“I’m Ares Altieri, and you are?”
“Malinis ka ba?” direkta niyang tanong.
Umawang ang mapulang mga labi ng binata. Hindi nito inaasahang marinig mula sa mga labi niya ang mga katagang kabibigkas niya lamang. “I’m not sure if I heard you right—”
“Tama ang narinig mo,” aniya, pinatuwid ang anyo ng mukha. Nais niyang ipabatid dito na hindi siya nagbibiro lang.
Matagal na tumitig sa mga mata niya ang binata, na tila inaarok kung tama ba talaga ang narinig nito. Tapos ay umalsa ang sulok ng mga labi nito. He couldn’t decide whether her words amused or surprised him.
Napasinghap si Trinidad nang dumulas ang kamay ng lalaki sa baywang niya, tumungo sa ibabang likod niya at dumiin sa bahaging iyon. Ramdam niya ang init ng palad nito sa balat niya kahit may suot pa siyang damit.
This man didn’t just look hot—his skin was hot, literally.
Yumuko ito at inilapit ang mga labi sa tapat ng kanang tainga niya. “Why would you ask me that? Care to explain?” His voice had a s*xy rasp in it. Naghahatid ng masarap na kilabot sa mga kalamnan ni Trinidad.
“Dahil gusto kita. Masarap ka sa mata. At… at gusto ko rin ang hulma ng katawan mo—matikas.” Mas lalo pa niyang pinalagkit ang paraan ng pagtitig niya sa binata.
Kumislap ang pinaghalong pagkaaliw at pagkamangha sa bola ng mga mata nito. “I’m starting to like you, Miss,” bulong nito. “Diretsuhin mo nga ako, gusto mo bang may mangyari sa atin? Because If you’re seducing me, I’m not going to resist,” prangka nitong dugtong. “Pero kapag kinagat kita, dapat ay kagatin mo rin ako pabalik. Dahil kapag umiwas ka pagkatapos mo akong akitin, hindi ko magugustuhan iyon. If you’re acting aggressive here but would pull away when I start to bite, I’d be really pissed off. So, answer me—do you want us to end up in bed tonight?”
Tiningnan niya sa mata ang kaharap. “Titigan mo ako sa mata, makikita mo ang sagot sa tanong mong iyan.”
“Your eyes are telling me that you want me to throw you on my bed and f*ck you hard. Tama ba ang interpretasyon ko sa kislap na pumupulso sa mga mata mo? Please, don’t tell me I’m wrong. I don’t want to get disappointed.” Nakakaloko ang malagkit na ngising nakapaskil sa mapula nitong mga labi.
“I’d like to say you’re wrong just to see the disappointment on your face. Pero ayaw ko nang aksayahin ang oras natin sa mga biro at panunukso. Kaya makinig ka…” Tumingkayad siya upang maabot ng mga labi ang tapat ng tainga nito. Siya naman ang bumulong sa binata. “Gusto kong ihagis mo ako sa kama at angkinin nang buong igting.”
Napahugot ng hangin si Ares. Napapantastikuhan ito sa kaniya. Inangat nito ang kabilang kamay. The back of his hand touched her cheek and it burned against her skin. Pakiwari niya ay pareho na silang nag-iinit na dalawa, hindi pa man sila opisyal na nagsisimula.
“I’m clean,” anas nito, seryoso ang tono ng tinig. “At ikaw?”
“This is my first time,” walang gatol niyang wika.
Bahagyang umangat ang magkabilang kilay ng lalaki. “A virgin.”
“Ayaw mo ba sa mga walang karanasan?” tanong niya.
“Okay lang sa akin, but…” Bumaba ang mainit nitong titig sa ibabang katawan niya. Sa puson niya at pababa pa.
Titig pa lang ni Ares, kumibot na ang pagkab*bae niya.
“…but I’m huge, Miss. Baka mapaigik at mapasigaw ka sa akin.”
