bc

SANA WALA NANG WAKAS

book_age18+
451
FOLLOW
1.8K
READ
fated
friends to lovers
kickass heroine
drama
sweet
bxg
city
sassy
engineer
like
intro-logo
Blurb

Note: CURRENTLY EDITING. READ IT LATER!!1 THANK YOU!!!

Lubos kung magmahal si Kylie kaya ibinigay niya ang lahat sa lalaking pinili ng kanyang puso ngunit sa bandang huli ay nakulangan pa rin si Brent at ipinagpalit siya sa ibang babae. Dahil sa nangyari ay may trust issue na siya pero ipinaramdam ni Jericho sa kanya na deserve niyang mahalin ng sobra. Muli siyang umibig. Sa isang lalaki na mas bata pa sa kanya ngunit mas matured mag-isip. Kung kailan may mahal na siyang iba, saka naman muling nagparamdam si Brent upang makipagbalikan sa kanya. Papatawarin niya ba si Brent o ibuhos na lang ang lahat ng pagmamahal niya kay Jericho?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
 “May result na!” Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa dahil sa wakas ay malaya na ako mula sa pagkagapos ko sa maling tao. “Malaya na ako, Marian!” “Approved na ang annulment?” Nang mabasa ko ang resulta, halo-halo ang aking reaksyon. Syempre, nangunguna ang tuwa dahil hindi nasayang iyong perang ipinambayad ko. Ang laki kaya no’n! Ewan ko ba pero may pagka-tarantitay din ako paminsan-minsan eh. Normal lang naman sigurong matakot na baka may kapalit ang mga good news na natanggap ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot si Marian. “Oo, approve na siya,” sabi ko. “O bakit ganyan ang aura mo? Dapat magdiwang tayo, eh!” Hindi nawala ang aking kagustuhan na magdiwang ngunit mayroong konting pangamba sa aking puso. Sa totoo lang ay ayokong maging masaya ng sobra kasi natakot ako na may kapalit ang kasiyahang nadarama. “Natatakot ako,” sabi ko kay Marian. “At bakit? Pang old school ka talaga minsan,” saway ni Marian sa akin. “Hindi naman sa gano’n. Kaya lang ay nagtataka lang talaga ako kung bakit magkasabay ang good news,” sabi ko. “Kabahan ka na kung tatlong magandang balita ang darating sayo.” “Sabagay. Sana ‘yong pangatlo ay panalo ako sa lotto para instant milyonaryo,” sagot ko naman. “Tumaya ka ba?” “Ng ano? Numero? Syempre hindi!” “Eh paano ka mananalo kung hindi ka naman pala bumili ng numero. Hayyy ewan ko sayo Kylie, ang gulo mong kausap ngayon. Mabuti pa ay maligo ka muna upang ma-refresh ‘yang utak mo. Loading ka, eh!” “Sabi ko nga,” sagot ko at kaagad namang nagpaalam si Marian na asikasuhin na muna si Karla. Nang makaalis si Marian ay kaagad na akong pumasok si banyo upang maligo kahit saglit lang. Tuwing may lakad kaming tatlo ay mabilis lang naman kasing maghanda si  Marian at ang bata. Ako lang naman itong mabagal kumilos, eh. Marami pa kasing arte sa katawan eh, kung anu-ano na lang ang inilagay sa skin. Simula kasi nang nakipaglaro si Brent sa ibang team, sinigurado ko na hindi mapabayaan ang aking sarili. Hindi naman lubos ang kaartehan, iyong usual lang like skin moisturizer plus sunblock. Mga simpleng bagay lang naman na malaki ang epekto kapag inaraw-araw. Makalipas ang isang oras, handa na kaming umalis. Todo bihis din si Marian at hindi nagpapahuli. Infairness, cute itong tingnan sa suot niyang bestida. “Oy sister, nakapag-asawa ka ba ng mayaman?” Biniro ko siya. Bagama’t matanda siya sa akin ng ilang taon, lumitaw pa rin ang kagandahan ni Marian. Nagmana kasi ito sa kanyang ina na normal ang kaputian ng balat, iyong hindi lumaklak ng sandamakmak na