Kabanata 14

1095 Words
"Amanda, starting tomorrow ikaw na ang papasok sa kompanya." Tumango ako kay Papa, mas mabuti na rin na maaga akong magtrabaho sa kompanya kapalit niya. Kung nakaalis na sila para sa bakasyon at saka lamang ako pupunta ng kompanya ay mahihirapan ako. I think it's better para magabayan pa nila ako. "Sige, Papa." Nag-aalmusal kami ngayon at pagkatapos ay aalis sila kasama si Dani. My parents are excited to shop Dani's clothes and toys. Gusto ko sanang sumama pero kailangan ko ring mamili ng mga gamit ko. Kasama naman nila ang dalawang yaya ni Dani at mag sasama na rin daw sila ng bodyguard. "Mamimili ka rin, hindi ba anak?" "Opo, Mama. Sierra will come with me naman," sagot ko kay Mama. Tumango si Mama at nag patuloy sa pagkain. Nangako si Sierra na sasamahan ako ngayon at hindi muna papasok sa kompanya nila. Nagulat nga ako na nagtatrabaho na siya ngayon. Iba pala ang epekto sa kan'ya ni Pio. Akala ko ay habang buhay ng ganoon ang kaibigan ko pero dahil sa pag-ibig ay nagbago. Love is really powerful huh? Mas naunang umalis ng bahay ang magulang ko kasama si Dani. Naligo pa ako at nag-ayos bago tuluyang tumulak sa condo ni Sierra. Kahit na nagtatrabaho na ito ay tamad pa rin namang magmaneho. Tss iyon yata ang hindi magbabago sa kan'ya. "Tagal," reklamo ko nang makarating na ako sa condo niya at nag-aayos pa rin. "Wait ka lang. Kung gusto mo bumisita ka muna kay Eros sa baba." Kinuha ko ang isang unan sa kama niya at binato sa kan'ya habang nasa harap siya ng salamin. "Tapos ano? Aabutan ko sila roon ni Tasha?" inis na tanong ko sa kan'ya. Humalakhak ang baliw kong kaibigan bago bumaling sa akin at ngumisi nang malapad. "Why? Visit as a friend lang naman," sambit niya bago muling humalakhak "Duh, we're not even friends!" Hindi ko na nga naiisip na magiging magkaibigan pa kami. Kung sakali ay baka malaman pa niya ang tungkol sa anak namin. "Kasi ex?" I rolled my eyes. Kahit ex ay hindi naman, dahil hindi naman kami naging official. Hindi ko nga alam kung anong tawag sa amin noon. f**k buddy maybe? "Hindi rin!" Natapos na si Sierra sa pag-aayos kaya natapos na rin siya sa pang-aasar niya. Habang nasa elevator kami pababa ay tumigil ito sa floor kung nasaan ang condo ni Eros. Marami namang ibang nakatira roon I'm sure hindi siya-- Fuck! Umiwas ako nang tingin sa kanilang dalawa ni Tasha na papasok sa elevator. Bahagya ko pang naramdaman ang mahinang pagsiko ni Sierra. Nasa likod kaming dalawa ni Sierra habang nasa harapan namin ang dalawa ni Eros at Tasha. Ang kamay ni Eros ay nasa bewang ng babae. Tss akala mo naman ay may aagaw sa girlfriend niya rito sa elevator. Kami lang apat ang nandito! "Oh!" sambit ni Tasha na para bang may naalala. "Why, baby?" Tanong naman ni Eros. What? Baby? Ako ang baby mo gago ka! O baka naman lahat ng babae niya ay tinatawag niyang baby. Hindi talaga ako dapat nagpadala sa kan'ya noon. Kumukulo ang dugo ko nang maalala ko kung paano ako kiligin sa tuwing tinatawag niya akong baby. Bwesit! "I left my panty!" Sabay kaming napasinghap ni Sierra at nagkatinginan pa. Anak ng! "Hayaan mo na, para may pamalit ka ulit pagbalik mo," sagot ni Eros. Ang imahe nila na magkasama sa kama ng lalaki at walang saplot ay nabuo sa ka isipan ko. Kung kanina ay nagagalit ako ngayon naman ay tila may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. Ganoon lang ba talaga ka dali sa kan'ya na ikama ang kung sino. Ganoon na lamang ba iyon? Noon ay ako ang nasa kama niya ngayon ay iba na ang dinadala niya sa langit gamit ang kama niya. Sa buong buhay ko ngayon ko lamang naranasan na mainip sa loob ng elevator. Parang gusto ko nang higitin ito para lamang mapabilis ang pagbaba namin. Kahit kami lamang ang tao sa loob ay pakiramdam ko ay ang sikip-sikip nito. Laking pasasalamat ko nang makarating kami sa baba at nauna na silang lumabas. Nakahinga ako ng maluwag at bahagyang nabawasan ang sakit ng dibdib ko. "Mahal mo pa." Hindi iyon tanong. Bumuntong hininga ako at nagsimula nang magmaneho. Hindi ako makatanggi kay Sierra dahil alam ko namang tama siya. Kung hindi ko mahal si Eros ay baka wala ng epekto sa akin kung makita ko man itong may kasamang iba. "Palagi ngang nagtatanong sa akin si Pio kung mahal mo pa si Eros. Tss, ang sabi ko masaya na kayo ni kuya at wag nang manggugulo ang kaibigan niya." "Hindi naman na manggugulo 'yon. Nakita mo naman 'diba? Masaya na 'yon kay Tasha." Hindi ko maitago ang pait sa tinig ko. "Totohanin n'yo na lamang ni Kuya ang sa inyo para masaya ka na rin!" Binalingan ko ang nakangiti kong kaibigan. Kahit kailan talaga ay baliw ang isang ito. Ang daming kalokohan. "Sa tingin mo papayag ang kapatid mo?" Tanong ko sa kan'ya. "Sus, ang bilis nga niyang pumayag na magpanggap na ama ni Dani. Baka nga crush ka no'n, ayaw lang umamin!" Kinabahan ako sa sinabi ni Sierra. Ako crush ng kuya niya? Imposible, baka sugurin ako ng mga nagkakagusto roon. Kahit masungit ang isang iyon ay alam ko naman kung gaano karami ang may gusto sa lalaking iyon. "Mas gusto ko pa 'yon kesa magbalikan kayo ni Eros." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sierra. Mas gusto niya pa 'yon? "Magiging kapatid pa kita! Hindi ba't masaya?" Napailing na lamang ako habang tumatawa. Iyon naman pala ang dahilan niya. Nang makarating kami sa mall ay agad na bumaba kami at nagtungo sa loob. Shopping is always fun. Well at least for Sierra. Sa tingin ko ay mas marami pa ang napamili niya kumpara sa akin. I just bought clothes that I can use for work. Samantalang ang sa kaibigan ko ay para sa mga night out niya. "Should we buy more?" Nagniningning ang mata ni Sierra habang tinatanong iyon. "No, these are enough." Umiling ako sa kan'ya. Sa tingin ko ay mamumulubi si Pio sa kaibigan ko kung sakali. "Fine!" Parang labag pa sa kalooban niya na tumigil kami sa pamimili. We decided to eat first before going home. Papasok pa lamang kami sa restaurant ay may couple na nauna sa amin. At kung mamalasin ka pa talaga ay si Eros at Tasha pa iyon. Naiinis na lumingon ako kay Sierra maging siya ay nakakunot din ang noo. Kailangan ba talagang laging magkrus ang landas namin? Pinaglalaruan yata ako ng tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD