CHAPTER 50

1463 Words

Sa malamig na marmol na sahig ng silid, nakalatag ang pagal at nahahapong katawan ni Ares. Tahimik siyang nakahiga roon. Ang kisame at ang puting ilaw ang nakatitig pabalik sa kaniya. Hindi na niya alam kung gaano katagal na siyang hindi gumagalaw, o kung gaano na siya katagal na nakahiga lang doon. He didn’t want to move. And if breathing weren’t necessary, he wouldn’t even breathe. Ang mga emosyon sa dibdib niya ay parang kumunoy na tuluyan nang lumamon sa kaniya. Hindi na niya alam kung paano pa aahon… o kung makakaahon pa ba siya. Ang kirot sa dibdib niya ay mas nanunuot sa pinakailalim. The pain and tightness in his chest—could it be because… …he had already fallen in love with her? Mahal na ba niya si Trinidad? Hindi niya alam kung ano ang tamang sagot sa tanong na iyon. Isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD