"I'M really sorry for what happened last time, Belle." Ngumiti ako at umiling. "No, it's okay. You don't have to say sorry, Tita Lucy. Ako nga ang dapat humingi ng tawad dahil nagpunta ako nang walang paalam sa bahay nyo. I should have texted you first to inform you." Ngayong araw, inimbitahan ako ni Tita Lucy para lumabas. At hindi maiwasang pag-usapan namin ang nangyaring aksidenteng pagkikita namin nina Drake at Felicia nitong nakaraang araw. Sa pagkakataong ito, siya naman ang umiling at napuno ng pag-aalala ang mukha. "Tell me, Belle. Are you okay? Nagkita kayo ng anak ko... at alam naman natin kung anong nangyari sa inyo noon. That's why I'm worried about you." Hindi agad ako nakaimik kay Tita Lucy at naisip ang nangyari nang araw na 'yon. "Sa totoo lang po, akala ko rin dati a

