Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. Maging siya ay nagulat sa binitiwang salita. Binitiwan na niya ako, nangangatog man ang tuhod ay sinubukan kong dumistansya sa kan'ya. I was startled when he threw his denim jacket in front of me.
"Cover that!"
"H-hindi naman kailangan..."
Ayos lang naman para sa akin ang suot ko, isa pa ay cleavage lang naman ang kita hindi naman buong dibdib ko.
"Hindi kailangan?!" galit na tanong niya. "Why? Are you seducing me?" dagdag pa niya.
Galit ko siyang tinignan, ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? Hindi ako desperada para gawin ang bagay na iyon.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" inis na tanong ko.
"Baka mas magaling ako sa lalaki mo," he smirked.
Matalim ko siyang tinignan. Ang kapal kapal din naman ng mukha niya! Oo nga' t magaling siya... Teka bakit ba parang sumasang-ayon pa ako sa kan'ya?
Marahas kong hinagis pabalik sa kan'ya ang jacket niya. Hindi ko iyon kailangan, isaksak niya sa baga niya.
"Hindi ko kailangan n'yan! Leo respects me. Hindi siya mahigpit sa mga sinusuot ko, hindi siya nakakasakal!" sigaw ko sa kan'ya at iniwan siya roong gulat na gulat.
Anong akala niya ako pa rin iyong Amanda na marupok? Iyong Amanda na susunod sa gusto niya? Nagkakamali siya!
Nang makabalik na ako sa lamesa namin ay nakita kong si Kuya Leo ang nagbayad para sa kinain ng lahat. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling lumapit sa kan'ya.
"Bakit ikaw nagbayad?" bulong ko sa kan'ya.
"So?" parang wala lang sa kan'ya.
Alam ko namang mayaman siya, sobrang yaman pero may hiya rin naman ako. Tinutulungan na nga niya ako, gagastos pa siya.
Magkasabay na bumalik si Eros at Tasha. Nakangiti pa si Tasha pag-upo habang si Eros naman ay parang galit sa mundo ang itsura. Tss! Atleast nasira ang gabi niya, bwesit siya.
Naghiwa-hiwalay na kami matapos ang dinner. Hindi ko Alam kung magkasama ba si Eros at Tasha sa iisang sasakyan, o kung sa condo ba ni Eros ang tungo ni Tasha. Iniisip ko pa lamang ang mga bagay na iyon ay kumukulo na ang dugo ko. Magsama sila!
"Jealous?" mapanuksong tanong ni Kuya Leo.
"Kuya!" Sumimangot ako.
He barked into laughter, para bang aliw na aliw siya sa reaksyon ko. Hindi naman ako nagseselos, ano namang pakialam ko sa kanila? Kahit pa magpakasal na sila ngayon ay ayos lang wala akong pakialam! Pasabugin ko pa bridal car nila.
"What a murderous glare!" Mas lalo pang lumakas ang halakhak ng lalaki.
Napanguso ako, mukhang ito ang dahilan ng pagpayag niya sa kasunduang ito, ang pagtawanan ako. He wants fun in his boring life!
"Wala naman akong pakialam sa mga 'yon. Ikaw ha, pumayag ka pa talagang gawing ninong!" Sumbat ko nang maalala ko iyon.
"Hahaha. Kung nakita mo lang itsura mo kanina, you looked constipated!"
Kung hindi lamang siya nagmamaneho ay nahampas ko na siya. Pasalamat siya at mahal ko pa ang buhay ko kaya hindi ko siya sasaktan habang nagmamaneho.
Nang makarating kami sa bahay ay akala ko ay aalis na siya dahil malalim na rin naman sa gabi. Ngunit bumaba pa siya at hinarap ang magulang ko.
Seryosong nakatingin si Papa sa aming dalawa sa sala habang sila ni Mama ay mag katabi. Umupo kaming dalawa sa tapat ng magulang ko.
Bumuntong hininga muna si Papa bago magsalita.
"Anong plano niyo?"
"Pa... pabibinyagan muna si Daniella," ako na ang sumagot.
"Hindi muna kayo magpapakasal?" singit ni Mama.
Kumabog ang dibdib ko, hindi pweding humantong kami sa kasalan! Baka mamaya ay magmadali silang magpakasal kami, ano na lamang ang gagawin ko?
"Magpapakasal po."
Para akong tinakasan ng kaluluwa at gulat na nilingon si Kuya Leo ngunit kumindat lamang siya sa akin. What the?
"Unahin n'yo na muna ang kasal," si Papa.
Papaano ko ito ngayon tatakasan? Ano na? Ang akala ko ay magpapanggap lamang kami at tapos na, ngayon ay kasal naman ang problema ko. Haaayy, isang sumpa yata ang kasal para sa akin. Lagi na lamang kasal ang problema ko.
Hinatid ko sa labas si Kuya Leo matapos ang usapan nila ni Papa. Nakakainis pa at parang wala lamang sa kan'ya. Hindi ba siya natatakot na baka matuluyan nga kaming ikasal?
"Wag ka nang sumimangot, trust me." Nakangiti pa siya nang sabihin iyon.
"Paano kung wala tayong magawa? Kung maikasal nga tayo?"
"So?"
I rolled my eyes. Bahala nga siya mukha namang hindi siya apektado at parang wala lamang sa kan'ya. Sabagay kung sakali naman ay pwede naman kaming magpa-annul ng kasal. Bahala na!
Kinabukasan ay bumisita ng tanghali ang mga Dela paz. December na kaya sila ganyan, madalas ang bonding ng pamilya namin. Mabuti na lamang at hindi nila kasama si Eros, hindi ko kailangang pakisamahan ang galit niya.
"Pretty, pretty naman baby Dani namin."
Natawa ako kay Enrico habang nilalaro niya ang anak ko. Tuwang-tuwa siya sa bata, ano pa kaya pag nalaman niyang pamangkin niya ito.
Lumapit sa amin si Tita Grace at inagaw kay Enrico si Dani. Kiniliti nito ang anak ko at panay naman ang halakhak ng bata.
"Kung hindi lamang Marquez si Dani ay akalain kong apo ko ito."
Kinabahan ako sa sinabi ni Tita at hilaw na tumawa. Ang lakas ng pakiramdam niya. Hindi rin naman nakakapagtaka, hawig na hawig ito ni Eros. Kaya kung maaari lamang ay ayaw kong ipakita ang anak ko kay Eros. Unang sulyap pa lamang ay alam kong malalaman niyang anak niya si Dani.
"Magpapakasal daw muna kayo?" Tanong ni Enrico.
Tumango ako at ngumiti.
"Mas okay nga iyon. Sana naman ay matuloy na ngayon ang kasal mo, 'yong sa atin ay hindi natuloy. Sana itong para sa anak mo matuloy na."
Sana hindi... Kung pwede ko lamang sabihin iyon ay nasambit ko na. Ang sarap iuntog ng sarili ko sa pader. Nandito na naman ako sa sitwasyong kasalan. Hindi naman sa ayaw kong maranasan ang kasal pero sana naman iyong sa taong mahal ko, hindi sa mga ganitong kaganapan.
"Mahal mo ba 'yon?"
Natigilan ako sa tanong ni Enrico. Hindi ko inaasahan na itanong niya iyon.
"B-bakit?"
"Amanda, kung si Dani lang naman dahilan ng pagpapakasal n'yo, do you think your marriage will work?"
"I d-don't know..."
"Para sa akin pwede naman kayong magtulungan sa pagpapalaki ng anak n'yo kahit hindi kayo kasal."
Tumango ako. Tama siya, pwede ko naman sigurong idahilan sa magulang ko. Papayag naman siguro sila, o ipipilit ko? Kanina lamang ang sabi niya ay sana matuloy na ang kasal ko tapos ngayon... Haayy ang gulo!