CHAPTER 1
Dalawang pulang linya.
Buntis siya.
Napabuga ng hangin si Trinidad, na sinundan ng pagdulas ng mahabang ungol mula sa bibig niya. Nasa loob siya ng banyo nang mga sandaling iyon, nakaharap sa malaking salamin sa tapat ng lababo. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test. Tila nakikipagtitigan pabalik sa kaniya ang dalawang pulang guhit.
Hindi siya makapaniwalang nagbunga ang maiinit nilang pagtatalik ni Ares Altieri sapagkat gumagamit naman sila ng proteksiyon. Isa pa, wala silang opisyal at pormal na relasyon. Nagkikita lang sila para punan ang pisikal na pangangailangan at pahupain ang init ng katawan ng isa’t isa.
Pareho naman na silang nasa wastong gulang. Ares was in his thirties, while she was in her mid-twenties. Limang taon ang tanda nito sa kaniya, pero magkasundung-magkasundo silang dalawa—na tila ba iisa ang hulma ng kanilang mga utak at pareho ang daloy ng kanilang pag-iisip.
Hindi lang ang utak nila ang magkasundo, kundi maging ang mga katawan nila. They were compatible in bed—she liked the way he pleasured her, and he liked how she writhed beneath him. Halos identikal din ang gana nila sa kama.
Nakilala niya ang binata nang panahong gusto na niyang matikman ang luto ng langit. Gusto na niyang malasap ang ikapitong glorya. Nais niyang maranasan kung paano tumirik ang mga mata niya dahil sa ibayong sarap.
Napasandal si Trinidad sa malamig na dingding ng banyo at binalikan sa isipan ang unang pagkukrus ng landas nila ni Ares Altieri…
Club Axis, Santa Barbara branch.
Itinulak pabukas ni Trinidad ang pinto ng club. Kaagad na tumambad sa mga mata niya ang patay-sinding ilaw. Laser and strobe lights pulsed rhythmically, washing over the entire place. Maliban sa mga pumupulsong ilaw ay agaw-pansin din ang mga usok na humahalo sa hangin, pero balewala lang niyang pinalis ang mga napupuntang usok ng sigarilyo sa dako niya.
Hindi iyon ang unang pagtapak ng mga paa niya roon. She had been to high-end bars and clubs more times than she could count. Subalit tuwing nagtutungo siya sa mga ganoong lugar, wala siyang ibang ginawa kundi ang maupo sa bar counter at uminom ng ilang bote ng alak. Umuuwi rin kaagad siya.
A few bottles of beer were all she needed to relax a little. Ngunit ngayon, iba ang pakay niya sa pagtungo roon.
Today was her birthday. Araw ng kaniyang kapanganakan. Bente-singko anyos na siya. And she wanted to dip her feet into the forbidden stream of Eden. Ibig niyang ilubog ang mga paa sa batis ng pagn*nasa.
Walang mabigat na dahilan. Hindi katulad ng mga palabas na napapanood niya—hindi niya kailangan ng pera, hindi sya baon sa utang, wala siyang nag-aagaw buhay na kamag-anak sa ospital, wala siyang matrikulang dapat na bayaran, walang umaapi sa kaniya. Gusto lang talaga niya. Iyon lang iyon. Hindi naman siya konserbatibo. Bukas ang utak niya sa ganoong bagay.
Inilingap ni Trinidad ang tingin sa paligid. Siksikan ang mga tao sa loob ng bar. Maraming katawan ang walang-tigil na umiindayog sa saliw ng maharot na musika. Nagkikiskisan ang mga nagpapawis na balat.
Humakbang siya. Hinawi niya ang mga kumpol ng tao, kinikilatis ang mga mukhang nadaraanan ng kaniyang paningin. “May mahahanap kaya akong tao rito na magbubukas sa makipot na puwerta ng pagkab*bae ko?” mahina niya tanong sa sarili.
Natawa siya. Hindi niya akalaing darating ang araw na iyon. She felt like a bad girl, but if wanting ‘it’ was wrong, then forgive her soul—because she was going to sin tonight.
Sa muling paglulumikot ng mga mata niya ay nahagip niya ang dulong mesa. The table was wider than others, and the sofa was upholstered in high-end black leather. Sa ibabaw ng mesa ay maraming mamahaling bote ng alak at mga kristal na baso. May crystal ashtray din na puno na ng upos ng sigarilyo. Tatlong kalalakihan ang umuukupa sa naturang mesa, ngunit ang lalaking nakaupo sa pinakagitna ang nakakuha sa interes niya.
Unang-una niyang tiningnan ang mga kamay nito, tiniyak na wala itong suot na wedding ring sa palasingsingan. She had zero intention of getting involved with a married man. Umigkas pataas ang mapula niyang mga labi nang makitang wala itong suot na singsing sa daliri nito. Alam naman niyang hindi sapat na basehan iyon para bumuo ng solidong konklusyon na malaya ito at wala pang asawa. Di bale, mamaya ay aalamin niya ang marital nitong estado.