gluta. “Mag-aasawa pa lang kaya ikaw din,” sagot ni Marian at kaagad kaming nagtawanan habang inayos nito ang buhok na animo isang maarte na echuserang froglet. “Mayaman naman si Jericho,” sagot ko naman at huli na nang mapagtanto ko ang impact sa aking sagot. “Oy, ano ‘yon? Seryoso? Si Chairman ang napili mo?” “Ang tanong, pinili ba ako? Baka naman sa huli ay pinagkatuwaan lang pala ang isang tulad ko.” “Paano mo naman nasabi ‘yan, Kylie? Mukhang inlab naman sayo iyong binata,” pahayag ni Marian at ngumiti lang ako. “Sa nangyari sa akin, sa tingin mo ba ay madali akong mabola? At si Jericho pa talaga? Alam mo naman kung ilang taon ang agwat naming dalawa,” sabi ko. “Akala ko ba ay nagkamabutihan na kayo?” Nagtaka si Marian sa tono ng aking pananalita pero kanina ko lang kasi napagtanto na muntik na naman akong bumigay. “Akala mo lang ‘yon,” sagot ko. “Ang gulo mo talaga. Sa tingin ko kasi ay mahal ka na ni Chairman, eh.” “Hmmm bata pa naman siya kaya magiging madali lang ‘yon. Sa tingin mo ba ay may happy ending kami ni Jericho?” Tinanong ko siya dahil kung ako lang, gusto ko ring magkaroon kami ng forever pero sobrang tayog naman yata ng pangarap ko. Alam ko kasi na maraming hadlang sa aming dalawa kung sakali man. “Kylie, okay ka lang ba?” “Ha? Bakit?” Kunwari ay hindi ko na-gets ang tanong niya pero kanina pa sumikip ang aking dibdib. Tuwing naiisip ko kasi na walang mangyayari sa aming dalawa ni Jericho ay sisikip ang dibdib ko na kahit tanggalin ko pa ang suot kong bra ay hindi ito mawawala. “Mukhang iiyak ka na, eh.” “Sandali lang,” paalam ko kay Marian at muli akong pumasok sa aking silid at doon ko na ibinuhos ang lahat ng sakit. Ang unfair kasi, eh. Binigyan nga ako ng lalaki na may kakayahang iparamdam sa akin kung gaano ko ka-deserve ang mahalin din ng todo, pero bakit si Jericho pa? Bakit iyong mas bata pa sa akin?  Alam ko kasi na hindi papayag ang mga magulang ng lalaki kung sakaling malaman ng mga ito ang tungkol sa amin ng lalaki. Muli akong naghilamos at nag-retouch na rin ako ng lipstick. Paglabas ko ng silid ay parang walang kababalaghang nangyari sa loob ng kwarto kanina. “Tara na,” sabi ko kay Marian. “Sigurado ka ba?” “Oo naman,” sagot ko. Habang nasa biyahe kami ay pinilit ni Marian na pangitiin ako at hindi naman naging mahirap iyon dahil likas na ang pagkakwela ni Marian, eh. Pati si Karla ay nahawa na rin yata sa amin ay bumungisngis din ito. “Saan tayo pupunta?” Nagtanong si Marian at saka ko lang naalala na hindi pala ako nagbigay ng instructions sa kanya kung saan kami pupunta. “Bibili muna tayo ng pagkain pagkatapos ay dumiretso na tayo sa beach. Miss ko ng mag-swimming, eh.” “Mukhang magandang ideya ‘yan,” nakangiti kong sabi. Bumili kami ng dalawang lechon manok at pati na rin kanin. Gusto ko sanang bibili ng preskong isda na siyang iihawin namin mamaya pero nagdalawang-isip ako. “Kapag may madaanan tayong isda, huminto ka ha, bibili ako ng ilang kilo na p’wede nating ihawin doon.” “Masusunod Madam, Kylie.” Paliko na kami sa isang eskinita papuntang beach nang biglang sumigaw si Marian kaya kinabahan ako. Sa sobrang kaba ay hindi na ako nakasigaw nang tumilapon kaming mag-ina. Yakap-yakap ko si Karla habang takot na takot ako sa posibleng mangyari. Ipinagdasal ko ang kaligtasan naming tatlo ngunit nakita ko pang nadaganan ang katawan ni Marian kaya pumikit ako. “Diyos ko!” Narinig ko ang pagsigaw ng ilang tao ngunit ang aking atensyon ay na kay Karla lamang. Walang kamuwang-muwang ang bata sa mga nangyari at ngumiti pa siya sa akin na para bang ikinatuwa niya ang paglipad ng aming katawan. “Baby,” tinawag ko siya at niyakapa ng mahigpit at muli kong tinawag ang Diyos upang siya na ang bahala sa aming dalawa. Nakita ko pa ang pagbuka ng “Mama…,” tawag niya sa akin pero iyon na ang huli kong narinig bago bumagsak sa lupa ang aking katawan at nawalan ako ng malay. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking luha habang nakatitig sa malawak na karagatan. Hiniling ko kay Jericho na dalhin ako sa beach na pupuntahan sana namin upang i-celebrate ang pagka-approve ng annulment, kaya lang ay may nangyaring trahedya na siyang dahilan upang mawala sa akin ang anak ko. “Tahan na, baby.” Nilingon ko ang lalaking nagsalita at pinilit kong ngumiti sa kanya kahit nahihilam sa luha ang aking mga mata. Umingos ako. “Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko, baby. Kung naging maingat lang ang driver na ‘yon, kasama ko siguro ngayon si Karla.” “Shhhh tama na baby, please?” Tumango ako kasi ayokong madamay siya sa aking kalungkutan. “I’m sorry,” sabi ko. “Huwag kang umiyak dito at baka mas lalo pang umalat ang dagat,” nagbiro si Jericho. “Salamat baby. Kung wala ka, ewan ko na lang kung ano na ang nangyari sa akin.” “Kaya dapat lang na huwag kang humiwalay sa akin,” wika ng lalaki. “Oo naman unless may nakamasid sa atin, alam mo na.” Ipinaalala ko sa kanya ang aming arrangement na ilihim na muna sa lahat ang tunay naming estado. Maliban sa aming dalawa, tanging ang mga kapamilya lang namin ay may alam. “Okay lang ba talaga sayo ‘yon?” Hiniling sa akin ng mga magulang ni Jericho na ilihim na muna ang aming relasyon dahil natakot ang ina ng lalaki na makakaapekto ang status ko sa buhay ng kanyang anak. Wala namang problema sa akin ‘yon kasi iyon din ang iminungkahi ko sa lalaki.  Pero inaamin ko na medyo embarrassing sa part ko nang marinig ang mga salitang iyon mula sa mga magulang ng lalaki. Hindi ko mailarawan ang aking naramdaman habang nag-usap kaming dalawa. “Kylie, right?” Bigla akong kinabahan habang naghuhugas ng pinggan nang lumapit ang ina ni Jericho. “Opo,” sagot ko. “Ilang araw na kayo rito ng anak ko, sigurado ka ba na walang nangyari sa inyo ng anak ko?” Boses pa lang ng babae ay sobrang istrikta na kaya kahit sanay ako sa mga matay na kliyente ay para pa rin akong nawalan ng dila sa harap ng babae. “Ay wala po! Hindi naman po gano’n ang anak ninyo, Tita.” “Alam ko, kasi pinalaki ko naman siya ng maayos,” maarteng sagot ng ginang at habang nasa gitna kami ng komprotasyon ay bigla kong naisip kung may inihanda ba ang ginang na isang sobre na puno ng pera. Napangiti ako sa aking imahinasyon ngunit hindi natuwa ang aking kausap. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious tuloy ako dahil baka may dumi sa ilalim ng kuko ko. Bilang pagtugon sa kaartihan niya, ngumiti na lang ako at hindi nagsasalita. “Gusto n’yo pong hiwalayan ko ang anak ninyo?” Diretsahan ko siyang tinanong dahil ayoko ng magmaang-maangan pa. “May sinabi ba akong gano’n?” Istriktang tanong ng ginang kaya mas lalo lang akong kinabahan. “Wala tayo sa telenovela, Kylie upang hilingin ko ang bagay na ‘yon. Pero alam mo namang mataas ang pangarap ng anak ko, di ba? Gusto niyang magtapos with flying colors upang mabilis siyang matanggap doon sa Canada.” Canada? Hindi ko matandaan na nabanggit niya ang kagustuhang mag-abroad pero kung sakali na iyon ang magpapasaya sa kanya, sino ba naman ako para tumutol? S’yempre, hindi ko siya pipigilan sa mga gusto niya. Handa naman akong maghintay kung saka-sakali. “Hindi niya sinabi sayo na aalis siya ng Canada after ng board?” “Matagal pa po ‘yon, graduating pa kasi siya,” sagot ko. Nang magdesisyon akong ibigay sa kanya ang aking puso, naisip ko na rin ang mga posibilidad na magkahiwalay kami. Kung para sa kanyang career, eh di go lang. Wala akong problema doon. Isa pa, sisikapin ko na lang na maging masaya kami sa mga panahong p’wede pa kaming magsama. “Tama ka. Hindi ba iyon magiging issue? Kilala mo naman si Jericho, di ba? Hindi siya titigil hangga’t makuha niya ang gusto niya at isa na roon ang pagiging successful na electrical engineer.” “Support lang po ako kung ano ang gusto niya, Tita. Wala naman pong issue sa akin,” sabi ko. “Magaling. Kasi ayokong mamrublema in the future. I heard na okey na raw ang annulment mo?” Naniwala akong may taynga nga ang lupa at may pakpak ang balita. “Tama po,” sabi ko. “That’s good to hear. At least, hindi mabansagang kabit si Jericho kung sakaling may makakita sa inyo. But I hope na alam mo ang limitation mo, Kylie.” “What do you mean po?” Tinanong ko siya dahil medyo na-confused ako sa sinabi niya. “I don’t think na makakatulong sa kanyang pagtakbo in the future ang ma-link sayo. But anyways, matagal pa naman ‘yon so for the meantime, I hope lang na hindi mo sasaktan si Jericho.”   For the meantime daw. Eh di para na ring sinabi niya sa akin na hindi kami magtatagal ng anak niya. “Hindi ko naman siya kayang saktan,” sagot ko naman. “Mabuti naman kung gano’n. O ano, kunin mo na ang mga gamit mo at uuwi na tayo. Ayokong makarating pa sa kapatid ko na nagdala ng babae si Jericho dito,” sabi niya. “Pasensya na po kayo,” sabi ko. “Okay na. Ipinaliwanag na ng anak ko ang lahat. May pakiusap sana ako sayo, Kylie.” “Ano po ‘yon?” “Itago n’yo muna ang inyong relasyon fo the time being,” sabi niya at dahil nagulat ako sa aking narinig, hindi ako nakapagsalita kaagad. Ganunpaman, iyon din naman ang iminungkahi k okay Jericho. Kasi kahit annulled na ang kasal namin ni Brent, sa tingin ng karamihan ay may-asawa pa rin akong tao. “Makakaasa po kayo,” pangako ko sa kanya. “Salamat,” sabi niya sa akin at nakita ko sa mga mata ng babae na sincere ito. Naintindihan ko naman kung bakit niya sinabi iyon at pareho naman kami ng hangarin; ang huwag masira ang pangalan ni Jericho. “Mahal ko po siya Tita kaya wala kang dapat ikatakot sa bagay na ‘yan.” “Wala namang problema sa akin kung naka-private lang tayo. Kaya huwag ka ng mabahala sa feelings ko. Ito naman ang gusto ko simula noon,” sabi ko sa kanya. “Ang swerte ko talaga sayo,” sagot ni Jericho na ikinatuwa naman ng aking puso. Nakakataba kasi ng puso ang masabihan na maswerte raw siya at nakilala ako. Well, narinig ko naman iyon dati kay Brent pero kapag ano lang, iyong may ibibigay ako sa kanya tulad ng mamahaling sapatos, o di kaya ay bagong cellphone.  “Mas maswerte kaya ako dahil ang bait mo at sobrang maaasahan pa!” “Sinabi mo pa!” At dahil sa pagiging bibo ni Jericho ay sandali kong nakalimutan na nag-emote pala ako kanina. “Basta love na love kita, baby.” “I love you,” sabi niya at saka siya nagnakaw ng halik. Mabilisan lang dahil nasa public kaming lugar. “Hindi ka na ba ginulo ni Brent?” Nang marinig ko ang pangalan ng aking dating asawa ay kaagad akong nanginig sa takot. Hindi naman kasi biro ang ginawa ng lalaking iyon sa akin noong minsa’y nagpunta ito sa bahay. Inakala ko talaga noon na iyon na ang aking katapusan. Mabuti na lang talaga at hindi ko pa oras upang pumanaw. Hinatid nila ako sa bahay at gusto ko sanang mag-goodbye kiss kay Jericho pero nakatuon lang palagi sa amin ang atensyon ni EJ kaya walang pagkakataon. “Baby, call and text mamaya ha,” paalala ko sa lalaki. “Yes baby. Gusto mo bang ihatid kita sa loob ng bahay mo?” Tinanong ako ni Jericho at sabay kindat. Iningusan ko lang siya dahil alam ko naman na hindi p’wede iyon. May bantay siya, eh! “Huwag na. O paano, bye na muna sa inyong dalawa,” sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan. “Bye baby. Later ha,” tawag ni Jericho at tumango lang ako. Nang makaalis ang dalawa ay hindi ako kaagad pumasok sa bahay at hinintay ko munang mawala sa aking paningin ang sasakyang dala ni Jericho. Napabuntonghininga ako habang kinuha ang susi mula sa aking bag. Nahihibang na nga siguro ako dahil nami-miss ko na siya kaagad. Nang mabuksan ko ang pintuan, kaagad na akong pumasok. Madilim ang paligid kaya kinapa ko ang switch ngunit bago ko pa mabuksan ang ilaw, biglang may nagsara ng pintuan. Kaagad kong pinindot ang switch at bumungad sa aking harapan ang lalaki na naging parte na ng aking nakaraan. “Brent! Ano’ng ginagawa mo rito?” Tinanong ko siya habang inabot ang siradura ng pintuan upang buksan ito. “Umalis ka na ngayon din!” Binalaan ko siya ngunit tiningnan lang niya ako. “Iyon pala ang bago mo!” Sabi niya na parang may ibig ipahiwatig. “Labas ka na do’n kung ano man ang gagawin ko sa aking buhay. Wala na tayong kinalaman sa isa’t-isa kaya umalis ka na!” Tumaas ang aking boses dahil hindi niya kasi ako naintindihan. Kanina ko pa sinabing umalis na siya pero hindi pa rin ito sumunod. Pagkuwa’y, ngumisi lang ito na parang hayop at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Umatras ako ngunit saan ba ako tatakas eh sarado nga ang pintuan. Kung sisigaw ako, may tsansang marinig ako ng kapitbahay pero ilang metro din kasi ang layo nito mula sa akin.  “Na-miss mo lang siguro ang mga yakap ko kaya ka naghanap ng iba, di ba Kylie?” “Nahihibang ka na Brent!” “Nahihibang na nga siguro ako dahil ngayon, wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang mapasa’kin kang muli. Una kang naging akin, Kylie kaya babawiin kita!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Brent ngunit pagkatapos noon ay parang mas naging siraulo pa ang lalaki. Bigla niya na lang akong hinablot at niyakap ng sobrang higpit. Nagpumiglas ako ngunit mas malakas siya sa akin at amoy alak din siya. “Akin ka lang!” Paulit-ulit niyang sabi sa akin bago bumaba ang kanyang bibig sa aking dibdib. Kinilabutan ako sa nangyari kahit na naging asawa ko siya dati kaya itinulak ko siya. Ang  problema, para siyang bato sa sobrang tigas at lakas. Hindi ako makawala sa kanya kaya nagsimula na akong mag-panic. “Akin lang to dapat,” sabi niya at walang-awa niyang pinunit ang suot kong polo. “Brent, ano ba?” Pilit kong itinakip sa aking katawan ang nasirang damit ngunit muli niya itong hinablot hanggang sa tuluyan nang nagsiliparan ang mga butones. “Tumigil ka na!” Sinigawan ko siya ngunit parang sabog na sabog ang lalaki kaya mas lalong nangatog ang aking tuhod. Dalangin ko na maisipan ni EJ na i-deliver kaagad ang aking inorder na groceries. “Akin lang ‘to!” Napasinghap ako sa sobrang gulat nang bigla niyang dinakma ang aking dibdib at nang maramdaman ko ang kanyang kamay na pilit pumasok sa loob ng aking pantalon, sumigaw ako. Isang sigaw na naputol dahil bigla akong bumagsak sa sahig kasama si Brent!   “Help me!” Dalangin ko sa Maykapal nang hindi na ako makagalaw dahil sa katawan ng lalaking nakapatong sa akin. Narinig kong tumunog ang aking cellphone at alam kong si Jericho ang tumawag dahil may usapan kami. “Baby,” bulong ko sa hangin dahil hindi ko naman kayang abutin ang bag na tumilapon kanina. “Huwag na lang nating pag-usapan si Brent,” pakiusap ko kay Jericho dahil tataas lang ang BP ko kapag palagi kong maririnig ang pangalan niya. “Bakit?” “Maiinis lang ako! Biruin mo, kung hindi siya nag-pass out sa sobrang kalasingan, baka kung ano pa ang nangyari sa akin. My god, kinilabutan ako!” “Mabuti na lang talaga at nag-deliver ako ng groceries kahit gabi na,” saad ng lalaki. “Sinabi mo pa! Pero akalain mo, nakaligtas ako mula kay Brent, pero hindi naman ako nakaligtas mula sa kamandag mo,” nakangiti kong sabi nang maalala ang gabing ‘yon. Muntikan na talaga akong magahasa ni Brent. Mabuti na lang at dumating si Jericho at narinig nito sa labas ang aking paghingi ng tulong. Bugbog sarado si Brent pero pagkatapos ng nangyari ay sabay kaming umalis ni Jericho. Nagtungo kami sa seawall at nagkukwentuhan hanggang sa may nangyaring hindi inasahan. “Ako ba ang nag-request na gawin ‘yon?” Biglang nag-init ang aking pisngi nang maalala kung paano ko kinumbinse si Jericho na tulungan akong kalimutan ang mga ginawa ni Brent…pansamantala! “By the way, kailangan ko ng bumalik sa city,” sabi ko kay Jericho kasi hindi naman p’wede na tatanga-tanga lang ako. Kailangan kong magtrabaho muli upang matustusan ang mga pangangailangan ko. “Kailan?” “Bukas sana,” sabi ko. “Bukas na? Hindi ba p’wedeng hintayin nating matapos ang summer break? Sasabay na sana ako pero hindi pa ako papayagan ni Mama na umalis bukas.” “Dito ka na lang muna,” sabi ko sa kanya kasi magiging busy din naman ako kapag nasa city na ulit ako. “Paano na tayo?” Nagtanong siya. “LDR muna,” mungkahi ko sa kanya at kaagad na nalukot ang mukha ng binata. “Huwag ka ng malungkot, may sss naman at cellphone. Tatawagan kita palagi kahit anong oras na gusto mo. Basta i-text mo lang ako kapag wala kang klase.” “Ayoko,” sabi niya at hindi ako pinayagang umalis. “Ayokong umalis ka bukas kasi mami-miss kita ng sobra pero naintindihan ko naman na kailangan mong maghanap ng trabaho. Basta mangako ka sa akin baby na hindi mo ako ipagpapalit sa iba.” “Ha? Ipagpapalit kita? Kanino naman? Napaka-bobo ko naman kung maghahanap pa ako ng iba, eh para sa akin kasi ay perfect ka na. Hindi lang sa pisikal na anyo kung hindi sa lahat ng bagay. Mabait, masunurin sa magulang, may pangarap sa buhay, at mahal na mahal ako. Ano pa ba ang hahanapin ko sa iba? Kung hitsura lang, sumobra ka na nga sa kagwapuhan eh, at may sampong abs pa!” “Walo lang,” sagot niya. “Next week na lang ako aalis para may sapat pa tayong oras upang sulitin ang isa’t-isa!” Bumulong ako sa kanya at kaagad na napaigtad ang lalaki. “Kiss,” sabi niya. “Sige,” at pumayag na rin ako ngunit bago ko nagawa iyon ay namataan ko si Brent sa di kalayuan.              

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook