Umangat ang kamay ni Trinidad, dumiin ang dulo ng mga daliri niya sa tapat ng kaniyang dibdib. Halos lumubog ang mga iyon sa tela ng kaniyang damit, at kung puwede lang tumagos ng mga iyon sa kaniyang balat ay kanina pa siguro nakabaon ang kuko sa sentro ng puso niya. Nag-angat siya ng mukha at tumingin sa dulong parte ng pasilyo. Nagdidilim ang buong paligid sa kaniyang paningin, tanging ang daan palabas na lamang ang nananatiling maliwanag. Kailangan na niyang makaalis sa lugar na iyon sapagkat para siyang pinangangapusan ng hangin. Tila siya nalulunod. Sa kabila ng pangangatog ng mga tuhod niya ay pilit niya pa ring tinatagan ang paglalakad. Bawat hakbang niya ay mabigat, mahirap, pero kinakaya niya. Nang matanawan niya ang exit, halos takbuhin na niya iyon. Pagdating sa labas ay

