CHAPTER 13

1458 Words

“Sir, I’ve booked a VIP room for you at Gaston Hotel,” anang EA ni Ares. Bukod sa pagiging assistant sa opisina ay ito rin ang tumatayong kanang kamay niya sa lahat ng bagay. Kaya hanggang Santa Barbara ay kasama niya ito. Nakaupo ang lalaki sa unahang upuan ng sasakyan samantalang siya ay nasa backseat at hindi mapakali ang kalooban habang nakatanaw sa labas ng bintana. He stared out the window of the car, but everything outside was nothing more than a blur of colors. Walang maayos na rumerehistro sa utak niya. “Pero tinawagan ko na rin po ang caretaker ng bahay mo rito. The house should be clean and ready by tomorrow,” dagdag ng EA. May binili nang bahay at kotse sa Santa Barbara si Ares. Hindi nga lang sila nagkikita roon ni Trinidad dahil mas madalas silang nagchi-check in sa hotel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD