Chapter 37 - Hangover

2103 Words

SAPO-SAPO ko ang ulo nang kapain ang phone ko sa gilid ng kama. Kanina ko pa naririnig ang pagtunog nito. "Hello..." inaantok ko pang sabi sa kabilang linya nang sagutin na ang tawag. "Open the door. I'm here." Napadilat ako sa narinig. Tila biglang nawala ang antok ko. "What?" tanong ko, naninigurado. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Nandito ako sa labas ng condo mo." Tuluyan nang umawang ang bibig ko sa pagkabigla. Bumalik lang ako sa sarili nang muli siyang magsalita. Pilit kong ibinangon ang sarili mula sa kama. Ramdam ko ang p*******t ng ulo ko. Parang hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang mundo ko. "Kagigising mo lang?" Iyon ang bungad sa akin ni Enrique nang pagbuksan ko na siya ng pinto. Tumango lang ako sa kanya at sinenyasan na siyang pumasok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD