chapter 04

2018 Words
"Okay lang! Ako na bahala kay tita!" sigaw ni Miles na halos hindi ko marinig dahil sa sobrang lakas ng tugtog dito. Dumiretso agad kami sa labas pagkatapos kumain, naiwan ang mga matatanda sa loob. Kanina pa din ako pinipilit ni Miles na uminom pero hindi ko talaga gusto ang lasa ng alak. Amoy panga lang ay parang tutumba na agad ako. Dinukot ko ang cellphone sa bag para tingnan ang oras. It's 10 in the evening pero buhay na buhay pa ang mga tao dito. Hindi kaya sila hinahanap? Ang alam ko curfew na pagsapit ng nine pero sabagay hindi naman open area ito kaya wala masyadong nakakarinig ng ingay. Ibabalik ko na sana ang cellphone ng biglang mag-pop ang message ni Eurine. Ganda Lang <'3 :u still awake? i can't sleep huhu kamusta lakad nyo? :madadapa ka bukas kapag hindi ka nag reply haha blee. "Ops, no phones allowed!" hinablot ni Aine ang cellphone sa kamay ko at pinaltan iyon ng baso. Napangiwi ako ng pumasok sa ilong ko ang amoy nya. Did she smoke? Tumawa sya ng makita ang reaksyon ko, "Walang lason yan don't worry hindi ako bida-bida" Inilapag nya muna ang cellphone sa mesa bago ako tinalikuran. Kung nakasabay ako kanina sa kwentuhan, dito ay hindi. I don't like adults party! Masyado silang wild or baka hindi lang talaga ako sanay dahil sa mga pambatang party ako umaattend. Tuluyan na talaga akong na out of place huh, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong umalis kapag hindi kasama si Eurine. I tried to act normal, inobserbahan ko ang ginagawa nila and I also try to copy their styles. "Hey" hinarang ko ang isang lalaki na dumaan sa harap ko, trying to be friendly. Halatang nagulat sya sa pagsulpot ko pero agad ding napaltan ng ngiti. Hala teh hindi mo yan kilala wag kang kiligin. "Hey" he greated. "Wala kang kasama?" sumilip siya sa likod ko para makita kung may kasama ako. "Kinda, where's your table? mind if I share?" sunod-sunod na tanong ko. Gosh Chaeya hindi bagay sayo maging party girl! "Uh? You sure?" I nodded, nakakaboring kung uupo lang ako sa tabi, hindi naman masamang gamitin ang mga styles na itinuro sa akin ni Eurine. "I'm Chaeya by the way." I offered my hand at tinanggap naman niya agad iyon. "Alf—" hindi na nya natuloy ang sasabihin ng biglang may tumawag sa akin. "Chaeya" it was Cillian. Agad namang napaiwas ng tingin yung lalaki, tumango sya kay Cillian bago umalis. Magkakilala sila? Well, bakit pa ba ako magtataka e mukang ako lang naman ang walang kakilala dito. "Yes?" I asked, parang wala namang dahilan para tawagin nya ako. We're not even close, kanina ko nga lang sya nakilala. "You're drinking?" bumaba ang tingin nya sa hawak kong baso. Napangiwi ako ng maisip na hindi ko pa pala nabibitawan iyon. "I'm not, iniabot lang ito ni Aine." tinalikuran ko na sya at bumalik sa table ko. Nakakainis! naudlot pa yung pakikipag-kaibigan ko kanina, hindi ko pa nga nalalaman pangalan nya, Alf- what? I let out a sigh, muli kong kinuha ang cellphone ko at nagtipa ng irereply kay Eurine :pst, r u up? i'll send u the address samahan mo ako dito. Argh, gabi na baka mapainom pa 'yon dito. Binura ko ang text at ibinalik nalang ang cellphone sa bag. Mukang tititigan ko nalang nag oras hanggang matapos ang party na'to. "Lasing na sila" Miles chucked, umupo sya sa bakanteng silya sa harapan ko. "So.. sa Fleris ka rin papasok?" she asked. "Hm, si mama ang pumili" maiksi ko sagot. Parang nakakatamad magsalita ngayon, gusto ko nalang matulog, kahit ano atang gawin ko ay hindi talaga ko makakarelate sa mga ginagawa nila. "Nice! doon din kami ni Aine though we're not that close. May sarili syang circle of friends. Inumin mo na 'yan masamang pinaghihintay ang alak." tumawa siya. Well, hindi na din masama. Kahit papaano ay may kakilala na ako sa university at hindi na ako magmumukang walang muwang doon, wala pa naman si Eurine. I found my self vibbing with them at hindi ko na napansin ang oras. Ramdam ko ang init ng araw sa balat ko. I slowly open my eyes and find myself lying in a cosy bed that make my feelings mixed. I rub my eyes to clearly see where I'am. The room seems familiar yet so strange for me at the same time. Pakiramdam ko ay minsan na din akong namulat sa ganitong lugar na hindi ko alam kung totoo ba o panaginip lang. "Goodmorning!" sigaw ni Miles na kalalabas lang ng banyo at may toothbrush pa sa bibig. Bumalikwas ako at kinapa ang muka, baka mamaya may panis na laway ako sa kasarapan ng tulog dito, nakakahiya! Feel na feel ko pa naman yung scene ng paggising ko! "Is this your room?" namamangha akong inilibot ang paningin sa buong kwarto. "Ha? Muka ba akong sugar mommy para maging ganito kasosyal? Hindi to sakin 'no pero pangarap ko din ng ganitong kwarto!" "Si mama?" I asked. Wala akong naalala sa mga nangyari kagabi kundi ang pagsayaw doon kasama ang ibang bisita. Napapikit ako ng makaramdam ng sakit ng ulo. Nakakahiya naman! "Naiwan kagabi kila Aine" sabi nya bago ulit pumasok sa banyo. So wala kami sa bahay nila Aine? Humarap ako sa salamin na katabi lang din ng kama para nakita ang itsura ko. Magulong buhok, magulong damit, at hindi maipintang muka. In short, muka akong sinugod ng pitong uwak. "Maligo kana para makakain na tayo sa baba, may damit ako doon sa cr you can use it may pasok pa tayo." Napabangon ako agad ng maalalang nag-aaral nanga pala ako. Ang aga mo namang sabog Chaeya! Binilisan ko ang pag-kilos kahit masakit ang ulo. Parang wala naman akong naaalalang uminom ako kagabi pero bakit ganito ng pakiramdam ko? Sobrang bigat, hindi naman ako nag-lasing para magkaroon ng hang-over! May nakita akong damit na naka-hanger sa gilid, muka namang kasya ito sa akin dahil halos magkasing-laki lang kami ni miles ng katawan. Nadatnan ko sa baba ang mga babae na kasama din namin kagabi at mukang mga hindi pa nakakasuklay. Mas malala naman ang muka nila kaysa sa akin kanina. "San ba 'to? Pano tayo napunta dito?" bulong ko kay Miles. "Hindi mo naalala? Hala teh kinidnap tayong lahat kagabi!" sagot niya na ikinatuwa ng iba. Wow ah, matino din pala sya kausap. Hindi masyadong malaki ang bahay pero sobrang linis at naka organized lahat ng gamit. Buti pumayag ang may-ari na nandito kaming lahat, muka pa namang magulo itong mga kasama ko parang hindi mapagkakatiwalaan. Tahimik lang akong kumakain habang ang iba naman ay nag kekwentuhan, hindi ako sanay nakisali sa ganito kaya si Miles nalang ang kinukulit ko. "Anong course mo? Law ka din?" She nodded. "Kung san masaya si papa, tawagan ko lang sundo natin nakakatamad mag commute masyadong malayo 'to sa Fleris" Agad nya akong hinila palabas ng dumating ang sundo namin. May nakaabang na itim na kotse sa harap ng bahay. "Sainyo yan?" I asked. Ni-hindi nya ako pinansin at dere-deretso lang hanggang makapasok sa sasakyan kaya sumunod nalang ako. "Hindi, sa katulong namin" rinig ko ang pagtawa nya. "Excuse me" usal ng nag d-drive napatingin ako sa pamilyar na boses and shoot! It's Cillian. "Ah katulong" tumango-tango ako at tinatago ang pag-ngiti. Habang may inaasikaso si Miles at nagtungo ako sa canteen para kumpirmahin ang pagpasok doon ni Eurine. I already texted her at papunta na daw sya dito. Pinilit ko talaga syang dito nalang mag trabaho para less hassle, kukuha lang naman sya ng mga orders. Kung sa labas pa kasi ay masyadong marami ang gagawin. Her sister warned her not to work pero dakilang matigas ang ulo ni Eurine, sa halip na magpahinga sa kanila ay sumama sya ng sumama sa akin para humanap ng trabaho. Mula noon ay kumakayod kami sa pagsingit sa mga open company pero sa kasamaang palad ay wala namang tumatanggap sa amin. "Tingnan mo nga naman kung saan ako babagsak, isang lowkey waiter na maglilingkod sa mga estudyante ng Fleris!" sigaw ni Eurine ng nasa harap na siya ng canteen. "Shhh, go na!" tinulak ko sya papasok para makaalis na din ako, kanina pang nag tetext si Miles. "goodluck!" Our class went good, hindi naman ako nahirapan sumabay sa bagay na dinidiscuss ng mga professor, may part lang talaga na mahirap yung lesson. Hindi kami magkasama ni Miles sa iisang room kaya kinailangan ko talagang mag first move para may mapagtanungan kung sakaling may nakaligtaan akong intindihin. Hindi na din masama dahil halos lahat naman ay hindi ma-attitude. Pinuntahan ko si Miles na naghihintay sa tapat ng room, nakasandal lang sya sa gilid ng pinto kaya mukang nahihiya ang iba na dumaan. "Tagal naman ng break nyo" reklamo niya. "Kanina ka pa dyan?" I asked, bagsak na ngayon ang mga mata nya. Ang alam ko kasi ay yung prof na laging naka tv ang nagturo sa kanila. Masyadong mahigpit iyon kaya kailangan talagang mag focus sa mga sinasabi nya kaso ay sobrang nakaka-antok daw magturo. I don't know, naririnig ko lang... "Hindi naman... Uuwi na ako after nito, I'm not feeling well baka hindi ko na kayanin next sub. Okay ka lang ba dito?" "Ofcourse! May susundo ba sayo?" "Uh, yeah. Kumuha ako ng cab" Hinatid ko sya sa labas para masiguradong nakaalis sya dito ng maayos. Gusto ko sana syang samahan pero may hinahabol ako lessons kaya hindi ako dapat nawala. Nakatanggap ako ng text galing kay Eurine. Ganda Lang <'3 :no need to wait for me sissy, may kailangan pa akong gawin mauna kana umuwi, see you tom! Maganda naman ang naging first daw ko. I gain some friends at maganda ang naging performance ko, hope that this will last until graduation. I badly want to reach my success. Gumawa ako ng planner para hindi mawala sa schedule ko ang pagrereview, masyadong maraming kakabisaduhin sa law at talagang hindi pwede ang papalpak-palpak. Tulad ng sinabi ni Eurine, hindi na ako dumaan sa canteen, I just replied to her message "okay" baka nasa bahay nadin si mama at madami pa akong ikekwento. Saktong paglaba ko sa gate ay may humarang doong sasakyan, halos mapatalon ako sa gulat. "Damn this, that makes me nervous" Bulong ko sa sarili. "Sorry wala akong balak banggain ka, please don't file a case. I'm overall inocent" lumabas ang driver ng sasakyan and it's Cillian. Nakasakbat sa braso nya ang brown handbag kaya nagmuka syang katawa-tawa. Nakatingin sa kanya ang ibang estudyante na lumalabas. "That' mine.." tukoy ko sa bag. "Yes, you left it in our house" "Ha? Kelan pa tayo nagka-bahay?" I joked, He just said 'our house' kelan pa nga ba ako nagka bahay kasama sya e kakakilala ko palang naman sa kanya. Okay, masyado kang pilengera. "I mean my family's house" he chuckled "Binigay 'to sakin ni nanay na naglinis ng mga room na ginamit nyo kanina. Y'all left the house without cleaning it." Napaiwas ako ng tingin. Basta nalang kasi kami umalis kanina at hindi ko naman alam na bahay pala nila iyon. "Sorry, nagmamadali kami ni Miles kanina, hindi ko nga alam na naiwan ko pala yan" "Okay, I have nothing to do so I bring it here." He handed me the bag. "Where's Miles?" "Umuwi kanina, she's sick." He nodded, mukang si Miles ang pinunta nya kaso ay wala naman dito. "Bakit? May kailangan ka sa kanya?" dagdag ko. Hindi sya sumagot, tunalikuran nya lang ako. I thought he's leaving but he open the shutgun seat at sumenyas na pumasok ako doon. Naparuto ako sa sarili. "Ako?" "Bakit, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" sumilip sya sa likod ko at umaktong may hinahanap. "Ihahatid mo ako? Yes! Hulog ka ng langit Cillian! Hindi ko na kailangang maglakad at mamasahe para makauwi—" "No" he replied, that makes me stop. E ano pala? Hindi pa naman ako nanghihinayang sa pagpunta nya dito kahit wala si Miles dahil makakatipid ako sa pamasahe. Akala ko pa naman magmamagandang loob sya na ihatid ako. "You owe me a dinner after all."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD