Nang makarating sa ospital si Chesca, dali-dali niyang hinanap ang room ng daddy niya. Sinabi sa kanya ni Yaya Lomeng kung nasaang room ito naroroon. Pagbukas ng sinasakyang elevator agad nyang tinanong ang nurse na naka-duty sa V.I.P ward. Hindi niya alintana ang kakatwang tinging ibinibigay nito sa kanya. She doesn’t care if she was still wearing the nanny’s clothes, ang mahalaga masilip niya ang daddy niya. Itinuro ng nurse ang room kung saan naroon ang ama. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo siya doon. Pagbukas niya ng pinto ay prenteng nakaupo ito sa hospital bed. Naka-office attire pa ito. Parang babago lang din itong dating doon. Nakatitig ito sa kanya. “Dad are you alright?” nagtatakang tanong niya habang lumalapit dito. “Sabi ni Yaya na mild-stroke ka daw. Bakit nakabihis k

