I LOOKED at the things in front of me, checking if I missed anything. Nang matantong kumpleto na ang mga dadalhin ay isa-isa ko na 'yon binitbit. Bahagya pa akong nahirapan sa paglabas ng condo ko. Pareho kasing may hawak ang dalawang kamay ko; sa kanan, bitbit ko ang dalawang box ng cupcake at cookies. Sa kaliwa naman ay ang coat hanger bag kung saan ko inilagay ang coat ni Kuya Enrique na ipinahiram niya sa akin. I always forgot to bring it back to him. At ngayong araw, wala naman ako masyadong gagawin kaya naisipan ko ang dalhin na ito sa kanya. I texted Kuya Enrique earlier. Ayon sa kanya ay nasa kompanya siya ng mga magulang niya kaya naisipan kong doon siya sadyain. Nang makarating sa kotse ay binuksan ko ang backseat para doon ilagay ang mga dala. Sumakay na rin agad ako nang ma

