PATAGILID akong nakahiga sa kama. Nakaharap ako kung nasaan ang lamp shade kaya kahit patay na ang ilaw sa loob ng kwarto ko ay may liwanag akong natatanaw. Napabuntong hininga ako at naupo sa ibabaw ng kama. Maaga pa ang gabi pero heto ako at pinipilit na ang sariling makatulog. Ang kaso nga lang, kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok. Siguro ay dahil marami pang kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko. Muli pa ako nagpakawala ng hininga bago bumaling sa bedside table. Dinampot ko roon ang phone ko at nagtipa ng mensahe. To Kuya Enrique: I already talked to Drake... and I ended everything we had. How about you, Kuya Enrique? Are you okay? You can call me if you want someone to talk with. May pag-aalinlangan pa sa akin nang pindutin ko na ang send button p

