By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig sa salitang kamatayan ngunit hindi ito mahirap na intindihin kasi, naranasan ko na ang sitwasyong muntik na akong mamatay at sa kalagayn kong bagamat nagkaroon ng linaw ang tunay kong pagkatao, nawala naman ang kuya Erwin ko. At sa puntong hindi kami pwedeng maging kami ni kuya Erwin dahil legal kaming magkapatid, parang wala na ring kabuluhan ang buhay. Parang kahit anong oras na mamatay ako, pwede na. Kumbaga, hindi lang ako handa... gusto ko pang mangyari na ito sa akin. “Alam mo kuya... kung sakaling buhay at makabalik na si kuya Erwin, gusto kong kayo ang magkatuluyan.” “Hay naku... Nad’yan na naman kami,” ang sagot ni kuya Zach na

