ISANG malawak na ngiti ang ibinungad ko sa kanya nang pagbuksan siya ng pinto. Napangiti rin siya nang magtama na ang mga mata namin. "Are you ready?" Mabilis akong tumango. "Yes! Let's go?" May ngiti pa rin siya sa labi niya nang tumango siya. Sabay na kaming naglakad sa kahabaan ng hallway. "Ayos ka lang ba? Kinakabahan ka ba?" tanong ko nang nasa harapan na kami ng elevator. Hinihintay na lang namin ito na magbukas para bumaba na sa building ng M Tower. Umakto siyang nag-iisip bago tumango. "A little." Mahina akong natawa. "Huwag kang mag-alala. Mababait sila kuya." Hindi siya umimik sa sinabi ko dahilan para bumakas na ang pag-aalala sa mukha ko. "Gusto mo ba... huwag na tayong tumuloy? Magdadahilan na lang ako sa kanila kung sakali." Nagkasalubong ang kilay niya sa sinabi ko

