By Michael Juha getmybox@hotmail.com fb: Michael Juha Full --------------------------- Habang binaybay ng sasakyan namin ang highway patungo sa mansyon ng daddy ni kuya Zach, hindi naman ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit. Nalungkot ako sa pagkamatay ni kuya Zach, naawa, at sobrang naapreciate ang kanyang kabaitan lalo na sa pagbigay ng mga mata niya sa akin. Habang iniikot ng aking mga mata at sinamsam ang ganda ng aking mga nakikita sa paligid, hindi mbura-bura sa isip ko ang sinabi ni kuya Zach sa akin, “...palagi mo pa rin akong maalaala, at palagi mo pa rin akong makakasama. Sa pamamagitan ng aking mga mata, makikita mo ang kulay ng mundo, ang iba’t-ibang bagay, lugar, o tao na makakapagbigay ng aliw, inspirasyon at katuturan sa iyong buhay. Sa pamamagitan niyan,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