“Di halikan mo ako, para hindi mo marinig ang mga tunog na galing sa labi ko,” matapang niyang sabi.
The man chuckled. Alam ni Trinidad na kuhang-kuha na niya ang buong interes nito. Hulog na hulog ito sa lambat niya. She knew he wanted to taste her now, to possess her, to f*ck her.
“You are very interesting,” komento nito.
Bingo! Napangiti siya nang malapad. “Alam ko,” tugon niya sa binata. Yumuko siya sandali, nirolyo pataas ang laylayan ng suot niyang bestida hanggang sa makapa niya ang thigh garter sa kanang hita niya.
Napasipol si Ares, nakasunod lang ang mainit nitong tingin sa bawat kilos ng mga kamay niya. Napasipol din ang mga kaibigan nito—sipol na nabitin sa hangin nang lingunin ang mga ito ng binata at pukulin ng masamang tingin. Ora-orada ang ginawang paglipat ng tingin ng mga ito sa ibang direksiyon.
Mula sa thigh garter ay kinuha ni Trinidad ang nakaipit na papel. Inabot niya iyon sa kaharap. “Ito ang resulta ng eksaminasyon sa akin. Nakasulat diyan na intact pa ang hymen ko. Ahm, siyempre hindi iyan solidong basehan ng pagiging buo ng pagkab*bae ng isang tao. Pero bahala ka na kung maniniwala ka o hindi,” aniya. “Nakasaad din diyan na wala akong sekswal na sakit.”
Nagkorus ang pagsinghap ng dalawang kaibigan ni Ares. Parehong puno ng paghanga ang tinging ipinagkakaloob sa kaniya ng mga ito. Nasa kaniya na pala ulit ang atensiyon ng dalawa.
Muli, sinibat ni Ares ang mga ito ng tinging hindi natutuwa.
“Wala kaming nakita, wala kaming narinig,” sabay na wika ng mga ito.
Mabilis na ibinalik ni Ares ang tingin sa kaniya. “I have been invited to bed by women before, but you’re the first to show me a document like this.”
“Ipinapakita ko iyan dahil magdi-demand din ako ng resultang kapareho niyan galing naman sa iyo.”
The man chuckled. “You’re really good.”
“Hindi ako m************k sa taong baka magbigay pa sa akin ng nakakahawang sakit.”
“Then why don’t you just sleep with your boyfriend, hmm?”
Tumikwas ang mga kilay niya. “Kung may nobyo ako, sana ay wala ako rito ngayon. Kung may boyfriend ako, hindi na dapat ako nakatayo sa harapan mo.”
“To be honest, I’m glad you’re not someone else’s woman yet. You’re too good to pass up.” Kumislap ang mga mata ng binata. Hinugot nito ang cellphone mula sa bulsa ng suot na pantalon at may tinawagan. “Send me the result of my complete annual check-up. Now,” anito sa kausap, pero sa kaniya pa rin nakatitig.
Wala pang isang minuto ay tumunog na ang aparato nito. Tiningnan nito ang screen upang masigurong ang mensaheng dumating ay ang mensaheng hinihintay nito. Binuksan nito ang file na naka-attach sa email at ipinakita sa kaniya. “This is my comprehensive annual check-up, including the results of my STI (s*xually transmitted infections) testing.”
Hindi nakuntento si Trinidad na pagmasdan lang iyon kaya hinawakan niya ang phone ng binata at isa-isang binasa ang mga nakasulat sa annual check-up nito kasama pati ang STI testing. “Bakit nagti-test ka for STI? Baka kung sinu-sinong babae na lang ang kinakama mo?”
Natawa ang lalaki. “Hindi ako hayok sa laman, Miss. When it comes to s*x, I make sure I’m not careless. At ang tungkol sa test na iyan, I just want it included in my comprehensive annual check-up because I can afford it, and simply because I can. I don’t see anything wrong with that.”
Napatangu-tango siya. “Mukhang okay ka naman.”
“Pasado ba?”
“Puwede na.” Biglang may naalala ang dalaga. “Sandali, muntik ko nang makalimutang itanong sa iyo kung single ka ba o may asawa na?”
“Well, there’s no way I can show you my ‘Certificate of No Marriage’ right now, but you can see my civil status in the patient information from my annual check-up. I am single.”
Tingin ni Trinidad, nagsasabi naman ng totoo si Ares kung ang pagbabasehan ay ang ekspresyon sa mukha nito. “Okay.”
“Now that we both know we’re single and clean, want to test our compatibility?” tanong ng binata sa kaniya.
“Paano?”
“Magsimula tayo sa halik,” suhestiyon nito.
“Dito?”
“Do you dare? If we kiss now, we won’t be the only pair kissing.”
Napalingap sa paligid si Trinidad, may mga pareha ngang mapusok na naghahalikan. Nagkibit-balikat siya. “Sige.”
“Payag ka?” paniniyak ni Ares.
“Bakit hindi? Sabi mo nga, hindi lang tayo ang magkahugpong ang mga labi rito kung sakaling gustuhin nga nating maghalikan.”
“I like you,” anas nito, ang lalim ng malagkit na ngiti sa mga labi nito. His finger went under her chin and pushed her face up. Kasabay ng pagbaba ng mukha nito sa kaniya ay ang pagkuyom ng kamay nito sa ibabang kurba ng likod niya.
At muntik na siyang mapaungol nang maramdaman ang mainit na labi ng binata. Ang bango ng hininga nito. The taste of his saliva was clean, mixed with a slight hint of alcohol.
“Open your mouth wider,” bulong nito sa bibig niya.
Ginawa naman niya. Mas ibinuka niya ang bibig. Mabilis nitong ipinasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. His tongue teased and tickled the inside of her mouth, reaching the back of her throat. Magaling itong humalik. Mainit. At nalulusaw siya sa mga bisig nito. Kung hindi pa nakahawak ang isang kamay nito sa likod niya, baka kanina pa siya dumausdos.
Pakiwari niya ay nawalan din ng lakas ang mga binti niya.
Their kisses became hotter and more aggressive. They groaned and moaned against each other’s mouths. He pulled her tongue into his mouth, sucking intensely. He also bit her lower lip just enough to make her moan. It wasn’t distractingly painful, but that deliberate bite definitely made her wet.
Aaminin niya, halik pa lang, tostado na kaagad ang utak niya.
And she wanted more.
Base sa mga kilos ng binata ay mukhang gusto rin nitong ipagpatuloy ang ginagawa nila hanggang sa maabot nila ang dako pa roon—ang rurok ng nasasabik at naglulumiyab na apoy.
Nang sa wakas ay pakawalan nila ang labi ng isa’t isa, nakita ni Trinidad na laglag ang panga ng dalawang kaibigan ni Ares. Kulang na lang ay tumulo ang laway ng mga ito at lumuwa ang mga mata.
Lihim na lang siyang napailing.
Nagulat siya nang pisilin ng binata ang baba niya at muling i-angat ang kaniyang mukha upang maghugpong ang kanilang mga mata. “Sa akin ka lang tumingin, Miss. Don’t look at them,” anito.
Napangisi siya. “Okay,” tango niya.
“What we just did was… really great. Let’s get out of here. Gusto na kitang masolo,” anas nito. May bakas pa rin ng hindi pa naapulang apoy sa baritonong boses ng binata. He was h*rny, she could tell. Binuhay niya ang apoy sa katawan nito.
“Gusto mong ituloy natin?”
“There’s no way we’re stopping here.” Hinaplos nito ang leeg niya. “You’re like a little swallow bird that has landed on my hand. I can’t let you just fly away. You chose me, so I’ll make you mine.”
“Hindi mo pa nga ako natatanong kung ano ang pangalan ko,” aniya.
“Ah, yes. Puwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?”
“Trinidad. Trinidad Aloncia.”