Sinuri niyang mabuti ang imahe ng lalaki. Matangkad ito, batid niya, dahil kahit nakaupo ito ay mas mataas ang lebel ng mga balikat nito kumpara sa mga kasama. Mas angat din ang linya ng mga tuhod nito, kaya nobenta porsiyento ay mahaba ang mga binti nito.
Mestizo ang binata. Kahit madilim ay naaaninag niya ang kulay ng buhok nito—almond brown. May aristokratong ilong. Matangos iyon at manipis. Ang mga labi nito ay maganda rin ang hugis. Ang mga mata nito ang hindi niya mabistahan nang maigi sapagkat bahagya itong nakayuko.
Nagsalubong ang mga kilay ni Trinidad. Gusto niyang masilip ang mga mata ng estranghero. Nais niyang malaman kung bagay ang hugis ng mga mata sa kabuuan ng mukha nito. Inabangan niya ang pag-angat nito ng tingin. And when he finally did, his gaze happened to be directed toward her. Sa dako niya ito tumingin kaya naghugpong ang mga mata nila.
“Ang gandang mga mata,” wala sa loob niyang anas.
The shape of his eyes and the intensity of his gaze perfectly matched the silent arrogance of his brutally gorgeous face. Kahit may pagkaarogante ang mukha nito ay hindi maitatangging taglay nito ang isang mukhang kayang akitin ang sinumang babaeng matitigan nito nang matiim.
Nakita niya ang pagkiling ng ulo at ang pag-alsa ng mga labi nito. Hindi nito binawi ang tingin, hindi rin siya nag-iwas ng mukha. Kahit nang iangat nito ang kristal na baso at dalhin iyon sa mga labi ay nakapako pa rin sa kaniya ang mainit nitong titig. His eyes never left her, watching her over the rim of his glass while he sipped from it.
Hot.
Iyon ang salitang nabuo sa loob ng utak ni Trinidad.
Mainit ang pagdidikit ng mga tingin nila. Parang gusto siya nitong hilahin palapit, at tila nais niya ring tumakbo papunta rito. Gayunman ay walang may gustong unang kumilos. The man obviously knew how to play this game. He wasn’t new to this. He knew exactly how to stare at a woman to arouse her interest.
Siya naman ay bago sa larong iyon. But she wasn’t naïve. Alam niyang interesado ito sa kaniya. Hindi siya manhid para hindi makita ang malapot na kislap na sumibol sa mga mata nito habang patuloy na nakatitig sa kaniya.
Pinaghandaan niya ang gabing iyon. Ang maikling bestidang suot niya—na walang manggas kaya litaw ang magandang hugis ng kaniyang mga braso at balikat—ay hindi pa umabot sa gitna ng hita niya ang dulong laylayan. Yumayapos iyon sa hugis ng kaniyang katawan. Gawa iyon sa seda na kung hahaplusin ng kamay ay senswal lang ang magiging pagdulas ng palad sa tela. Ang suot niyang itim na bota ay may tatlong pulgadang takong.
Her face was heart-shaped, with clear skin and a faint blush on her cheeks. She had a straight nose and full lips. Ang mga mata niya ay kulay tsokolate at may matapang na kislap ang nakapaloob sa mga iyon.
‘Come here,’ the man mouthed at her.
Tumikwas ang mga kilay ni Trinidad. Pinapalapit siya nito. Hindi niya ito binigo at sinimulan niyang ihakbang ang mga paa patungo sa direksiyon ng binata.
Nang makita nitong naglalakad na siya palapit dito ay kampante nitong inilapat ang likod sa sandalan ng sofa. Lantaran na rin ang ginawa nitong paghagod ng mainit na tingin sa kabuuan niya. And the way his eyes pulsed, she knew he was satisfied with what he was seeing. Gusto rin talaga siya nito.
Huminto siya sa harapan ng mesa ng mga ito.
Natigilan at napanganga kaagad ang dalawang lalaking kasama ng binata. Nakita niya ang pagkislap ng paghanga sa mata ng mga ito nang matitigan siya. I-aangat sana ng isa sa dalawa ang kamay nito upang makipagkilala sa kaniya, subalit mabilis na nagsalita ang binatang gusto niya.
“She’s here for me,” anas nito, puno ng katiyakan ang baritonong boses. The tone of his voice was also possessive. Hindi nito pinutol ang paghuhugpong ng mga mata nila.
Maging ang timbre ng tinig nito ay naghatid ng masarap na kilabot sa gulugod ni Trinidad. She liked his voice—very masculine… deep and smooth. Nangrarahuyo.
“Magkakilala kayo?” manghang tanong ng katabi ng binata.
Imbes na sagutin ang tanong na iyon ay tumayo lang ito. Hindi na nagulat ang dalaga nang makumpirmang matangkad nga talaga ito. In-expect na niya iyon. Lumapit ito sa kaniya hanggang halos gahibla na lamang ang nakapagitan sa kanila.
“I’m Ares. Ares Altieri.”