dalawa. Siya ang aking unang nobyo at unang minahal kaya nahirapan akong i-give up lahat. Siya kasi ang ginawa kong sentro sa lahat. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,” may bahid ng lungkot ang aking boses habang kinausap si Lorena. “Ewan ko sayo. Madali lang naman ‘yon. Anyway, baka nagdalawang-isip ka pa kasi wala kang ebidensya. Normal lang ‘yon pero sana naman kung may ebidensya ka na ay hindi ka na magdadalawang-isip na hiwalayan ang mokong na ‘yon. “Umaasa pa rin ako na hindi kami hahantong sa hiwalayan,” sabi ko. “Huwag ka ng umasa kasi base sa ipinakita ni Brent ay wala na talaga itong pakialam sayo,” sabi pa ni Lorena.  “Ang sakit mong magsalita, kaibigan pa naman kita kung ituring,” pinuna ko si Lorena na medyo below the belt na ang mga payo nito. “Masakit talaga ang katotohan, my friend. Huwag ka ng magpabebe diyan at tayo na dahil ililibre kita ng Starbucks.” “Dapat kanina mo pa sinabi na may libre,” sabi ko. “Sinadya mo yatang magtampo kuno.” “Baliw!” Imbes na magtungo sa terminal dahil as usual magko-commute lang ako, dumiretso kami sa Starbucks. Si Lorena ang pumila samantalang ako ay naghahanap ng pwesto. Dahil puno na sa taas, bumaba ako. May mga upuan pa kasi sa baba ngunit nabitin ang aking pagbaba sa may hagdanan ng makita ko siya. Nagbaba ng tingin ang lalaki nang makita niya ako kaya awtomatikong umangat ang aking kilay. Ngunit nang tumalikod ito at naglakad pabalik sa kanyang pinanggalingan, na-insulto ako ng bonggang-bongga. Hindi lang nainsulto kundi napahiya pa!  Gusto ko sana siyang komprontahin ngunit bakit ko naman gagawin ‘yon? Kung umasta kasi ang lalaki ay parang mayroon akong nakakahawang sakit.  Ikinibit ko ang aking balikat at nilampasan siya upang maghanap ng bakanteng mesa. Kakaupo ko pa lang nang maupo rin ito sa kabilang mesa. Ilang pulgada lang ang distansya naming dalawa kaya nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ako sa kanya. Ano kayang problema niya? Sarili ko ang aking tinanong kasi hindi rin naman niya sasagutin kung sakaling tatanungin ko siya. Teka lang, bakit kailangan ko siyang problemahin? Hindi ko na-tinext si Lorena kasi alam naman nitong nasa baba lang ako kapag hindi niya ako makita sa itaas. Habang hinihintay ang aking kasama, minabuti kong manood na muna ng kdrama. Nahumaling kasi ako sa LOTB at hindi ko iyong matapos-tapos sa bahay dahil maraming distractions doon. “Wala ka bang kasama?” Nag-angat ako ng tingin nang may magsalita malapit sa akin at matamis siyang ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan ngunit tumawa lang ito. “Gago,” mahina kong sabi ngunit mukhang narinig yata niya ang aking sinabi at pinangatawanan nito ang pagiging gago nang maupo ito sa silyang para sana kay Lorena. “Ano’ng pangalan mo?” “Wala,” sabi ko dahil totoo na nainis ako sa inasal niya kanina. “P’wede ba bumalik ka na lang doon?” At ginamit ko ang aking nguso ipang ituro ang kanyang upuan at sa parehong pagkakataon ay inayos ko ang aking suot ng company ID upang makita ng lalaki ang aking pangalan kahit hindi ko sasabihin. “Okay, ang taray mo naman, Kylie.” Sabi ng lalaki habang nakatitig sa ID ko. “Paminsan-minsan lang,” sagot ko sa kanya dahil hindi naman talaga everyday na masungit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD