chapter 03

2326 Words
Napahilamos ako sa sariling kaisipan. Crush, what? I'm not a kid anymore! "Pero hindi mo talaga kakilala?" kanina pang tanong ni Eurine. Naglalakad kami ngayon papunta sa paradahan ng tricycle. Mula kanina pag-alis namin sa bahay ay kinukulit nya ako tungkol sa lalaki. "Hindi nga, kung kilala ko 'yon edi sana nasabi ko na sayo pati paborito nyang kulay ng brief. Manahimik ka na nga, you came para samahan ako at hindi para pairalin yang kalandian mo ah" "Ouch" humawak siya sa dibdib. Pilit kong iniiwasan ang mga pangungulit nya tungkol sa lalaki para malimutan na ang naramdaman kanina, baka naman kasi nagulat lang ako kaya ganoon nalang ang naging reaksyon ko. "Dito lang kuya!" sigaw ko sa driver ng malapit na kami sa university. Magbabayad na sana ako pero tinapik ni Eurine ang kamay ko. "Ako na, good mood ako ngayon." Kumuha sya ng barya sa dalang mini pouch at nag flying kiss pa sa driver. "Sana lagi kang good mood." I joked. "Para atleast makatipid ako kahit sa pamasahe." "Sis uso common sense ngayon try mo. Imagine, flirting with your schoolmates hanggang sa makabingwit ka ng jowabels. Pero dapat yung may sasakyan at responsible kahit papaano, hindi mo na poproblemahin ang pamasahe tapos may honeypie kapa." "Wala ka bang isu-suggest na matino? puro nalang kalokohan ang nandyan sa utak mo" Hindi na nya ako sinagot at inilibot ang paningin sa paligid habang naglalakad. Kita ko ang pagkamangha sa mata nya. Sandali akong nakaramdam ng hiya, hindi ko alam kung tama bang dinala ko sya dito. She's just mixing her mood, alam kong masaya sya dahil nakatungtong sya dito pero hindi nya maiitago na gustong-gusto din nya makapag-aral. Hindi ko sya pinapangunahan. I just feel it and see it in her eyes. "Maganda din pala dito ano? Hindi lang sikat ang pangalan nya" tukoy niya sa university. Tumango ako. "Hindi ko din 'to masyadong naririnig, advantage na din naman dahil wala masyadong issue" Hindi kilala ang pangalan ng university na ito tulad ng iba. Talagang naka focus lang sila sa mga estudyante at parang walang pake sa mga nakikipag kompitensya. Hindi ko panga nakita ang pangalan ng school na 'to na lumaban sa ibang campus eh. Siguro ganito lang talaga sila. Nakakalat ang mga estudyante dito sa labas, para silang may sari-sariling mundo sa pagrereview ng mga books nila. "Excuse me, pwedeng magtanong?" Napatigil ang babae sa paglalakad. "Yeh? Nagtatanong kana." narinig ko ang mahinang tawa ni Eurine sa tabi ko. "I mean, saan ba dito ang dean's office?" May tinuro sya sa likuran namin, sinundan ko ang direksyon ng kamay nya at nakaturo iyon sa malaking board na nakadikit sa pader. "Kita mo? May school map dyan, pumunta ka kung saan mo gusto." pagkasabi nun ay tinalikuran na nya ako at dere-deretsong naglakad. Nang makalayo ang babae ay tyaka humagalpak ng tawa si Eurine. "Barado na Chaeng, masyadong ginalingan, bravo!" itinaas pa niya ang kamay habang pumapalakpak. "Gora na tingnan mo na yung school map at pumunta ka kung saan mo gusto." panggagaya nya sa babae. "Panget naman ng ugali ng estudyante dito, uwi nalang tayo" Halos mamilipit na siya sa katatawa. Hindi ko nalang siya pinansin at padabog na lumapit sa sinabing school map na puro box naman ang naka drawing. Law ang kinuha ko at hindi architechture, paano ko babasahin 'to? ito na ba yung tinatawag na pagsubok ng buhay? "Floor plan lowkey version, naubusan ata sila ng ink." nakatingala na din si Eurine sa school map. "Kung nandito tayo ngayon.. kaliwa, kanan at third door. Tandaan mo ah baka makalimutan ko" Prente lang akong naglalakad at nakabuntot kay Eurine, napapansin ko ang ilang estudyante na dumaan habang may kani-kanilang hawak na libro. Halos lahat ng nakikita kong estudyante ay nag-aaral, iilan laang din ang nakatambay na makikita dito. "Ito!" napalingon ako kay Eurine na nakaturo sa pinto na kaharap namin, ang dean's office. Maaari na daw akong magsimula habang inaayos nila ang mga to follow requirements na ibinigay ko, tumambay muna kami ni Eurine sa isang bench malapit sa gym, baka mapagod pa sya kung maglalakad agad kami pauwi, wala kasing dumadaan na sasakyan dito pauwi kaya kailangan pa ulit naming maglakad papunta sa paradahan. "Is it her?" "Sinong her— holy s**t sya na ba 'yan?" "Anong nangyari sa kanya bakit ang tagal nyang nawala?" "Ewan e, wala akong nasasagap na chismis. Kahit sa showbiz wala ding balita sa kanya" "Sira ka, hindi sya artista para ilabas sa tv buong buhay nya." "Sabagay, ang mga balita sa ordinaryong tao sa kapitbahay lang naman maririnig" "Akala ko lumipad na yan sa ibang bansa kaya nawala" "Baka tumigil lang?" Rinig ko ang usapan ng kumpol ng mga babae na dumaan sa harap namin. "Taray, may mga maissue din pala dito teh" "Look" inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Nag browse ako sa f******k ng ilang info sa school na'to. May nakita akong page kung saan naka post ang mga programs at achievements ng school. Isa sa nakita ko ang pag h-hire nila nga mga coordinator sa canteen. Naisipan ko kasing pwedeng dito kami mag part-time para hindi na din malayo, nagseservice lang naman kaya hindi nadin mahirap. "Anong gagawin ko dito?' She asked. "What do you think? Pasok tayo dyan!" She look at me with her disgusting face. "Sa ganda kong 'to pagtatrabahuhin mo ako dyan?" "Ay ayaw mo? sige okay lang, balita ko madaming gwapo sa school na 'to eh" humalumbaba ako at iniikot ang paningin sa mga estudyanteng naglalakad. "Pagtatrabahuhin mo ako dyan? Sure! as long as kikita tayo eh why not naman 'diba?" I laughed, chineck ko ang buong post at tiningnan kung paano makakapag-apply doon. They didn't have any requirements, basta daw tapat at interesado ay kumunsulta lang sa canteen's head kaya agad kong inaya si Eurine doon. Hindi masyadong kalakihan ang canteen nila dahil ang ibang table ay nasa labas. First come, first serve nalang siguro para sa mga makakaupo dito sa loob na may aircon. MAMA <'3 :honey r'u done? if yes, can u come over here na? Che invited us for dinner. "Sorry, pero hindi talaga pwede ang mga students." "Pero if ever po, makakapasok naman po sya 'diba?" singit ko. Hindi daw pwede ang mga studyante lalo na kapag mula sa campus na ito para daw hindi maagaw ang oras sa pag-aaral. "Itong kasama mo since walang pinagkakaabalahan pwede namin syang makuha." "Okay po, thankyou" ako na ang tumapos sa usapan nila para maakuwi na din kami. "Ano? Pano ka?" she asked. "Madaming kainan dito sa labas na pwede ko pasukan kapag weekends. Think of it nalang kasi mas better din na magkalapit tayo." tumango-tango sya sa sinabi ko. "Mama texted me, kailangan ko na umuwi." Tulad ng lagi kong ginagawa ay sinamahan ko muna sya pauwi bago ako dumiretso sa bahay. Nadatnan ko si mama na umiinom ng kape. "Akala ko may pasok ka, ma?" lumapit ako para magmano. "Kumuha din ako ng rest day para makapag dinner tayo with Che, birthday ng pamangkin nya and we're invited. She missed you, you know.." Tita Che is her childhood friend kaya siguro hanggang ngayon ay hindi padin sila mapaghiwalay. Sa kanya din daw kinuha ang pangalan ko, I don't know when did we last met masyado silang busy at nakakulong lang naman ako sa bahay. Ni-hindi ko na nga maalala ang itsura ni tita, madalas lang talaga sya nababanggit ni mama. "Dinner huh" Masyado pang maaga para sa dinner, pinauwi nya agad ako. "Akyat lang ako ma." magbibihis muna ako since maya-maya pa naman siguro kami aalis. "Get ready, bibili muna tayo ng gift para sa pamangkin nya!" rinig kong sigaw nya nang makapasok ako sa kwarto. Ibinagsak ko ang sariling katawan sa kama, nakatitig ako sa kisame habang iniisip nanaman kung pano ako makikihalubilo sa mga tao. Alam kong hindi mawawala ang kamustahan stage mamaya, ayoko naman na magmukang mahiyain sa harap nila. Nakaka-kaba lang dahil wala akong kakilala doon, for sure maa-out of place ako mamaya kapag nag usap-usap na sila personally. "Madami sigurong tao doon." napahilamos ako sa sarili. Kumilos na ako pala maligo, dito lang ako nagtagal sa pamimili ng damit. "Eto kaya?" humarap ako sa salamin hawak ang itim na dress. "Sobrang itim naman, para akong aattend sa lamay." I ended up wearing white crop top partnered with trouser, I just cover it with denim jacket para hindi masyadong mareveal ang braso ko. Namili din ako ng gagamiting handbag sa mga collection ko na halos lahat ay bigay ni Eurine. Eurine likes collecting stuffs na magagamit nya for fashion. Mahilig sya sa mga make-ups and bags kaya pati ako ay naaambunan ng kaartehan nya. Most of my bags are from her, hindi naman ako mahilig bumili ng mga ganito, buti nalang kaibigan ko si Eurine. #sponsor Naabutan ko si mama na nakasandal sa mesa at may hawak na tasa. "Ang tagal mo naman, akala ko nalunod kana sa timba" she's wearing a blue skater dress, simple yet elegant looking. Kitang-kita pa ang hubog ng katawan nya sa suot na dress. "Akala ko sinuot mo yung binili ko." umakto sya na parang nagtatampo. "Ma, ang revealing naman tyaka baka matagalan tayo doon, lamigin pa'ko" everytime kasi na lalabas sya ay ibinibili nya ako ng dress kahit na hindi ko naman masyadong nasusuot. "Let's go?" Saktong paglabas namin ay dumating din ang sundo na pinadala ni tita Che. Dumaan lang kami sa malapit na mall para nakabili ng regalo sa pamangkin ni tita Che. Akala ko ba dinner? Napakunot ang noo ko ng dumapo ang paningin ko sa gate ng bahay. Dito palang ay kitang-kita na ang theme ng party. Maingay sa loob at damang-dama ang malakas na tugtog. Hindi gaano karami ang tao pero nakakalat sila at nagsasaya. Hinintay ko si mama na makababa ng sasakyan at sinundan siya papasok. Muka ako ditong inosente na ngayon lang nakalabas ng bahay! Nagtinginan sa amin ang ilang tao habang tinutungo namin ang daan papunta sa mismong bahay. Sinalubong kami ng isang babae na may hawak pang plato. "Tita Maisie!" yumakap sya kay mama ay bumeso. Ikinalma ko ang sarili at dinama nalang ang hangin na dumadapo sa balat ko ngayon, parang ang hirap naman makisama sa kanila. "Good evening gorgeous, happy birthday!" bawi ni mama sabay abot ng dala nyang paper bag. Napatingin din sya sa akin, I gave her a friendly smile para hindi ako magmukang walang muwang dito. "Is this Chaeya?" baling nya kay mama, agad syang lumapit sa akin ng tumango ito. "Long time no see! I miss you!" She know me? I feel sorry, namiss nya'ko tapos hindi ko manlang sya kilala. I don't know if I'm a friend of her in my past. I really remember nothing. "It's okay ano ka ba, alam naman namin ang pinagdaan mo. Don't worry kami naman ang mag-aadjust" usal ni tita Che habang natatawa, nagpakilala pa kasi talaga sila isa-isa. Nandito kami ngayon sa harap ng hapag, hinihintay pa namin ang anak ni tita Che kaya nag kekwentuhan muna kami. "Hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo sa labas?" bulong ko kay Miles, 'yung may birthday. "Nope, nagpaalam naman ako sa kanila besides pupunta din tayo doon after nito." I like her, madali lang sya maging kaibigan dahil napaka friendly nya. Naikwento nya din na minsan kaming nagkakilala 5 years ago. Napalingon kaming lahat ng magbukas ang pinto, iniluwa noon ang isang babae na parang nasa runway kung lumakad. Ito na siguro ang anak ni tita Che, she looks hot in her fitted dress "Good evening everyone! Am I late?" bungad nito. "You"re just on time" sagot ni mama pagkatapos tumingin sa relo. Napatigil ako ng mapansing sa akin nakatingin ang babae. Oh my gosh, it's her! Yung pilosopo kanina sa school! "Oh? you're Chaeya?" she asked. Hindi ba obvious? Gusto ko sanang lakasan para makabawi naman ako sa katarayan nya kanina, buti nalang pinalaki akong maayos ni mama. "She is" si tita Che na ang sumagot para sa akin. "Nice to meet you! Sorry kanina wala lang ako sa mood" she chuckled. Hindi naman pala maarte, judgemental lang talaga si Eurine. "Nagkita kayo kanina?" tanong ni mama. "Uhuh, sa school tita. She asked me where the dean's office is." Hindi nalang ako umimik, naupo na sya sa bakanteng upuan. Sya talaga ang nakaka-agaw pansin sa lahat ng nandito. Dinaig nya pa ang mag birthday sa suot nya, look likes she really prepared for it. "Okay, are we complete na? Let's pray na—" napatigil si tita Che ng may pumasok ulit sa pinto. Lalake naman ito at naka formal, pwede ng ipartner sa anak ni tita Che. Nanlaki ang mata ng lahat ng makita ang kabuuan ng lalaki, ako lang ata ang hindi magulat. Pero sa tindig nya palang alam kong ito din yung lalaking kasama ni papa kanina. Yung hottie... daw sabi ni Eurine. See? hindi ako nagulat, nabigla lang talaga ako sa naramdaman ko kanina. Is it possible na nandito din si papa? magkasama naman sila kanina.. Inabangan ko kung may papasok pa sa pinto pero mukang wala na talaga dahil sinara na ito ng lalaki. "Sorry natagalan, hinarang ako ng mga babae sa labas" rinig ko ang mahina nyang tawa. "Nasa timing ka! let's introduce ourselves to Chaeya since parehas tayong late" tumayo muli ang babae at humawak sa braso ng lalaki. "I'm Aine. Nag-iisang magandang anak ni Mami Che" she said, pansin ko pa ang pagtabig nya sa katabi. I thought kapatid nya yung lalaki but she just mentioned na nag-iisa syang anak Napatingin ako kay mama na parang nasa hot seat. Hindi maipinta ang muka nya. "You naman" tinabig nya ang braso ng lalaki na mukang ayaw pa magpakilala. Why is that? Gold ba ang pangalan nya para ipagdamot ha "Cillian, you—" hindi nya naituloy ang sasabihin dahil sa malakas na pagtikhim ni Miles. "Magpapakilala lang pinapahaba pa, naghihintay yung pagkain. Just lead the prayer Cillian so we can start."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD