Chapter 27 - Last

2129 Words

"MA'AM Belle, nandito na po ang delivery natin." Tumango ako. "Sige, paki-asikaso na. Lalabas na rin ako." Napatango siya sa utos ko. Nagpaalam na siya at lumabas na ng opisina ko. Tinigilan ko na ang ginagawa sa laptop at tumayo na mula sa kinauupuan. Lumabas na rin ako sa opisina para asikasuhin ang mga 'yon. Naabutan kong isa-isa nang ipinapasok sa coffee shop ang mga kahon. "Jennie, paki-check na lang kung tama ba ang lahat," bilin ko kay Jennie nang makita ito. Isa siya sa mga tumutulong sa pag-aasikaso ng mga delivery. Lumapit sa akin ang isang lalaki. Siya ang nagma-manage ng delivery. Habang isa-isang ipinapasok ang kahon ay siyang paliwanag niya sa akin hanggang sa may pinapirmahan na siya sa akin. Nang matapos doon, tumulong na rin ako sa pagsasalansan nito sa stock room.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD