Dali-dali niyang nilisan ang ospital na iyon. At gaya ng dati, wala siyang ibang mapuntahan. Hindi siya pwedeng umuwi sa mansyon ng mga Lagdameo sa ganitong kalagayan. Baka makahalata pa ang mga ito na may problema siya. Iisa lang ang pumasok sa isip niya habang nakasakay sa jeep, ang mommy niya. Kaya sa halip na umuwi, nagpunta siya sa sementeryo para dalawin ito. Hindi pa man siya nakakapasok sa museleo nito ay pumatak ng muli ang mga luha niya. Missed na missed na niya na ito. Ang nag-iisang nakakaunawa sa kanya mula pagkabata bukod kay Yaya Lomeng. Ang tagapagtanggol niya. Ang number one fan at supporter niya sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Ang unang taong nagparamdam sa kanya na mahalaga siya at kamahal-mahal. Naupo siya sa ibabaw ng lapida nito. Pinaraanan niya ng mga da

