chapter 02

2487 Words
"Dinga? totoo ba? decided kana? as in?" sunod-sunod na tanong ni Eurine. I nodded. Naikwento ko sa kanya ang pag-uusap namin ni mama kahapon and she can't believe na sa wakas ay pumayag din ako. "Ang panget mo namang kaibigan, sabi ko na nga ba iiwanan mo din ako e, wala talagang permanente sa mundo sige pwede kana umalis break na tayo. " Natawa ako sa reaksyon nya. Siraulo talaga. "Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong pinilit ni mama na mag-aral. Malay natin ito pala ang opportunity na matagal ko ng hinihintay 'diba. Also, ito nalang din ang nakikita kong paraan Eurine." "I know, buti nga at pumasok din dyan sa kokote mo na tanggapin yang offer ni tita. Napakalaking tulong non para sa wakas matupad mo na yung pangarap mo." she commented. Kahit si Eurine ay kakampi din ni mama para pilitin ako mag-aral, wala lang talaga silang magawa noon dahil ako ang umaayaw. Let's say isa din sya sa dahilan kung bakit ayaw kong bumitaw sa paghahanap ng trabaho. Kung noon palang ay pinili kong mag-aral, malamang walang Eurine na nakatabi sa akin ngayon. I choose to stick with her, gusto kong sulitin ang mga oras na nandito pa sya, but it's always her na gusto laging piliin ang ikabubuti ng iba. "But don't worry, hindi lang naman 'yon ang iniisip ko. I'm actually planning to be a working student, what do you think?" Binatukan nya ako. "Gago, siraulo ka? Iniisip ko panga lang ang magiging itsura mo pag pumapasok kana tapos naisipan mo pa din isingit yan? Feeling ko maaga ka malolosyang kaloka ka girl." "Para masamahan kita, dami mo namang satsat dyan tyaka tutulungan mo naman ako sa mga school works 'diba?" I glanced at her at nakataas na ang kilay niya sa akin "charot." It's actually not easy for me to study while she's suffering. Alam kong gustong-gusto nya din mag-aral pero hindi din nya kayanin. She always needed to be stress free at hindi biro kung mag-aaral sya. Sa madaling salita, kahit ako pa ang mag-paaral sa kanya ay hindi na talaga pwede. "Ay wow naalala mo pa ako sa lagay na yan" Ofcourse you are, Eurine. Nasanay ako na lagi syang kasama. Nasanay ako na ibigay sa kanya ang mga libreng oras ko. Nasanay ako na sa kanya mag kwento ng mga nangyayari sa buhay ko. I can't stand seing her like this pero wala akong magagawa. "Chaeya wag mo sabihing magdadrama ka nanaman ha wala ako sa mood umiyak. I'm good, alam mo naman na tanggap ko na ang lahat. Kung ano man 'tong nararanasan ko ngayon okay na okay na ako na atleast naranasan ko ang magagandang bagay dito sa mundo." "Parang sira naman Eurine eh dikapa mamamatay bakit parang kung makapagsalita ka dyan kalamo naman hinihila kana ni kadiliman." Narinig ako ang mahinang tawa nya "Parang gago, ang ganda ng scene eh." Ang pag eemote namin ay nauwi lang din sa kulitan. Plano talaga namin ngayon mamili ng mga gagamitin ko sa school. Hindi naman gaano kadami ang mga ginagamit kapag college, talagang kailangan ko lang maghabol para naka abot sa past lessons na hindi ko napag-aralan. Nag research ako kagabi tungkol sa naturang school ni mama na papasukan ko. They really choose a lowkey university para hindi ako mapuruhan. Kung sa ibang school pa kasi ay hinahanapan ng kumpletong certificate while sa napili naman nila mama ay kailangan ko lang ipasa ang ibibigay na exam. Bukas ako pupunta sa university pata i-take ang exam na iyon kaya kailangan talaga ng malupitang review pagkatapos nito. Pagkatapos namin mamili ay sinamahan ko muna si Eurine pauwi sa kanila, we brought note pads and books na connected sa law para makapag advance reading na din ako. Halos nakabisado ko na din ang laman ng librong iyon dahil sa paulit-ulit na pagbabasa. I woke up when I feel the sunlight touches my skin, naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakapatong sa muka ko, the book! Nakatulugan ko na pala kagabi ang pagrereview, gosh! Sinampal sampal ko ang sarili at pilit na inaalala kung ano ang mga nabasa ko kagabi. Shit Chaeya hindi ka pwede makalimot, you need to pass the exam dahil kung hindi ay mawawalan ka talaga ng chance makapasok! Okay, The purpose of law is to preserve freedom and moral— "Pa!" halos mapabalikwas ako sa kama ng biglang pumasok si papa sa kwarto. "Oh akala ko hindi ka pa gising, madali ka diyan at ako na ang maghahatid sa'yo" usal nya ng ibaba ang pagkain sa ibabaw ng mini table ko. Shit, anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone para tingnan ang oras and boom! It's ready 9 A.M. Paano ako nakatulog ng ganoon katagal? Usually nagigising ako around five to six. Kaya pala ang sakit ng ulo ko. 10 A.M ang start ng exam kaya bibilisan ko na ang pag-kilos. Halos marinig ko ang t***k ng nagwawala kong puso habang nakatitig sa papel na ibinigay ng professor. Hindi naman ito mahirap tulad ng inaasahan ko pero bakit parang hindi kasali sa pinag-aralan ko kagabi ang karamihan sa mga tanong na nakalagay dito? Studying law was never been a joke, alam ko nung una palang na hindi madaling gawin ito pero ito ang sinusunod ng sistema ko. Maybe it's really the goal I want to pursue. Moral objectives, solving crimes. Saktong-sakto sa mga taong magaling maghinala. Hindi din ako nagtagal sa pagsasagot at mabilis ko ding natapos iyon, kinakabahan pa ako nang iabot ang papel sa professor. "Kindly fill up this form and leave a signature" ginawa ko naman agad ang sinabi ng prof. bago ako umalis. Nakahinga ako ng malalim ng makalabas ako sa campus. Grabe exam palang parang masisiraan na agad ako! Ano pa kaya kapag pumapasok na talaga, t*****e na 'yon. Hindi na ako nag message kay mama para magpasundo dahil alam kong may trabaho sya ngayon kaya naisipan ko munang dumaan kay Eurine para ichika kung gaano magwala ang puso ko kanina dahil sa exam na iyon. "Normal yan gago ka, tyaka kana kabahan pag ilalabas na yung resulta." Humagalpak siya ng tawa. Nakakatawa 'yon? "Eh kung i-cheer mo nalang kaya ako 'no pampagaan loob, ikaw ang panget talaga ng ugali mo." Pinitik ko siya sa noo, napalakas pa yata dahil bahagyang umasim ang muka nya. "Pero ano madali ba? Sa tingin ko naman makakapasa ka dyan, tamang hinala ka eh"." Kailan kaya 'to magsasawang asarin ako? "Pa open kasi bilis!" pilit kong inaabot ang laptop niya, five minutes nalang kasi at ilalabas na ang resulta ng mga exam. Hindi ko maidikta ang nararamdaman ko, dapat ba ako ma excite or what? Alam kong malinaw pa sa clear na makapasa ako pero hindi ko lang talaga maintindihan ang feeling na mag-aaral na ako. Mararanasan ko na ang buhay estudyante. "Kalma, hinga ka muna beh. Baka mamaya mahimatay ka dyan ako pa sisihin mo." Kinuha na nya ang laptop at nangaasar pa ng buksan iyon. Shet, shet. Once na mapalagay ang pangalan ko sa highest score alam kong mag-iiba na ang buhay ko. Pakiramdam ko ay magsisimula ako sa bagay na wala akong kaalam-alam. Iniisip ko palang na wala akong kakilala at baguhan ako sa university parang ang hirap na. Hindi ako mahilig makisalamuha sa mga tao. Tahimik lang talaga ako at hindi marunong nagsisimula ng conversation, kitang kita naman iyon sa buhay ko ngayon. As you see si Eurine lang ang kaibigan ko, kung hindi panga nya ako dinaldal sa hospital noon ay baka hindi pa kami magkakakilala. I know hindi 'to pwede sa college life, we must help each other para pare-parehas kaming makatapos sa pag-aaral unlike the other level na nakikipag kompitensya sa mga kaklase nila. "Is this the site?" tanong niya ng makita ang nangungunang message sa inbox ko. I nodded, hinayaan kong siya nalang ang magkutingting niyon. Pinanatili ko lang ang paningin ko screen ng laptop. "One..two.." mahina niyang bilang kasabay ng paglabas ng pangalan ng mga estudyante na nakapasa sa exam. "Three! Lasac Chaeya G." halos magkalat lahat ng unan nya sa kwarto kakabato sa akin. "Gago pang tatlo ka! you did it, congrats!" gumapang sya papunta sakin para yumakap. "Ang galing naman ng abunjing-bunjing." "Gaga kadiri ka naman" marahan ko siyang tinulak. Wala akong masabi, parang nablangko ako bigla. I passed the exam at papasok na ako. Napalingon ako kay Eurine na hindi maintindihan kung iiyak ba o ano. "Kung iiyak ka, wag mo na ituloy. Papanget ka lalo." I joked baka mamaya dramahan nanaman ako nito eh. "Sige nanga parang tanga naman eh, hindi ba pwedeng tears of joy lang dahil makakapag aral kana? Pero sabagay sino ba naman ako para unahan kang umiyak 'diba?" Hindi ko na sya hinayaang mag-drama. I had a small talk with her mom at nasabi nitong kailangan daw kumuha ni Eurine ng panibagong doctor. Natapos na pala ang session nya dito kaya kailangan syang ipadala sa Maynila. "Bakit hindi mo sinabi?" I asked. Hindi naman sa pinapakialaman ko ang privacy nya pero hindi naman big deal kung sasabihin nyang kailangan nya umalis. "Sa tingin mo ba papayag kang mag-aral kung sinabi ko sayo agad? I know you, mas pipiliin mong samahan ako kaysa dyan sa studies mo and I don't want you to lose your dream just for me. Check-up lang naman iyon, kaya ko pumunta doon mag-isa besides babalik din naman ako after that." she explained. No, hindi iyon basta check-up lang. Nakasanayan kong lagi syang samahan sa hospital and I always check her meds. Kahit pa doctor ang nagbigay ay hindi ko sya hinahayaan na uminom nalang basta-basta ng mga gamot. I also did some research about sa sakit nya para magabayan sya sa paraan na makakaya ko. "Basta dapat pag balik ko, matatawag na kitang attorney" Nabuga ko ang iniinom na juice sa harapan nya. "Iw pota" "Sinasabi mo bang babalik ka after four to five years?" I thought kukuha lang sya ng session, bakit ganoon katagal? "Charot lang 'di ka naman mabiro." It always end up joking around with her. As usual nauto nanaman nya ako, kesyo treat ko daw dahil nakapasa ako sa exam. Nag text si mama na nakauwi na sya kaya nagpaalam na din ako kay Eurine. "Goodluck sis!" I'm starting to imagine myself studying well, walking on the university and make a new friends. Kahit kinakabahan ako sa pagpasok ay pilit kong isinisingit ang positive thoughts para mabuhayan pa lalo ang dugo ko. I stop walking nang muntik ko ng mabunggo si mama sa paglalakad. "Ma!" agad akong nagmano sa kanya. "I already saw the result, congragulations anak!" tinapik-tapik nya ako sa balikat. "You really did your best huh. I brought you some books with Che kanina, nilagay ko na sa kwarto mo." Halos wala kaming oras para sa isa't-isa lagi silang wala dito ni papa at kung uuwi man ay puro trabaho padin ang iniisip. Hanga lang ako kay mama at nagagawa paring isabay ang tungkulin nya dito sa bahay with my help, iyon na ang pinaka bonding namin ni mama. Papa suggested na kumuha ng makakatulong kahit sa paglilinis lang ng bahay pero I declined it since lagi din naman akong nandito. Ginagawa ko muna lahat ng naiwang gawain bago ako umalis kapag inaaya ako ni Eurine. Sinimulan kong basahin ang mga librong binili ni mama and it's all connected about law. Kailangang ipasa bukas ang mga to follow kong requirements kaya maaga din akong natulog. It's 5:43 when I woke up, wala na sina mama at may nakahanda na ring agahan sa hapag. Masyado ata silang maaga umalis ngayon. I did all my things before eating, nilinis ko muna ang bahay at naligo. Parang estatwa lang ako na nakatitig sa mga bakanteng upuan na nakapalibot sa mesa. Kailan kaya kami makukumpleto sa hapag? Magkasalisi lagi ang oras ni mama at papa. Minsan maaga silang umaalis at kung anong oras na umuuwi kaya madalas talaga na wala akong kasabay kumain, maliban nalang kapag napapabisita dito si Eurine kaso halos ubusin naman nya ang laman ng ref. Inilagay ko sa isang clear envelop lahat ng files na kailangan ko ipasa ngayon para makumpleto ko na ang requirement na hinihingi ng university. I'm about to open the door but may nauna sa akin magbukas, iniluwa noon si papa na pawisan at hinihingal pa wearing his formal suit. Kasunod niya ay dalawa pang lalaki na basang-basa din ng pawis, ang isa doon ay parang kaedaran lang ni papa while the other one is mukang bata-bata pa. Dali-dali kong ibinaba ang dala kong bag at envelop para ikuha sila ng tubig. Pagbalik ko ay nakaupo na sila sa sofa at parang hindi maipinta ang muka ng tatlo. "Tubig po." Inilahad ko sa harap nila ang dala kong pitchel at baso. "Anak, akala ko ba'y magpapasa kana ng requirements mo ngayon?" usal ni papa. Sinalinan niya ng tubig ang mga baso at ibinigay iyon sa kasama. "Ah opo, paalis palang po sana ako tapos bigla kayong pumasok." tapos ganyan pa itsura nyo... "Akala ko nakaalis kana.." "Naglinis pa po kasi ako, sige na pa una na po ako." nag-mano ako sa kanya at nginitian ang mga kasama nyang nakatitig sa akin at parang namamangha. Ngayon ko lang si papa nakitang nagdala ng kasama sa bahay or baka naman madalas sila dito at hindi ko lang naaabutan. "Ay uten!" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Eurine pagkalabas ko ng bahay. "Ano ba bigla kanalang sumusulpot riyan, anong ginagawa mo dito?" Humawak siya sa dibdib at umaktong nagulat. "Wow? parang ayaw mo ako makita ah? By the way, nagmamadali pa nga ako umalis sa bahay kasi baka hindi kita maabutan tapos nakita ko yung papa mo sis bakit tumatakbo iyon? tapos may kasama pa syang dalawang hottie!" "Malandi ka! katrabaho ata yun ni papa. I don't know ngayon ko lang rin nakita." Parehas kaming napalingon nang may tumikhim mula sa likuran. Yung isang kasama ni papa. "Excuse me, you're blocking my way" Agad akong tumabi ng maisip na nasa gitna ako ng pinto. "Sorry" I smiled. Hinila ko na si Eurine paalis, I feel my heart beating fast without knowing the reason why. It's just a man cold eyes and theres nothing more, I didn't even know him pero iba talaga ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang mga mata namin. No Chaeya, stop that nahawaan ka lang siguro ni Eurine. "Omg did you just saw that? Bhie ang haba ng hair mo! Feeling ko crush ka nya, pero feel ko lang ha? ibig sabihin hindi pa yun sigurado at pwede ko pa na catch yung feelings nya!" humagalpak siya ng tawa. "Ikaw kung ano-ano nanaman yang iniisip mo, kumain ka ba bago umalis ha o sadyang naka shabu ka lang?" I joked, hindi ko pinapahalata ang kaba ko dahil sa ganap kanina. I just act like it's nothing but it keep on bugging me.. Isn't it a crush?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD