"ARE you okay, Kuya Enrique?" tanong ko nang hindi na napigilan ang sarili. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng byahe. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya umiimik. Nakita ko siyang tumango lang. Ni hindi man lang nag-abalang magsalita o sulyapan ako ng tingin kahit saglit lang. "You're not talking." He blew a loud breath. "I'm driving. I have to focus." Tila gustong umikot ng mga mata ko sa narinig na tugon niya. Sumandal ako sa inuupuan at humalukipkip. "Ikaw? Bakit hindi ka magkuwento?" biglang sabi niya. Akala ko ay mananahimik na siya. "Ano naman ang ikukuwento ko?" tila nagmamataray ko nang tanong. Parang naiinis ako sa hindi ko malaman na dahilan. He shrugged his shoulders. "Like... what did you and my brother talk about?" Tumamad ang mukha ko. "There's nothing special. He just

