"YOU punched him?" hindi ko makapaniwalang sabi nang marinig ang kuwento ni Kuya Castiel. Matigas siyang tumango. "Don't try to proctect him from me. He deserved that punch." "Pero, Kuya Castiel—" "Kung nandoon lang ako ay hindi lang isang sapak ang matatanggap niya. At hindi mo kami masisisi kung gawin namin 'yon sa kanya, Belle. We trusted him. Ang sabi niya ay aalagaan ka niya at hindi sasaktan. But look at what he did? He cheated on you!" putol ni Kuya Chaos sa dapat na sasabihin ko. Halos kadadating niya lang ngayon. Natutop na ang dila ko. Mukhang ayaw nilang magpaawat sa galit nila. Nang salubungin ako ni Kuya Castiel kanina sa lobby ng M tower, ang buong akala ko ay galit siya sa akin dahil sa ginawa kong paglilihim sa kanya. Iyon pala, sobra lang ang pag-aalala niya sa akin.

