chapter 07

2253 Words
It was clearly written "Chaeya, ano nanaman yung kalat sa baba—" hindi naituloy ni papa ang sasabihin nya. Inilibot niya ang paningin sa kwarto hanggang sa dumapo iyon sa hawak kong notebook. "Ano bang ginagawa mo, akin na iyan" kinuha nya iyon at sya ang nag-pagpag ng mga natitirang gabok. "Pa, naglilinis ako" saad ko. Napatingin ako sa notebook na ngayo'y ibinabalik nya sa kahon. He gently squeeze my hair. I know this. "Dapat nag-suot ka ng mask. Masyadong magabok masisinghot mo iyang mga dumi" Hindi ako umimik, iniiwas ko lang ang paningin tsaka lumabas ng kwarto. Iniwan ko si papa doon. Nakatanaw lang ako sa malayo at ramdam ko ang mga luhang gustong kumawala sa akin. Hawak ko na, naging bato pa. It's always them. Kung hindi agad dumating si papa ay baka nabasa ko na ang laman niyon. Pati ba naman ang simpleng notebook na iyon ay ipagdadamot nya din? Ano bang masama sa gusto kong makaalala kahit katiting na pangyayari sa dating buhay ko? Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras, bumalik lang ako sa loob ay wala ng araw. Linis na din ang kwarto, siguro ay itinapon na din ni papa yung mga kalat na inilabas ko. May klase din ako kinabukasan kaya pinilit kong agahan ang gising para hindi ko na maabutan si papa. Tinawagan ko din si Miles, makakapasok na daw sya kaya hindi na ako maboboring sa school. "Nakikinig ka ba?" pinitik ni Miles ang noo ko. Nakatulala kasi ako dito sa counter ng canteen. Naaalala ko si Eurine, hindi manlang sya umabot ng isang Linggo dito. "Ahh oo naman, ano nga ulit 'yon?" I asked. "I said do you really need to find a job? you know hindi mo naman na kailangan. Your family can provide..." Nasabi ko kasi sa kanya na naghahanap ako ng pagkakakitaan. Halos lahat naman ng nasabihan ko ay ganito ang sagot. Hindi ko maipaintindi sa kanila na ayokong gamitin ang pera nila mama. "No, they can't" diniinan ko ang pagkakasabi. "What do you mean they can't?" napasandal sya sa upuan at umastang interesado talaga sa sasabihin ko. "Their money can't buy happiness, pero kung galing sa pawis ko? Baka pa." "Money can't buy happiness? Ha! hindi ako relate!" usal nila. "Muka kang pera." binato nya ako ng tissue pagkasabi noon. Masyado na kaming close to the point na nakikita ko si Eurine sa kanya. To be honest, may pagkakahawig talaga sila. Kung hindi ko lang alam ang pinagmulan ni Eurine ay baka napagkamalan ko na silang magkapatid. Mas maganda nga lang ang katawan ni Miles, masyado na kasing payat si Eurine dahil sa sakit nya. Lagi ko syang sinasabihan ng tamang pag-kain pero likas na matigas ang ulo ng babae. "Hey, is this your bestfriend?" iniharap sa akin ni Miles ang cellphone nya. Nasa newsfeed na iyong bagong post ni Eurine na may katabing lalaki, hindi ko iyon kilala at hindi masyado kita ang muka dahil naka shades iyon. "Sino yan?" I asked from my curiosity. Kadadating lang ni Eurine doon ay nakabingwit agad sya ng gwapo. Sana sinama mo ako. "Ah? ofcourse you don't know him, sorry I forgot. He's the elder brother of Cillian. Sya dapat ang maghahawak ng Forteria pero pinasa nya kay Cillian, I don't know. Family matters maybe?" Tumango-tango ako. Sikat lang siguro talaga ang Forteria kaya ganoon, parang yung mga napapanood ko lang sa mga chinese drama na pagpapasa-pasahan ng lahi ang kumpanya. Hinintay kong matapos ang class para matawagan si Eurine, kasalukuyan akong naka upo sa bench kung saan ako pinaghihintay ni Miles. "Haller?" sagot ng nasa kabing linya. "Kamusta?" I asked. "Kauuwi ko lang girl, every friday ang session ko dito and guess what?" Tumaas ang kilay ko habang hinihintay ang sagot niya. Hindi ko alam kung good news ang sasabihin nya o walang kwentang bagay nanaman tulad ng mga gwapong nakakasalubong nya sa kalsada. Malas naman ng magiging kaibigan nya doon, paniguradong sya ang mahihiya kapag lingon ng lingon si Eurine sa gwapo. "Yung doctor ko teh nakakalaglag ng panty! Oh my gosh buti nalang nahawakan ko kanina! balak ko nga tahian ngayon incase na magpa check-up ako sa friday para safe baka bumigay." Pinagtitinginan pa ako ng ibang estudyante na napapadaan sa lakas ng tawa ko. Anong oras na pero hindi padin bumabalik si Miles kaya hindi ko muna pinapababa kay Eurine ang tawag. Baka mabaliw ako dito kakatulala kapag wala akong kausap. Napaka tahimik lang kasi ng paligid at talagang nakakainip kapag walang ginagawa, hinid ko maenjoy ang paligid. Wala pa naman akong dalang libro para magbasa-basa. Hindi din naman ako makaalis dahil baka biglang dumating si Miles. "Damay mo na pati b*a, higpitan mo ah wag kang susuko kahit na anong mangyari" I joked. "Sikat ako, don't touch me." "Umabot lang ng isang daan likes ng post mo feeling sikat kana, hoy ikaw ah sino yon?" tanong ko na parang walang alam, gusto ko lang naman makarinig ng kabobohan mula sa kanya. "Shoti ko" see? "Charot, yun na nga yung doctor ko teh omg" naalis ang atensyon ko ng may tumigil na babae sa harapan ko. Nawala ang ngiti ko ng mapansing hindi si Miles iyon. Nakatinging lang sya ng diretso sa akin at walang kaemo-emosyon. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting kaba, hindi ko naman sya kilala para tingnan nya ako ng ganito kalagkit. Isa pa, parang hindi sya estudyante dito dahil naka long dress sya, wala namang nagsusuot dito ng ganon, makapal din ang lipstick at make-up niya na pinagbabawal din dito. "Hi? Bakit?" I asked out of curiousity pero kilay lang ang umibo sa kanya. Tumayo at akmang aalis dahil parang baliw lang naman sya na naka tingin. Baka mamaya mapagtripan nya pa ako. Hindi kaya sya yung white lady na pagala-gala daw sa cr? Napapikit ako sa sariling iniisip. "What is your connection with Cillian?" napanganga ako sa tanong niya. Si Cillian? Bakit ako? "ako?" paninigirado ko. Hindi naman kasi kami close at palaging nagkakasama ni Cillian. She nodded. "Wala?" "Please come with me" nauna na syang tumalikod at naglakad. Nag-aalangan pa akong sumunod dahil baka hanapin ako ni Miles. Napansin kong sa canteen ang direksyon niya kaya sumunod na din ako. Parang bigla akong na curious sa kanya. Tingin ko ay wala pa sya sa middle ages dahil napakakinis ng balat nya. Balat mayaman, pero yung boses naman nya ay pwede na pang tita. Hindi ko mareach. "My treat" saad niya ng may maglapag ng dalawang tasang kape sa mesa. "So.." "What do you mean connection kay Cillian?" I asked. Nililinaw ang tanong nya kanina. Tumango-tango sya."I saw you with him" Napakunot ang noo ko. "Maderma resto." She added. Napaisip ako. Maderma iyong pangalan ng kinainan namin nung isang araw! "Ah, he offered to pick me up that day. Uh no, he's actually looking for Miles pero wala sya dito nuon at saktong dala sya yung gamit ko na naiwan sa bahay nila." Paliwanag ko. Baka gawin nyang issue yung pagkikita namin ni Cillian, galing sya sa mayamang pamilya kaya mahirap na, ayoko pa naman na may nalilink sa aking tao. "And?" "Dumiretso lang kami duon sa resto... pinanood yung band" Hindi ko ma-explain! baka iba ang dating sa kanya niyon. Makakawala ata ang puso ko sa sobrang lakas kumabog. Tumango lang ulit siya, halatang hindi kuntento sa sagot ko. Nandito lang ba sya para itanong iyon? O baka naman halos lahat ng makita niyang kasama ni Cillian ay binabantayan nya? She's weird. "Since Cillian decided to take over his brother's career, its not just his own career. He just lived up to the expectation of his relatives. He can't escape." napatingin ako sa kanya sa biglang pagsasalita. Isn't it selfish? Paano? Wala naman akong alam kay Cillian kaya wala din akong maintindihan kung anong sinasabi nya. "And you know, the wife deserve to be rescpected." she added. Muntik ko ng maibuga ang iniinom na kape. "Wife? May asawa si Cillian?" Napatawa naman ang babae habang umiiling-iling. "Ako" Lalong nanlaki ang mata ko. Gusto kong matawa kaso baka imurder nya pa ako kaya pinigilan ko nalang. Hindi ko mabasa kung nagjojoke ba sya o ano pero ganito pala mga type ni Cillian? Sugar mommy. Inilabas ko ang cellphone at tinext si Miles para hindi ako mailang sa tingin ng babae. you: ? miles: I'm sorry, pwede kana umuna kung natatagalan kana. I have so much task to do. Nakaupo si papa sa sofa at naglalaptop pagdating ko sa bahay. Hindi ako umimik, umakyat din ako agad sa kwarto para makapag isip-isip. Parang lagi nalang mahaba ang araw ko. Nadapo ang mata ko sa bedside table kung saan nakapatong ang mga ballpen na kasama ng diary kahapon. Iyon lang ang iniwan ni papa. Hindi ko alam kung nasaan nga inilagay ang diary. Hindi ko ugaling basta pumasok sa kwarto nila para humanap ng gamit lalo na kay papa. I'am still curious why he did that. I mean it's just a diary, hindi naman bawat detalye ng buhay ko nakalagay ko doon, tsaka gusto ko lang namang mabasa.. Ah basta hindi maganda loob ko. "Hindi ko na talaga mapigilan teh, mamamatay naman tayong lahat kaya lulubusin ko na" kausap ko si Eurine sa tawag. Ako na ang nahihiya para sa kanya, she's literally simping with her doctor. "Aren't you afraid? Hindi lang basta doctor yan baka mamaya laman kana ng balita" "Pangarap ko nga maging non-showbiz gf teh, tapos irereaveal nya ako sa mga interview diba nakakakilig 'yon." Kung kani-kanino lang din talaga lumalapit si Eurine, kung kanino nya trip basta gwapo. Hindi lang mawawala na pagsasabihan ko sya dahil baka mamaya ay hindi na sya maka move-on sa mga nilalandi nya dahil paniguradong ako din ang mamomroblema kung sakaling ma-broken sya. Ni-hindi ko nga alam kung paanong naisisingit nya sa oras ang pag harot. Isa iyon sa dahilan kaya gusto ko laging kasama sa mga session nya. Minsan kasi ay kung saan-saan nalang siya nagsususuot. Sobrang sensitive pa naman ng katawan nya. Mabilis mapagod at talagang mahirap hayaan sa mabibigat na bagay. "Hindi yun nakakakilig, nakakainis iyon lalo na sa part na kakalat ang picture mo sa internet at may bash sa mga fans. Pero wag lang mag-alala isipin mo nalang na Doctor si Crimson at hindi artista. Ibig sabihin hindi kahit maging jowa ka nya hindi non-showbiz gf ang tawag sayo." "Ang sakit mo naman magsalita, parang hindi ka kaibigan. Kamusta pala dyan sa inyo teh?" "Walang pinagbago, mas maging busy lang talaga lahat." Nag iisip-isip ako ng mga masasabi kay Eurine ng maalala ko iyong babae kanina kaya naikwento ko din sa kanya. "Oh talaga? Ano pang sinabi?" boses nya palang halatang interesado nanaman sya makasagap ng chismis. "Wala, iyon lang naman. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nya sa akin sinabi iyon. Muka bang interesado ako sa buhay nya?" "Parang hindi naman, pero kay Cillian ata oo" she joked. I raised a brow. As if naman gustuhin ko yung mahilig sa matanda na mapera. "Hindi, pero curious ako sa past nya teh" napaisip ako. Rinig ko ang pag-tikhim nya sa kabilang linya bago nagsalita. "Dati curious ka lang sa past mo ngayon pati na sa past nya?" "I mean nung gabi na nalasing sya, he seems so broken you know. He keeps finding the presence of that "her" pero wala syang nasabing pangalan. May duda ako na si Miles iyon pero lalong gumulo dahil dun sa babaeng nagpakita kanina. Hindi ko manlang nalaman yung pangalan nung babae nakakatakot tumingin" "Bakit hindi mo pairalin yang pagiging detective mo, ganyan naman kayong mga taga legal management. Tamang hinala." "Excuse me, pasalamat ka pa nga at kaibigan mo ako. Pwede ka sa akin magpakunsulta incase may pinagdududahan ka—" "Emergency teh babush!" agad nyang pinatay ang tawag. Napatingala nalang ako sa kisame. Tulad ng nangyayari araw-araw, kung ano-ano nanaman ang pumapasok sa isip ko kaya naisipan ko munang lumabas. Wala na si papa sa labas kaya dire-diretso lang ako. Tinahak ko ang daan sa library na lagi kong pinupuntahan. Wala masyadong tao dito kaya hindi gaano magulo ang lugar. Itinuon ko ang atensyon sa nakuha kong libro, ramdam ko na may umupo sa harapan kaya sandali kong nilingon iyon. Nakita ko iyong bata na nagtago sa table namin sa Maderma! Nakahalumbaba siya at diretsong nakatingin sa akin. "Hii!" bati ko. Bahagyang nanlaki ang mata niya, siguro ay nagulat din sa akin. "Nagbabasa ka din?" I asked. Hindi nya ako pinansin, nanatili lang syang nakatingin sa akin. Naalala kong hindi nga pala sya nakakapagsalita, napailing nalang ko ng maalala iyon. Ang cute naman sya para mag suffer sa ganito. Bakit kaya hindi sya nakakapagsalita? Kumuha sya ng papel at lapis mula sa bag nya at ipinakita iyon sa akin. "Ilang taon ka na?" Napangiti ako ng isulat nya sa papel ang number na "5" "Nagbabasa ka din dito?" He nodded. Sumulat ulit sya sa papel bago iharap sa akin iyon. "always" Hindi ko na natuloy ang pagbabasa dahil mukang mas naenjoy ko pa ang pakikipag-usap sa bata. Pansin kong lumalalim na ang hapon kaya nagpa-alam na din ako para umuwi. "Kapag nakita ulit kita dito, ihahanap naman kita ng magagandang libro" Agad namang tumango ang bata, akma akong tatalikod pero inabot nya ang daliri ko para mapalingon ako ulit. May kinuha sya mula sa bag at inilagay iyon sa kamay ko. Napangiti ako ng nakita ang bilog na lollipop at may nakalagay pang sticker sa gitna niyon. Sa baba nakalagay ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan nya. Tokino...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD