chapter 06

1963 Words
"Shut up, wala tayong gagawin dito kundi magpapahinga" kinuha ko ang phone ko para mag alarm. It's 2 A.M at malabong maka-abot ako sa klase bukas kung matutulog pa ako ngayon kaya pinilit kong imulat ang mata kahit bagsak na bagsak na. Kinurot ang sarili Kumain ng calamansi Naghilamos ng malamig na tubig pero walang nangyari. Umaga na pagkamulat ko and what's worst? Nagising akong nakanganga sa harap ni Cillian. Isa nanamang kahihiyan. Kung nakikita lang 'to ni Eurine paniguradong mamamatay na 'yon kakatawa. Agad akong nagpunas ng muka at humarap sa salamin. Mabuti nalang at walang bakas ng panis na laway! "Your alarm woke me up" seryoso nyang saad. "Nagising ka? Bakit hindi mo ako ginising?" Napatingin ako sa cellphone ko at hindi na iyon mabuhay. "Anong oras na?" "11" mabilis nyang sagot na ikinalaki ng mata ko. Hindi na talaga ako aabot! May isa pa naman akong session pero pang hapon na iyon at isang oras lang naman. May kinuha syang paper bag sa likod at inabutan ako ng charger. Sinaksak nya lang iyon sa bandang unahan at mabuhay na ang cellphone ko. "Pwede pala mag charge sa kotse?" Tinaasan nya lang ako ng kilay. Hindi ko na iyon pinansin dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Most of the message are from Mom and Eurine. Kahit nahihilo ay binasa ko ang mga iyon. MAMA <'3 : y r u not answering may calls? : nandito ka ba sa kwarto mo? : r u asleep? : or nandyan ka kay Eurine? : i'm too busy, hihingi sana ako ng tulong pero di ka sumasagot. : btw, be safe honey (^.^) Ganda Lang <'3 : teh where is you? : huy : inbox mo lang ako sige sino ba naman ako para replyan haha sakit. : ay char : bukas na layag ko pa manila. : biglaan : 1pm : ops wag ka pupunta baka di ako makaalis paliliparin talaga kita. : mamimiss kita huhu goodbye na : have a good night sana di kita mabulabog bwahaha Tila nagising ang buong kaluluwa ko ng mabasa ang text ni Eurine. "s**t" hindi ako mapakali sa sasakyan, hindi ko alam kung bababa na ba ako o ano kaya napatitig ako sa bintana. Nandito padin kami sa parking lot ng kainan kagabi! "I"ll buy you water—" bago pa sya makababa ay hinigit ko na ang braso nya. "Gaano kalayo 'to sa Fleris? Hatid mo naman muna ako oh" I pleased. Baka hindi ko maabutan si Eurine!. "I think mga one hour na byahe? Since tanghali na, traffic narin." napasubsob nalang ako sa sinabi nya. "Wala na bang ibang daan? Shortcut? Or kahit mas malayo na walang traffic?" Nawalan ako ng pag-asa nang umiling sya. "Ngayon ang alis ng kaibigan ko, 1 pm" "Hindi mo naman nalalaman kung hindi mo susubukan." pagkasabi niyo'y binuhay nya ang makina ng sasakyan. 50/50 parang hindi kami aabot sa sobrang haba ng traffic at napaka bagal pang umusad. Itinuro ko kay Cillian ang daan papunta sa bahay nila Eurine. Wala pang 1pm nang dumating kami doon but still we're late. Kanina pa daw nakaalis si Eurine dahil namili pa sya ng mga gamit. "She's waiting for your reply kanina kase baka daw habulin mo sya tulad ng mga napapanood nya sa kdrama" her mom joked. Busy pa ito sa pag-aayos ng mga papel na nakalagay sa mesa nya. "Pasensya na po sa abala" Cillian offered to bring me home. Ibinagsak ko lang ang katawan sa kama pagkauwi. Napakabilis ng oras ngayon, parang kanina lang bagong gising pa ako tapos mag-gagabi na ulit. Hindi manlang ako nakatanggap ng text mula kay Eurine. Maybe she's taking a rest or baka busy lang sya sa pag-aayos ng magiging session nya doon. Wala akong pasok kinabukasan kaya hindi ako lumabas ng kwarto. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, nakakatamad bumangon. Hindi padin umuuwi si mama, siguro'y binawi nya iyong absent nya nung nakaraan. Masyadong madami syang ininom kasama si tita Che. Pumuslit din ako ng dalawang gamot sa Kit ni mama, wala na kasi akong stuck at nakakahilong lumabas. Umayos naman ang pakiramdam ko pagkatapos niyon kaya naglinis muna ako ng bahay. Inuna ko na ang kwarto ko. Nagpispis lang ako ng ding-ding ay isinaayos ang mga libro, hindi naman masyadong madumi dahil malinis ako sa gamit. Nandito pa ang mga lumang notebook ko noon, ayaw ito ipatapon ni mama at sayang naman daw. Hindi ko tuloy alam kung balak pa ba nilang magka-anak para magamit itong mga notes ko. I also found my old book, pati yung mga pocket book na ipinuslit ko sa kwarto ni mama nung bored na bored ako ay nandito pa. We both loves reading maliban kay papa na puro trabaho ang inaatupag. Libangan ko ang mga libro, except those books na bigay ng DepEd. Malas nga lang dahil hindi ko alam kung alin dito yung mga nabasa ko na dahil halos wala talaga akong naaalala mula nung lumabas ako sa hospital. Inihiwalay ko yung mga libro na pwede kong basahin kapag free time. May nakita pa akong gutay-gutay na band-aid ay cotton buds sa gilid ng durabox ko. Madaming langgam na nakatipon doon kaya kinuha ko ulit ang walis. May patong patong pang pilas ng notebook doon na may mga drawing at calligraphy na halos maging powder dahil sa langgam. Akala ko ba malinis ka sa gamit Chaeya? Napatigil ako ng mag-ring ang cellphone ko. It's Eurine. "Yow, yow, yow! Safe akong nakarating dito! Hindi mo ako nireplyan ha! Akala ko pa naman ay hahabulin mo ako sa terminal!" bungad niya, inilayo ko pa ang cellphone sa tenga dahil makabasag eardrums ang lumalabas sa speaker ko. "Hinabol kita! Sa bahay nyo kaso masyado kang maaga umalis!" bawi ko. Napag-usapan lang namin ang tungkol sa kukuhanin nyang session. May schedule na daw sya ng meeting bukas pero hindi sure kung kailan sya makakabalil dito. Ang boring na ng buhay! Wala ng nagsasalita pero hindi pa nakababa ang tawag. Para lang kaning baliw na nag-sasayang ng load. "Look what I found" lumapit ako sa kama kung saan nakapatong ang cellphone. Hawak-hawak ko ang isang lumang notebook na puro ng practice signature ko ang nasa likod, ang iba naman ay puro guri na. "Ano?" Binuklat-buklat ko and notebook at binasa sa kanya ang mga naka sulat doon. So, I used to write this story before. It's a tragic story about a "dead body" girl who has a mission to use her powers to bring another character in to other word where she can write her own story. Nabitin kami parehas dahil putol ang story. Doon pa talaga natapos sa nakakabitin na part. "Ano ba yan! Sana hindi mo nalang pinarinig sakin, bitin!" Sigaw niya na parang naiinis. I laughed. "Pwede naman natin tapusin, kaso hindi ko alam kung paano aayusin ang flow. Any idea?" I admit it, nakulangan talaga ako sa story. Maraming namatay na character at patuloy na nagdurusa ang bida. There's a part of me na gusto kong tapusin ang kwento pero wala na ata akong talent sa pagsusulat. I don't want to ruin the story so I decided to keep it nalang. Let's give the character the freedom they deserve. Mas maganda kung hindi galing sa isip natin ang ending ng story nila. Kahit wala silang buhay, they have their own world. Hindi sila nabubuhay sa mundo natin pero sa kanila oo. Andami mo agad nasabi Chaeya, pwede namang sabihin mo nalang na tinatamad ka. Direct to the point ganon. Isinama ko ang notebook sa pinaglagyan ko ng mga pocket books. Nababahin ako dahil sa gabok ng mga gamit. Karamihan talaga dito ay gamit sa pag-aaral. Yung mga punit-punit na notebook, gutay-gutay na sticky notes, mga walang tintang ballpen at mga tuyong poster paint. Naguguluhan na ako kung paano lilinisin iyon kaya inihiwalay ko nalang yung mga patapon. Hindi ko alam na ganito na pala kadami ang mga gamit ko. Naisipan kong ilabas muna iyon sa kwarto para hindi magulo sa labas. Doon naman nakaharang ang mga gamit sa taas ng hagdan, maya-maya pa naman siguro ang uwi ni papa kaya inipon ko muna doon. Ayaw kasi ni papa ng makalat, sya na yung masasabi kong pinakamalinis dito sa bahay. Maski kahit hindi kayang gamit ay ayaw niyang madudumihan. Winalis ko ang ilalim ng mga mesa at durabox, ahas at d**o nalang kasi ang kulang para maging gubat iyon. Mabuti nalang at hindi nagiinspect si mama kapag papasok dito sa kwarto. Napasilip ako sa ilalim ng kama ng may mabigat na bagay na gumaharang sa walis. There, I saw a shoe box. Puno na iyon ng gabok kaya kinailangan ko pa ng basahan para mabuksan iyon. Naintriga ako sa laman ng kahon, baka mamaya ay may nakatagong ginto pala dito sa kwarto ko. Who knows? Masyadong nakakabaliw ang paglilinis. Kung ano-ano nalang ang pumapasok sa utak ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kahon dahil nagliliparan pa sa muka ko ang mga gabok sa loob niyon, dahilan kung bakit patikhim-tikhim ako. Patong-patong na blangkong papel ang nakalagay doon, parang parcel lang na binasta ang packaging. Sa ilalim niyon ay Black, Red, at Blue na ballpen naman at may nakalagay ding makapal na sa highligher note. Journalist ba ako dati kaya andami kong ganito? Ni-wala nga akong alam ngayon kahit sa calligraphy, ang drawing ko ay pang stick man lang, hindi din kagandahan ang sulat ko pero malinis ako sa mga notes kaya magandang tingnan ang mga iyon. "Huy teh ano na patay kana ba dyan?" napatingin ako sa cellphone ng marinig si Eurine doon. Naalala kong kausap ko nga pala ang babae. "Wait may nabungkal ulit ako" "Ano naman yan? don't tell me may kontrata ka sa PH kaya ka mapera ha!" "Hoy anong kontrata sa PH never panga akong nanuod nyan, ang baboy mo naman!" bawi ko. "Wag ako teh, isesearch ko pangalan mo doon mamaya bugbog ka sakin kapag may nakita akong chanel mo!" "Hoy gagawin mo pa talaga akong dahilan para maka open ka ng site ah, magtigil ka nga!" Sa pinakailalim ng kahon nakalagay ang makapal na notebook. Pang 90's ang style non kaya hindi biro ang bigat. Napatulala nalang ako ng mabasa ang nakasulat sa front page. I did'n expect I have this! "Eurine!, I just found.." "Ha? Ano? Gago meron nga? Ikaw ah!" irit niya sa kabilang linya. Hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa sobrang ingay nya. Kung makasigaw ay parang hindi kami nagkausap ng ilang taon. "Okay lang sige, wag mo na akong patapusin. I-end mo nalang ang tawag kung ganon." "Really? Ang bilis mo naman mapikon teh, boring." Hindi ko nalang sya pinansin. Ang buong atensyon ko ay natuon sa notebook. Maybe ito na talaga ang matagal ko ng kailangan para masagot ang mga tanong na halos wala talaga akong pagkuhanan ng sagot, even my family. Sinubukan ko silang tanungin about my past. Minsan na din akong nagmakaawa pero parang wala silang pake. Unti-unti akong nakaramdam ng kaba. Why are they hiding the story? Is there something they don't want me to know? Laging nabubuo sa isipan ko ang mga walang kwentang bagay. Hindi ko alam kung nakakatulong ba iyon sa brain development ko pero sa tingin ko naman ay hindi. I've always been a daydreamer. Always imaging scenarios even though I knew it will never gonna happen. Never. Kaya siguro nakabuo ako ng kwento dati. Nagagawa kong bumuo ng mga pangyayari gamit lang ang isip ko. But it's not really the matter, its only about me, myself, and I They don't want me to know my story? Then let me discover it myself, dahil ngayon, hawak ko na ang mga pangyayaring naiwanan ko at handa akong balikan ulit ang mga iyon. A book where I can write, and Dip myself with my own memories as well... "Chaeya's Diary"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD