MARIIN akong napalunok bago nagawang maglakad papasok sa kompanya ng mga Crescento. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao sa paligid. Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng ilang. "Hello, Ma'am Belle!" salubong sa akin ng isang babaeng empleyado nang mapansin ako. Ngumiti ako sa kanya. "Sakto po, tapos na si Sir Enrique sa meeting niya." "Really?" "Yes po. Ihatid na po kita sa opisina niya?" Pumayag ako sa alok niya. At habang naglalakad, nag-uusap kami. Ipinapaalam niya sa akin ang ilan sa mga ginawa ni Enrique sa kompanya nila. Nang nasa harapan na kami ng elevator ay saktong nagbukas ito. Natigilan ako sa akmang pagpasok nang makita ang mga taong sakay nito. Una kong napansin ang pamilyar na mukha ni Enrique at Dianna. "Love," usal ni Enrique. Bakas ang gulat sa boses niya.

