chapter 05

2048 Words
Ako? may utang na dinner? How comes? Kailan pa nauutang ang dinner? Parang wala naman akong naaalalang umutang ako sa kanya ng kahit ano! "For what?" I asked. "For bringing your bag back?" rinig ko ang pagtawa nya. "Baka kung hindi sa akin napunta yan ay hindi na mapabalik sayo. Nandyan pa naman yung I.D mo nung elementary ka." "You opened my wallet!" sigaw ko. Doon lang naman kasi nakalagay ang kahiya-hiya kong I.D Mama gave that wallet, mula ng ibinigay nya iyon ay nakadikit na talaga yung I.D ko nung elementary at may ilan pang picture ko na nakasingit. Ayaw ni mama na alisin ko iyon sa wallet para daw may taong pampaswerte pero kapag tinitingnan ko iyon parang mas bagay syang panakot sa daga. "Hindi ah nakita ko lang" iniikot nya ang paningin. "Pero bakit tayo mag d-dinner? Ikaw crush mo siguro ako 'no?" sinundot ko siya sa tagiliran kaya napaiwas ang lalaki. "Buti kung kagandahan ka" para syang babaeng nagtataray. "Get in" Agad akong sumunod sa kanya. Itinigil nya ang sasakyan sa hindi ko kilalang lugar, parang ngayon ko lang nakita ito. Hindi ko napansin kung malapit lang ba 'to sa Fleris o hindi, para kasing mahaba din ang oras kaninang nasa sasakyan kami. Boring kasi wala namang umiimik, tahimik lang syang nag d-drive at ako nama'y nahihiyang dumaldal. Baka sabihin nya pang feeling close ako 'no. "Isa 'to sa paborito kong kainan" usal nya pagkababa ng sasakyan. Tumango lang ako at sumunod sa kanya papasok sa malaking pinto, hindi kita ang nasa loob niyon dahil bato talaga ang pader. Hindi halatang kainan.. Sumalubong sa akin ang mga simpleng tables at counter na sa pinaka likod. May mini stage naman sa gilid na may nakalagay na mga upuan, drums, ay mic stand. Parang gimikan lang. Good for two ang mga table na parang hinanda lang para sa mga couples. Si Cillian ang pumili ng pwesto na kakainan namin. Mula lang syang gimikan pero puro pag-kain lang ang nasa menu. Karamihan sa beverage nila ay puro softdrinks pero may ilang pangalan din ng wine sa ilalim. Pinapanood ko lang ang ibang pumapasok sa kainan habang naghihintay kay Cillian na umoorder ng kakainin namin. Napaisip tuloy ako kung panong nakarating kami dito e ibinalik nya lang nama ang bag ko kanina. Speaking of my bag basta ko lang dito isiningit ang hinubad ko kanina, gusot na gusto siguro iyon dahil pinagkasya ko lang. My eyes widened, agad akong napatingin sa bag. He saw the picture inside the wallet ibig sabihin binuksan nya 'yong bag. Oh my gosh did he just saw my undies? Napahilamos ako sa kahihiyan, sakto namang dumating sya at inilapag ang mga pagkain sa mesa. Hindi ko siya pinansin, tumingin ako sa ilalim ng mesa para silipin ang bag. Wala doon ang damit na hinubad ko. "N-nakuha mo ba 'yung damit ko sa bag?" Okay, sounds pathetic Chaeya. Tumikhim siya ng marinig ang tanong ko. "It was nanay, lalabhan daw nya." Hindi ako umimik. "I didn't touch it! Promise." itinaas niya ang isang kamay, parang batang nag p-promise. Natawa ako sa itsura nya. "Touch what?" inabot ko ang tubig na dala nya kanina dahil baka masamid ako ng wala sa oras. Ang hirap magpigil ng tawa. He really assumed that huh. Muntik ng matapon ang iniinom ko dahil sa batang bigla nalang humawak sa shirt ko at tumago sa ilalim ng table. Hinawakan ko sya sa braso para hindi matumba. "Shhh" iniharang ng bata ang hintuturo nya sa labi. Luminga-linga kami ni Cillian para hanapin ang humahabol sa bata pero lahat naman ng tao ay abala sa pakikipag-usap at pag-kain. "Come here" hinila ko sya patayo. He's cute! maliit tapos may malagong kulot na buhok, ang gwapo siguro ng tatay ng batang ito. "Asan ang mommy mo hm? Hindi ka dapat gumagaslaw dito madaming tao, baka mamaya hinahanap ka ng kasama mo eh" pinisil ko ang ilong nya. His eyes seems familiar pulang-pula din ang labi nya na mas lalong kinagwapo ng bata. He nodded, sandali syang tumungo at naglabas ng papel sa dala nyang bag. "I can't talk" mahinang basa ko sa nakasulat. Akmang babalik sa ilalim ng mesa ang bata pero pinigilan ko ito. Muli kong tiningnan ang paligid para makita kung may naghahanap ba sa kanya pero parang wala naman. "Let's bring him to the counter" usal ni Cillian, hinawakan niya ang kabilang kamay ng bata at inakay panuntang counter, ako naman ay tahimik lang na nakasunod sa likod nila. Nililingon ko pa minsan ang table namin para makita kung safe ba ang pag-kain namin doon. Baka kasi mamaya ay may kumuha 'no sayang din yung manok. Hinintay muna namin na maibalik ang bata bago kami bumalik sa table. "Sorry sa istorbo maam, makulit lang talaga itong anak ko" iyong matabang babae pala na nakaupo malapit sa pinto ang nanay ng bata. Hindi sa pinapakialman ko sila pero hindi talaga sila magkamuka. Sa taba palang ibang-iba na 'yung bata, basta wala akong nakikitang bakas na magkadugo sila. Ay ang judgemental mo naman Chaeya, baka naman kasi yung tatay ang kamukha. Pero kung sino man ang tatay ang batang iyon, palahi! "Eat." bumalik ako sa huwisyo ng biglang magsalita si Cillian. Kumain nalang ako ng tahimik pero parang hindi kakayanin ng tyan ko iyong mga inorder nya. Masyadong madami, hindi ako busog pero umaayaw na panglasa ko kaya unti-unting bumabagal ang sarili ko. Napangisi ako kay Cillian nang tumingin na sya sa handwatch na suot. "Kung gusto mo na umuwi sabihin mo lang, hindi na din kaya ng tyan ko e masyado mo akong pinapataba. Pwedeng paampon?" I joked. Bahagya lang umawang ang mga labi niya pero naging seryoso din agad. "Mamaya na, dadating na din naman yung band panoodin na natin. This is my last time being free, busy na ulit ako the next days. Too bad, Miles are not here sya ang lagi kong kasama sa ganito." Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain, sayang din ito 'no baka hindi pwedeng itake-out. Habang lumalalim ang gabi ay dumadami din ang tao dito sa kainan, at halos lahat talaga sila ay may mga ka date. Wow na out of place nanaman yata ako, bakit ba naman kasi nagkasakit pa si Miles. "Mic test" sabay sabay nilang imik. Bahagyan umuna nag babae na sa tingin ko ay vocalist nila. "Before saying goodbye we would like to thank you all for rooting with us until this night. All of your voice, and outstanding support will always be a part of our heart" Unang strum ng gitara ay nagtayuan agad ang balahibo ko, this is how music can affect the whole me. Sinabayan pa iyon ng beat ng drums at ng piano. "Everyone sing with us!" sigaw ng vocalist. Hmm yeah-yeah Napako ang paningin ko sa mini stage kung saan sila nakatayo, ang angelic ng boses nya! Ito ang tunay na biniyayaan! Looks like we made it Look how far we've come, my baby We mighta took the long way We knew we'd get there someday They said, "I bet they'll never make it" But just look at us holding on We're still together, still going strong~ "You're still the one~" sabay ko, I'm not that good in singing but God knows how I love music! Love ko lang yung music pero hindi nya ako minahal pabalik kaya pang kanto lang talaga ang boses ko. Dinadamdam ko lang ang musika habang sumasabay doon, I don't mind those judger na nakakarinig ng boses ko na hindi kagandahan pero naeenjoy ko talaga ang banda! Kung alam ko lang ang lugar na ito baka lagi akong nakatambay dito! Nang matapos ang isang kanta at patuloy lang na nagkakalikot ng kani-kanilang instrumento ang banda. Sa isang iglap ay parang nakapag remix sila, nagkapalit ng pwesto ang babae kanina tsaka iyong guitarist nila. Yung babae na ngayon ang may hawak ng gitara. "Para sa mga sawi! Hooo!" sigaw ng lalaki habang kumakaway sa audiences. Para naman kaming sira na nagsitawanan, iyong iba ay nag-aabutan na ng inumin at nag-aasaran. I don't want to let you down I don't want to lead you on I don't want to hold you back From where you might belong. You would never ask me why My heart is so disguised I just can't live a lie anymore I would rather hurt myself Than to ever make you cry There's nothing left to say but good-bye~ Pagkatapos niyon ay may pa special speech pa sila, ilang taon na din pala ang banda at kailangan na umalis sa pagbabanda. Ibig-sabihin ito na ang last performance nila ngayon. I'm glad that I heard their powerful voice, sayang nga lang at hindi na mauulit. Balak ko pa namang pumunta ulit dito paminsan-minsan tapos isasama ko si Eurine. Paniguradong marami syang mabibingwit na fafi dito. Aayain ko na sanang umuwi si Cillian pero pag lingon ko ay halos mag collapse na siya sa upuan. "Hala ka, ano yan?" nakatambak sa harap nya ang mga walang laman na bote ng inumin. Tiningnan ko kung ano iyon pero hindi ko naman mabasa dahil ibang language ang nakasulat! "Lasing ka ba o nasisiraan ka lang ng bait?" I asked once again pero nakatingin lang sya ng deretso. "Parang ano naman 'to oh. Kulang ka ba sa aruga? Parang nakikanta lang naman ako tapos paglingon ko lasing kana? Ganon ba talaga kaganda boses ko?" "Ha? Manahimik ka nalang kung ganon" napakunot ang noo ko sa sagot niya. "Bobo ka paano tayo uuwi ngayon ha? Baka hinahanap na ako ni mama!" napatingin ako aa orasan and it's almost midnight. "I have my car with me" itinaas pa niya ang susi para ipakita. "Ay wow salamat nalang ha, parang mas gusto ko nalang maglakad pauwi!" Anong akala nya, marunong ako mag drive? Baka nga ipakulong nya pa ako pag nagasgasan yung sasakyan nya e. "I missed her" usal nya. The Heck? Lumapit ako para masampal-sampal sya. "Hoy for your information, hindi tayo close para dramahan mo ako. Hindi ako interesado kung ano man yang hinanakit mo, medyo lang pero gusto ko na umuwi!" napalakas pa ata ang sigaw ko dahil nagtinginan sa akin ang ilang tao. Nakauwi na yung iba kaya hindi naman masyadong nakakahiya but still may nakakakita padin! "Kalalaki mong tao Cillian!" Kahit ano namang sabihin ko dito wala din akong nagagawa. Bakit ba naman kasi! Natagpuan ko nalang ang sarili kong tahimik at tulala sa kotse habang nakikinig ng mga rant nya. Pinipilit ko nalang isiksik sa utak ko kahit wala naman talaga akong maintindihan. Iniintindi ko nalang na ang tama ng alak ay hindi biro at hindi pwede sa mahihinang nilalang. For his sake pwede naman syang lumaklak ng kape pero alak pa talaga ang ininom nya! "Bring her back..." "Call her and.." "Please say I need her" "She used to drive me home before" "She can take care of me when I'm drunk" mahina siyang tumawa. "But now I'm all alone" "Alone" Napapikit nalang ako. Kanina padin ako nacu-curious sa mga pinagsasasabi nya. Her? Kanina pa sya "her" ng "her" pero wala naman syang nabanggit na pangalan. Nakakaurat na! Kung tatanungin ko naman ay hindi din sya nakakasagot ng matino. I'm just curious about his past. Kung ano man iyon, I'm sure it's so painfull for him everytime he'll remember. Masyado naman kasing magaling yung banda kanina kaya nadala ito! Is it Miles? The one he's talking about, I think it's Miles. Wala naman akong alam sa kanilang dalawa, pero the way they talk to each other parang kakaiba. Tapos kanina hinahanap nya pa si Miles. He also mentioned na si Miles ang lagi nyang kasama sa mga ganito. Pero kung ex na nya, bakit ganon parin sila kalapit? Imposible namang si Aine dahil tingin ko magkadugo lang sila. Sinampal ko nag sarili sa mga naiisip. "Ano ba yan Chaeya iniistress mo yang sarili mo sa hindi naman dapat" I whispered. "Chaeya" rinig kong tawag nya. Halos mapaiyak ako dahil hindi ako komportable sa lagay ko ngayon. Inaantok ako pero nag-iinit ang katawan ko dahil sa suot kong damit, hindi pa ako nakakapag-palit plus hindi ako makahiga dahil nasa kotse lang naman kami at mag katabi pa talaga akong maingay. Sana pala hindi nalang ako sumama sa kanya kung alam ko lang talaga. "Please, i-uwi mo na ulit ako"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD