HUMABA ang nguso ko at malalim na bumuntong hininga. Nagpangalumbaba ako at nagbaba ng tingin sa hawak kong libro. Wala sa sarili kong inililipat ang pahina nito na tila pinaglalaruan lang. Nang magsawa sa ginagawa, tumingin ako sa glass wall. Marami naman akong nakikitang tao roon. Naririto rin ang mga empleyado ko sa coffee shop. Pero kahit na gano'n, pakiramdam ko ay nag-iisa pa rin ako. May presensiya pa rin akong hinahanap-hanap. "Ma'am Belle." Nawala ang atensiyon ko sa labas nang marinig ang pagtawag sa akin ni Jennie. Ngumiti ito nang magtama ang paningin namin. "Itatanong ko kang po sana kung anong tanghalian mo ngayong araw? Kami na po ang o-order." Nawalan ako ng imik at napaisip. Pero sa huli, umiling ako. "Huwag na lang siguro. Wala akong ganang kumain ngayong araw." Na

